Khalid's POV
"Dad, are you okay!?" Nag-aalalang tanong ko kay Dad pagkakita ko sa kanya. Pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa at nakahinga ako ng maluwag ng makitang ayos lang sya.
(—__—)
"I'm okay Son, but what are you doing here!?" Nagugulat na tanong nya.
"Tinawagan ako ng mga tauhan nyo.." Sagot ko at luminga linga sa paligid. "Meron daw sumusunod sa inyo kaya agad akong nagtungo dito." Dagdag ko at muling ibinalik ang tingin sa kanya. "What happened?"
He sighed. "I don't know.. Bigla na lamang nila kaming hinarang at pinalibutan.." Ani Dad.
Nanliit ang mata ko. "Kilala mo ba sila Dad?"
Mabilis naman syang umiling. "May mga takip ang mga mukha nila at halos lahat sila ay puro mga naka-itim.. Maging ang sasakyan nilang motor."
Nilingon ko ang mga tauhan namin at lahat sila ay aktibong nakamasid sa paligid.
"Chris.." Tawag pansin ko sa pinakabatang tauhan namin. Agad syang lumingon at lumapit saken.
"Sir?"
"I need an update."
"Patawad Sir pero hindi ko po sila namukhaan." Paumanhin nito habang nasa baba ang paningin. "Pero sa tingin ko po, ang mga lalaking yun na humarang samin ay mga tauhan ni Mr. Sy.." Seryosong ani nito. Agad nag-init ang dugo ko sa narinig. I tooked a deep breathe para pakalmahin ang sarili. "Nakakapagtaka lang ang mga ikinilos ng kalaban.." Literal akong napabaling sa kanya sa sunod nyang sinabi.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko.
"Paniguradong meron silang dahilan sa biglaan nilang pagpapakita.. Akala ko meron silang gagawin na kakaiba pero.. Hinarang lang nila kami at ilang minuto lang bago kayo dumating ay umalis na din sila."
(o___O)
Nangunot ang noo ko. 'He has the point.. Anong motibo nila sa ginawa nilang pagharang? Anong gusto mong iparating Mr. Sy.'
(>___<)
Nasa ganoong posisyon ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Agad ko yung kinuha sa bulsa at sinagot.
"Bitawan nyo ko!"
(O____O)
Nakaramdam agad ako ng kaba at panlalamig ng marinig ang pamilyar na boses na yun.
'Kreisha..'
"Ano ba! Bitawan nyo ko! BITAWAN NYO KO--HUK!"
"KREISHA!" Sigaw ko. Agad naman naglingunan saken lahat ng kasama ko, maging si Dad na busy sa pakikipag-usap sa mga tauhan nya.
[Khalid..] Tugon ng nasa kabilang linya. Kahit hindi ko sya nakikita ay ramdam kong nakangisi sya ngayon. Mahigpit na kumuyom ang kamao ko sa galit ng mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Lorenzo.. Hinding hindi ko malilimutan ang taong ilang beses ng pinagtangkaan ang buhay ko. Mahirap syang kalaban, malaki ang katawan nya at nahasa sa pakikipaglaban dahil lumaki sya sa isang fraternity.
"Hayop ka. Anong ginawa mo sa asawa ko?." Nangagalaiting sabi ko. Naramdaman ko ang panginginig ng kamao ko dahil sa pagtitimpi.
[Khalid. Khalid. Khalid.. Hahahaha!] Ramdam na ramdam ko sa boses nya ang pagkatuwa at lalong binubuhay non ang galit na galit ko ng sistema. [Di mo dapat inaalis ang paningin mo sa asawa mo...] Natutuwang ani nito. [Kase isang lingat lang Khalid--mawawala sya sayo.]
![](https://img.wattpad.com/cover/156844494-288-k16996.jpg)
YOU ARE READING
My Heartless Husband (On Going)
RomanceI want to feel wanted sometimes... But my husband is a heartless bastard.