Kreisha's POV
"I know everything happens for a reason... But sometimes I wish I knew what the reason is."
(-___-)
"I want to know the reason why this is all happening? Why we need to reach this? Ako ang may pagkakamali pero bakit ikaw ang kailangan parusahan?"
(>>___<<)
"Gigising ka pa ba? Kung oo.. Kailan? Sabi mo noon saken 'silence means yes' but the truth is 'silence is never the answer' because my question will answered only once you wake up.."
(O___O)
Tulog ang katawan ko pero gising na gising ang diwa ko.. At lahat ng sinabing yun ni Khalid ay tumatak sa pandinig ko.
Di ko akalaing naghahanap sya ng sagot sa lahat ng bakit. Kahit naman ako, maraming tanong ang gumugulo sa isip ko and I didn't bother to search for an answer.. Dahil alam kong 'sya' ang sagot sa lahat ng yun.
Marami ng nangyare.. And I'm hoping that this will be the last suffer we will encounter.
(-__-)
"Welcome to our new home."
Tinitigan ko ang malaking bahay sa harap. Napagpasyahan kase namin ni Khalid na lumipat ng matitirahan. We are on the stage of moving on at hindi kami makakalimot kung mananatili kami sa bahay na yun kung saan maraming nangyaring hindi maganda.
"I miss, Manang.." Naramdaman ko agad ang pag-iinit ng dalawang gilid ng mata ko. Tumingala ako at pinagmasdan ang langit.
Wala na sya.. Wala na si Manang. Nadala sya sa Hospital pero walang nagawa ang mga Doctor para iligtas sya. Masyado daw kasing malakas ang pagkakahampas sa ulo nya at hindi nito kinaya.
'Rest in peace.. Your memories will remain on our hearts.'
"I miss her, too." Malungkot ang tinig na ani Khalid. "But where ever she is right now.. She must be very happy, knowing that you are safe." Nilingon ko sya at nakatingin na sya saken. Nakangiti sya pero di ko maramdaman ang saya doon. Isang pilit na ngiti na lang ang isinukli ko sa kanya.
"I hope so.." Tugon ko bago tuluyang pumasok sa malaking gate.
Pagkapasok ko sa bahay ay inilibot ko agad ang paningin ko. Halos wala itong pinagkaiba sa dati naming tirahan.. Malaki at meron ding second floor kung saan naroon ang mga kwarto. Umakyat ako bitbit ang maletang may lamang mga damit. Dumiretso ako sa unang kwartong nakita ko. Binuksan ko ito at pumasok sa loob.
Nakakainggit ang katahimikan ng silid na ito.. Sana ganon din ang buhay na meron ako.
Nagumpisa na kong mag-ayos ng gamit at magligpit ng damit. Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng gutom. Bumaba ako at dumiretso sa kusina, naabutan ko si Khalid na naglalatag ng pagkain sa lamesa.
'Luto nya pala ang naaamoy ko kanina pa.. Nakakagutom.'
"Nandito ka pala.." Bungad ko kay Khalid. Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat sa biglang pagsulpot ko. "S-Sorry, nagulat ba kita?" Nahihiyang sabi ko.
"I-It's okay.." Tikhim nya. "Come here, the food is ready." Aniya at tinanggal ang apron. Hinila nya pa ang upuan para saken.
"Thank you.." Sagot ko bago umupo. Nalanghap ko agad ang maasim asim na amoy ng Sinigang, my favorite. Ito rin ang pangalawang beses na makakakain ako ng luto nya. Kumuha ako ng kutsara at agad humigop ng sabaw.
YOU ARE READING
My Heartless Husband (On Going)
RomanceI want to feel wanted sometimes... But my husband is a heartless bastard.