Kabanata 9

3K 93 9
                                    

Alas dose na pero di parin ako dinadalaw ng antok.

Matapos kong lumigo at magbihis ay agad akong nahiga sa kama pero kahit anong pwesto ko di ako makatulog!

Ibinaling ko ang katawan ko sa kabilang gilid at bahagya pang nagulat ng maabutan kong nakatingin saken si Khalid na agad namang ibinalik ang tingin sa laptop na nasa harap nya.

'Feeling ko talaga pinapanood nya ako... Feeling ko lang naman'




Pumikit ulit ako sa pagasang makakatulog na ko pero pagkatapos ng..



Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Apat..

Lima..

Anim..

Pito..

Walo..

Siyam..

Sampung minuto! Gising parin ako!

T___T

Ilang sandali pa ang lumipas ng makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.

Agad akong nagmulat ng mata.


Tumingin ako sa direksyon ni Khalid at..

'Asan yun?'


Dahan dahan akong bumangon at nagtungo sa pinto. Astang bubuksan ko na yun ng maalala ang sinabi ni Khalid saken kanina.


'Hindi ka lalabas ng kwartong to... Naiintindihan mo?'




"Andaya! Bakit sya pwedeng lumabas tapos ako hindi?" Mahinang reklamo ko.


Pinihit ko ang doorknob.



OMG! Hindi nakalock!


Agad akong lumabas. Bukas ang mga ilaw kaya naman maliwanag sa paligid.

Tahimik akong nagtungo sa kabilang kwarto pero hindi ko mabuksan ang pinto non at ganon din ang iba pa!

'Ano ba naman tong bahay na ibinigay ni Chairman... Malaki nga, isang kwarto lang naman ang mapapakinabangan'

Bumaba ako ng makaramdam ng uhaw.

Hindi pa ko tuluyang nakakababa ng hagdan ng matanawan ko si Khalid na natutulog sa sofa.

'A-Anong ginagawa nya dyan!?'

'Tulog Kreisha... Malamang'

Napasimangot ako. Naramdaman nya sigurong di ako komportableng makasama sya sa iisang kwarto kaya dito sya natulog.


Nakakaguilty kase ipinagsiksikan lang nya ang sarili nya doon sa sofa.

Muli akong umakyat at nagtungo sa kwarto namin para kumuha ng kumot.

'Ngayon lang ako nakakita ng ikinasal na hindi tabing matutulog'

'Sabagay pabor naman saken na hindi kami magtabi kase I'll swear hindi ako makakatulog!'

Pagkababa ay agad akong lumapit sa kanya at maingat syang kinumutan. Napangiti pa ako ng pagmasdan ko sya.


'Ang gwapo nya'


I wonder kung sandamakmak na babae ba ang nagkandarapa sa kanya.

Yung feeling na tinulungan mo lang sya tapos pinakasalan ka na nya? Sarap sa feeling... Gusto kong matuwa kase asawa lang naman ako ng isang Khalid Villanueva pero..

My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now