"A-Akala ko ba nakakain ka na?" Nagtatakang tanong ko.
"Nagugutom ulit ako." Kibit balikat nya saka umupo na.
Yieeeeeh!
It means di sayang ang effort ko!
Aba dapat lang! Tagal ko din nagantay sa kanya no!
"How was it?" Agad kong tanong ng tikman na nya ang Pork Steak na niluto ko.
Confident talaga akong magugustuhan nya yan kase highschool pa lang ako nung pinagaralan kong maperfect ito!
Tumikhim sya. "I-It's good"
"Good lang!?" Tanong ko na para bang nagkakamali lang sya.
Baka naman kase sobra nyang nagustuhan at nahihiya lang syang aminin.
Pero tinignan ko ang reaksyon ng mukha nya. Kulang na lang magbanggaan ang kilay nya sa sobrang salubong!
'Hindi nya nagustuhan'
"So what do you expect me to say?" Supladong tanong nya.
Ngumuso ako. Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang luto ko.
'Ang alat!'
"S-Sorry, nasobrahan yata sa toyo.." nahihiyang sabi ko.
"It's okay." Aniya at nagpatuloy na sa pagkain.
"Umorder ka na lang ulit ng pagkain sa susunod... Kesa naman pagtyagaan mo ang luto ko eh itong Steak lang naman ang alam kong lutuin at yung mga easy to cook na pagkain." Nakasimangot kong sabi.
"Umorder?" Taas kilay nya'ng tanong.
"Oo, diba yung mga pagkain kanina'ng umaga order mo? Sarap nga eh! Halos naubos ko.. Saan'g restaurant mo ba inorder yun? Siguro mga professional na chef ang nagluto non--"
"Hindi ko yun inorder." Putol nya saken.
"Huh? Talaga? Eh saan galing yun? Pinadala ba ni Chairman?" Sunod-sunod kong tanong.
"No."
"Eh? Don't tell me yung mga lalaking nagbabantay doon sa labas ang nagluto non?" Ngiwi ko sa kanya.
Imposible naman siguro... Kase kung magaling naman pala silang magluto eh dapat nag chef na lang sila kesa maging taga bantay diba!?
"No."
"Sigurado ka? Eh sino naman ang magluluto non eh wala naman tayong mga maid dito--"
Natigilan ako ng meron akong narealize!
"Omyghad! I-Ikaw ang nagluto ng l-lahat ng yon!?" Di makapaniwalang tanong ko habang nakaturo sa kanya.
Hindi sya umimik at nagiwas lang ng tingin!
"Silence means yes--For real!? Grabe! Magaling ka pa lang magluto di mo man lang sinasabi! Pano mo nagawa yun? Samantalang ako hanggang pritong itlog lang, hotdog, bacon, ham basta lahat ng pwedeng iprito--Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ko ng tumayo na sya.
"I'm done." Walang gana nyang sagot sabay talikod. "Ang ingay" rinig kong bulong nya pa.
'Ang daldal ko kasi!'
"Natuwa lang naman ako.." nakangusong bulong ko din.
Taka kong tinignan ang plato'ng pinagkainan nya.
'Good lang daw pero ubos naman' Hehe kunwari pa ito'ng si Khalid nagustuhan din naman!
---
YOU ARE READING
My Heartless Husband (On Going)
RomantikI want to feel wanted sometimes... But my husband is a heartless bastard.