Kabanata 7

3.2K 86 0
                                    


Maaga akong nagising kinabukasan... Hindi dahil maaga akong natulog. Dahil ang totoo hindi naman ako nakatulog!



'Bwisit! Ano ba tong pinasok ko!?'



*TOK! TOK! TOK!*



Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga at tumungo papunta sa pinto ng kwartong to.


Binuksan ko yun at bumungad saken ang isa sa mga maid.


"H-Hello.." Inaantok na bati ko.


"Handa na po ang almusal Ma'am... Bumaba na po kayo para kumain." Magalang na sabi nito habang nakatungo.



Napangiwi ako ng tawagin nya akong 'Ma'am'.


"Kreisha na lang.. Masyado'ng nakakatanda ang Ma'am." Ngiti ko. Tumango naman ito at sinamahan akong tumungo papuntang kusina.



Agad akong namangha sa dami ng pagkaing nakahain sa lamesa!


'Grabe! Parang may fiesta!'



Inalalayan naman ako ng mga maid na makaupo at inasikaso.

'Nakakahiya! Para akong bata kung pagsilbihan nila'


"Kumain na po kayo habang mainit pa ang mga pagkain." Sabi ng sa tingin ko ay pinakabata'ng maid dito. Sa tantya ko ay kasi'ng edad ko lang sya. Sya din yung kumatok sa pinto sa kwarto kanina.


"Wag ka'ng mahihiya... Para sa iyo lahat ng yan." Tumingin ako sa gilid at nakita ko ang isa'ng matanda'ng maid na kalalabas lang ng kitchen. Halos mga bata pa ang mga maid dito at sya pa lang ang nakikita ko'ng may edad na. Sya na yata ang pinaka-matanda'ng maid dito.


Gulat naman akong tumingin sa mga pagkain. Lahat!? Ganon ba ko katakaw? Oo malakas akong kumain pero...


'Di naman na kain ng tao to!'


*LUNOK!*



"Hehe.. Hindi ko naman ho kayang ubusin lahat to.." nahihiyang sabi ko habang nakatingin sa mga pagkain. "Bakit ho ba andaming pagkain?".




"Pinahanda ni Chairman yan para sa iyo." Nakangiting sagot nito.




"Ahhh.." tango ko. "Asan na ho si Chairman? Saka si Khalid? Hindi pa ba sila kakain?"



"Madalang po sila kumain dito... Si Chairman dinadalhan po namin sa opisina nya, si Sir Khalid naman po ay madalas sa labas kumain." Paliwanag naman ng isa pa'ng maid.

Ang lungkot naman..



"Kung ganon, ibig sabihin magisa lang akong kakain ng lahat ng ito?" Nakangusong sabi ko sabay tingin sa mga pagkain. "Bakit hindi nyo ko sabayan?" Nakangiting baling ko sa kanila. "Masaya yun! Sa bahay kase lagi kaming sabay sabay kumain nina Papa at ng mga kapatid ko".



Bigla naman silang nagkatinginan lahat. Para silang naguusap gamit ang mga mata.


"May problema ba?" Nakakunot ang noo'ng tanong ko. Sa halip na sagutin nila ako ay isa-isa na silang nagalisan.



'Ano'ng meron?'






Nagtataka ako'ng tumingin sa likod at doon naabutan ko si Khalid na nakatayo at nakapamulsang nakatingin sa mga katulong na ngayon ay mga naglaho na.




"Bakit sila umalis?" Inosenteng tanong ko.




"Alam mo bang mga katulong sila?" Tanong nya sabay upo sa tabi ko.








My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now