Kabanata 14

3.1K 84 1
                                    

Ila'ng araw na ang lumipas at nanatili'ng cold saken si Khalid. Ni hindi ko maramdaman ang presensya nya. Nasa iisa'ng bahay kami pero hindi nya ako pinapansin, kinakusap o kahit tapunan ako ng tingin hindi nya magawa.

Hindi na rin nya ko tinatabihan sa pagtulog tapos sa isa'ng araw, isa'ng beses ko lang sya makita. Sa umaga kase ay maaga sya'ng umaalis at sa gabi naman ay late na kung umuwi. Pag-nandito naman sya sa bahay ay nakababad lang sya sa harap ng laptop nya.

Hindi naman sa namimiss ko sya pero parang ganon na nga.

Ngayon ko lang naramdaman kung ano ba ang pakiramdam ng nag-iisa. Si Manang lang ang nakaka-usap ko tapos minsan lang kase busy sya sa mga gawai'ng bahay. Si Solomon at De Guzman naman ay tahimik na tao kaya naman nakakahiya'ng daldalin sila.

Lalo ko lang tuloy namimiss ang pamilya ko.

(T__T)

Tinupad ko naman ang pangako ko kay Khalid. Pagkatapos ng klase ay sa bahay agad ang diretso ko. Hinahayaan ko na rin ang pagbuntot-buntot saken ng mga bantay ko kahit na pinagtitinginan na ako ng mga ka-schoolmates ko. Ginagawa ko ang lahat ng yun para lang matanggal ang pader na nakaharang sami'ng dalawa at tuluyan ng humupa ang galit nya.

Kakalabas ko lang galing school at ngayon ay nasa tapat na ko ng bahay namin. Pagka-park ni Solomon ng sasakyan ay agad bumaba si De Guzman para pagbuksan ako ng pinto.

"Salamat" Sabi ko pagkababa.

Tumingin ako sa paligid at nangunot ang noo ng matanawan sa di kalayuan ang mga hindi pamilyar na sasakyan.

"Ahm.. De Guzman? May bisita ba tayo?" Tanong ko.

"Kay Chairman po ang mga sasakyan na yan" Sagot nya habang nakatingin din doon sa mga sasakyan.

Agad lumiwanag ang mukha ko sa narinig. Mabilis ako'ng tumungo papasok ng bahay at hinanap ang kinaroroonan ni Chairman.

"Chairman!" Bati ko ng maabutan sya'ng nakapandekwatro'ng upo na pang-babae sa may sala. May hawak sya'ng dyaryo at nagbabasa pero nung marinig nya ako ay agad ko'ng nakuha ang atensyon nya.

Ngumiti sya pagkakita saken saka tumawa. "Hahahaha! Kanina pa kita'ng iniintay" Aniya.

Lumapit ako sa kanya at tumango bilang paggalang. "Pasensya na Chairman... Medyo traffic ho eh" Sabi ko at umupo sa kaharap nya'ng upuan. "Ano po'ng meron at napadalaw kayo?"

"Wala naman.. Mangangamusta lang" Sagot nya. "Kamusta ito'ng bahay na ibinigay ko? Nagustuhan mo ba?" Agad naman ako'ng tumango. "Mabuti naman kung ganon... Nadalaw mo na ba ang pamilya mo?"

"Nadalaw ko na po sila at gaya ko ay nagustuhan din nila ang bahay na ibinigay nyo... Lubos pa rin ang pasasalamat nila sa inyo at kay Khalid" Nakangiti'ng sabi ko.

Tumango naman sya sa sinabi ko. "Maliit na bagay... Pamilya tayo kaya natural lang ang tulong na ibinigay ko" Sambit nya at tinitigan ako. "Kayo ni Khalid kamusta?"

Agad ako'ng nag-iwas ng tingin. Dumating naman si Manang na may dalang maiinom at meryenda para sami'ng dalawa. Pagkatapos non ay umalis ulit sya at naiwan na naman kami dito ni Chairman.

"Kami ho ni Khalid.. Hmm" Tumigil ako saglit bago nagsalita. "Maayos naman po kami" Pagsisinungaling ko.

Tinaasan naman nya ako ng kilay.

(>_<)

"You paused. It means you lied" Ngisi ni Chairman. "Tell me.. What's going on with two of you?" Usisa nya.

*LUNOK!*

Agad ako'ng umiling. "We're okay Chairman! No need to worry about us.." Paninindigan ko sa sinabi.

My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now