"U-Uy, gising ka na" sabi ko habang sinusubukang umalis mula sa pagkakapatong sa kanya.
Paano ba naman kasi! Pagtayo ko bigla naman nya akong hinigit sa kamay pabalik dahilan para mawalan ako ng balance at mapahiga sa ibabaw nya!
Napalunok ako lalo na ng halos magtama na ang ilong namin sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa!
(>>_<<)
"Ang ingay mo, magigising talaga ako" supladong sabi nito at tinabig ako!
"ARAY!" inda ko ng mahulog ako sa kama! Bastos to! Agad akong tumayo at pinamaywangan sya! "Hoy ang kapal naman ng mukha mong tabigin ako--WOW! HIYANG HIYA NAMAN AKO SAYO!" sigaw ko.
Tinaasan ko sya ng kilay.
Seriously!?
Halos magwala na ako't lahat--sya deadma lang!
Nanatili syang nakahiga at nakapikit na nagpakulo ng dugo ko!
Don't tell me balak nyang matulog ulit?
Inis kong kinuha ang basong may tubig sa may side table ng kama ko at astang ibubuhos yun sa kanya ng bigla syang magmulat ng mata!
(O_O)
Agad kong ininom yung tubig na dapat ay ibubuhos ko sa kanya.
"What are you doing?" seryoso nyang tanong.
Nilingon ko sya. Sa baso sya nakatingin tapos saken. "Uminom. Nauhaw ako eh" painosenteng sabi ko. "Ikaw baka gusto mo ding uminom" alok ko pa sa kanya.
Kumunot ang noo nya. Halatang di sya kumbinsido sa sinabi ko.
Dahan dahan syang bumangon. "Kung labag sa loob mo ang mga ginawa mo, sa susunod wag mo ng gagawin. Hindi yung manunumbat ka pagkatapos" sabi nya at tumayo.
Napangiwi ako.
'Narinig nya lahat ng sinabi ko'
"Hindi naman sa nanunumbat ako" nahihiya kong sabi. "Sinasabi ko lang ang totoo" dugtong ko.
"Asan ako" tanong nya habang nakatanaw sa labas ng bintana.
'Nasa impyerno'
"Nasa bahay ko" sagot ko. "Hindi kita dinala sa Ospital kase doon tayo balak hanapin nung mga lalaki'ng bumugbog sayo kaya dito kita idiniretso" paliwanag ko. "May kailangan ka ba? Nagugutom? Tutulog na kasi ako, may pasok pa ko"
Salubong ang kilay nya'ng nilingon ako.
Pinagkunutan ko naman sya ng noo.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi ka ba natatakot? Matapos nung nangyare nagagawa mo pa ring pumasok?" tanong nya. "Sa mga oras na to abala sila sa paghahanap sayo... Kaya imbes na pumasok dapat nagtatago ka na" seryosong sabi nya.
Bigla na naman akong nakaramdam ng takot. Oo pumapasok ako at nagtatrabaho pero sa bawat araw na dumadaan di ko maiwasang hindi kabahan lalo na't alam kong kahit ilang araw na ang lumipas paniguradong hinahanap pa rin nila ako.
Nitong mga nakaraang araw napansin kong lagi akong balisa at di mapakali. Siguro dahil alam kong kahit anong oras pwede akong mamatay.
"Alam ko pero kailangan kong pumasok, kailangan kong magtrabaho at magpatuloy. " Katwiran ko. "Isa pa ilang araw na naman ang lumipas mula nung araw na yun pero still okay lang naman ako... Wala naman siguro akong dapat i-ipagalala." Pagpapanatag ko pa sa sarili ko.
"Stupid" Rinig kong bulong nya at lumapit saken. "Nahihibang ka na ba? Naririnig mo ba ya'ng mga sinasabi mo?" Inis na tanong nya. "Di mo sila kilala.. Di mo alam ang kaya nilang gawin at gagawin nila ang lahat para mahanap ka at pagnakita ka nila.." Inilapit nya ang labi nya sa tenga ko. "Papatayin ka nila" Bulong nya.
Tumindig ang mga balahibo ko!
Hindi dahil sa bulong nya kundi dahil ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga nya sa may bandang leeg ko!
d>>__<<b
"A-Ano ba!? Wag mo nga kong tinatakot!" sigaw ko at malakas syang tinulak pero napaatras lang sya sa ginawa ko.
"Hindi kita tinatakot. Sinasabi ko lang din ang totoo--"
"Pwes! Magsusumbong ako sa mga pulis--"
"Don't! Hindi sila natatakot sa mga pulis.. Lalo mo lang silang gagalitin" sabi nya na diretso ang titig sakin. "Ayaw nila ng may nakakakilala at nakakaalam ng tungkol sa kanila kaya manahimik ka kung ayaw mong mamatay ng maaga"
"Kahit naman manahimik ako papatayin pa rin nila ako" Angal ko. "Di ko sila kilala at lalo'ng wala akong alam tungkol sa kanila, napadaan lang talaga ako nung araw na yun" sabi ko pa.
"Pero still may 'nakita ka'. Alam mo kasalanan mo rin eh... Kung bakit ba naman kase nandoon ka?"
Tinignan ko sya ng masama. Kung ganon kasalanan ko pa pala!
"Alam mo ba'ng kung wala ako doon, wala ka din dito ngayon? Kung wala ako doon, saan ka pupulutin ngayon? At kung wala ako doon, malamang sa malamang patay ka na ngayon!" Pagmamayabang ko.
Tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Sinabi ko bang tulungan mo ko?" Aniya sabay talikod!
O__O
What the hell! I can't believe tinulungan ko ang gantong klase ng tao!
Matapos nung ginawa kong pagtulong sa kanya--yun lang ang sasabihin nya?
Agad ko syang hinabol at humarang sa dadaanan nya. Galit ko syang tinitigan at dinuro sa mukha!
"HOY IKAW NA MAKAPAL ANG MUKHA--WALA KANG UTANG NA LOOB! FOR YOUR INFORMATION TINULUNGAN KITA KASE HINDI NAMAN AKO TULAD MONG WALANG PUSO! BAKIT BA SA HALIP NA MAGPASALAMAT KA ANDAMI DAMI MO PANG SINASABI!" Sigaw ko sa mukha nya.
Pagod nya lang akong tinapunan ng tingin.
"Bwisit ka--"
"Ano ba!?" Angil nya ng hampasin ko sya sa dibdib . "Hindi ako marunong magpasalamat okay?" simpleng sabi nya at nilagpasan ako.
O____O
Nalaglag naman ang panga ko at hindi makapaniwala'ng tumingin sa likod nya.
What the fuck!?
Ganon ba kahirap para sa kanya ang magpasalamat!?
Napailing na lang ako.
'Sa susunod na mabugbog ka--hinding hindi na kita tutulungan!'
WHO YOU KA SAKEN! Tseh!
----
Vote and Comment
Thank You ❤

YOU ARE READING
My Heartless Husband (On Going)
RomanceI want to feel wanted sometimes... But my husband is a heartless bastard.