Merry Christmas brokengirls!! Enjoy reading ❤
---------------"AAAAAAAAACCCE!!!" Malakas na sigaw ko.
Kung saan saan ko na sya hinawakan pero wala.. Ni hindi man lang sya gumagalaw. Ayoko'ng isipin na patay na siya--Hindi.. Hindi sya pwede'ng mamatay.
"A-Ace naririnig mo ba ko? Si Kreisha 'to.. P-Please.. Wake up.. A-Ace"
Nasa ganoo'ng posisyon ako ng may sasakya'ng dumating.
"Ma'am Kreisha.." Boses ni De Guzman ang bumungad saken. Dahan-dahan ko sya'ng tiningala. Kasama nya si Solomon at bumuhos ang luha ko ng makita ang awa sa mga mata nila.
(TT___TT)
"T-Tulungan nyo ko.." Nagmamakaawa ang tinig na sabi ko. "D-Dalhin natin si A-Ace sa Ospital.." Pagkasabi ko non ay sabay nila'ng nilingon si Khalid. Tumingin din ako kay Khalid at wala man lang ako'ng nakita'ng pagsisisi sa ginawa nya.
'ANG SAMA MO!'
Kumuyom ang mga kamao ko sa galit na namumuo sa dibdib ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa nya'ng barilin ang kaibigan ko mismo sa harap ko. NAPAKA WALA NYA'NG PUSO!
"Iuwi nyo na sya" Utos ni Khalid doon sa dalawa. Agad ko'ng nilingon ang dalawa at tumango naman sila sa sinabi ni Khalid. Agad ako'ng umiling.
"NO! Dito lang ako!" Sigaw ko ng magsimula na sila'ng lumapit saken. "Hindi ko iiwan dito si Ace--Ano ba! Bitawan nyo ko!!" Pagpupumiglas ko ng hawakan nila ako sa magkabilang braso at itinayo.
"Ma'am Kreisha, iuuwi na namin kayo" Ani Solomon.
(O__O)
"Hindi. H-Hindi pwede.." Iling ko. "Pano si Ace? H-Hindi natin sya pwede'ng iwan dito.." Sabi ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin bagkus ay hinila na palapit sa sasakyan.
"Si Sir Khalid na po ang bahala sa kaibigan nyo"
(O_____O)
Nanlaki ang mata ko sa sunod nya'ng sinabi. Agad ako'ng nagpabigat para mahirapan sila sa paghila.
Hirap na hirap ko'ng nilingon si Khalid sa likod at naabutan ko sya'ng mag-isa'ng itinatayo si Ace."Khalid! Ano'ng gagawin mo kay Ace!?" Sigaw ko pero tinignan nya lang ako at itinuloy muli ang ginagawa.
Pagkapasok saken nina Solomon at De Guzman sa kotse ay halos isubsob ko na ang mukha ko sa bintana makita lang kung ano'ng ginagawa ni Khalid. Ipinasok nya si Ace sa loob ng kotse nya pagkatapos ay umikot sya papunta'ng driverseat saka mabilis na pinaandar ang sasakyan.
(O____O)
"H-Hoy! Saan mo dadalhin si Ace!? HOY!" Pinaghahampas ko ang bintana at sinubuka'ng buksan ang pinto ng sasakyan pero wala ako'ng nagawa ng tuluyan ng umandar ang kotse'ng sinasakyan ko. Tumungo kami salungat sa direksyo'ng tinungo ni Khalid.
Nang makalabas kami ng parking lot ay nanlilisik ko'ng tinapunan ng tingin ang dalawa sa unahan ko. Napapalunok naman ako'ng tinignan ni Solomon sa rearmirror habang nagda-drive. Sumingit ako sa gitna nila at salitan sila'ng tinignan.
"Saan dadalhin ng amo mo ang kaibigan ko ha!?" Baling ko kay De Guzman na nasa kanan ko.
"W-Wag po kayo'ng mag-alaala... Wala naman po'ng gagawi'ng masama si Sir Khalid sa kaibigan nyo--" Agad ko sya'ng kinuwelyuhan at nanlaki naman ang mata nya.
"Ano'ng sabi mo?" Mariin na tanong ko. "Wala'ng gagawi'ng masama ba kamo?" Nangigigil na dagdag ko. "EH HALOS PATAYIN NA NYA ANG KAIBIGAN KO!" Sigaw ko sa mukha nya.
"M-Ma'am Kreisha, kumalma po kayo" Kay Solomon naman ako bumaling ng magsalita ito. Bahagya pa sya'ng nagulat ng lingunin ko.
"Kumalma?" Natatawa'ng tanong ko sa kanya. "Matapos nung nangyare pakakalmahin mo ko!? Sabihin mo nga... Pagkatapos nya'ng barilin ang kaibigan ko--Ano'ng sunod nya'ng gagawin ha? Ililibing na ba nya!? Ano? Sumagot ka!" Malakas na sigaw ko dahilan para mapangiwi sya.
YOU ARE READING
My Heartless Husband (On Going)
RomansaI want to feel wanted sometimes... But my husband is a heartless bastard.