Kabanata 12

3.1K 82 3
                                    

"H-Hindi ako manhid Ace." Sabi ko pagkatapos nya ako'ng halkan sa noo. "Alam ko na n-nung una pa lang kaya lang... Ace I don't want to lose this friendship. I want you to be my bestfriend... FOREVER".

Napasinghap sya sa sinabi ko at pinunasan ang luha'ng umalpas sa mata ko.

Ngumiti sya. "G-Gusto ko'ng makilala kung sino ba ang masuwerte'ng lalaki'ng yun" sabi nya at pinisil ang kaliwa'ng pisngi ko. "Gwapo ba? Baka naman wala pa yun sa kalahati ng kagwapuhan ko--babatukan talaga kita" biro nya.

Ngumiti din ako. Ito ang Ace na kilala ko.

"Ano'ng akala mo saken walang taste?" Nakangisi namang sagot ko. Nang ilang sandali na ang lumipas at wala ng nagsalita sami'ng dalawa ay huminga ako ng malalim at kinuha ang kamay nya. "Ace.. S-Sorry kung nasaktan kita” seryoso'ng sambit ko at tinitigan sya sa mata.

Malungkot sya'ng ngumiti.

"Forget it" Sabi nya at ginulo ang buhok ko. "Basta pagsinaktan ka ng lalaki'ng yun.. Welcome na welcome ka sakin" ngiti nya sabay kindat saken. "Uso pa naman ang divorce ngayon".

O_O

"Ace!" Singhal ko sa kanya.

'Sira-ulo talaga to! Wala pa nga kami'ng isa'ng linggo'ng nagsasama ni Khalid--divorce agad!?'

"Biro lang" Sabi nya at inilahad sakin ang kamay nya. "Tara na?" Tano'ng nya.

Tumango naman ako at hinawakan ang kamay nya. Naglalakad na kami ng meron ako'ng naalala'ng itano'ng.

"Ace.. Pano mo nga pala nalaman yung about sa kasal ko" nagtataka'ng tanong ko.

"Nabanggit ng Papa mo.. Pinuntahan kase kita nung weekends sa inyo pero hindi na pala kayo--sila doon nakatira.. Buti na lang at naabutan ko doon ang Papa mo na may kinukuha'ng gamit... Alam mo ba'ng miss ka na nila?" tano'ng nya at nilingon ako.

"Gusto ko sila'ng puntahan" nakayuko'ng sabi ko.

"Then go.. Puntahan mo sila" Ani Ace.

"Ano kase.. Di ako pinayagan ni Khalid" Nakasimangot ko'ng sabi.

Balak ko talaga'ng bisitahin sina Papa pagkatapos ng klase ko ngayo'ng hapon pero nung tinext ko si Khalid kanina kung pwede ko ba'ng puntahan sila... Nireplyan nya ako ng 'NO'.

"Khalid?" Kunot-noo'ng tanong nya.

"Yung asawa--"

"Okay, I get it" putol nya saken saka ako hinarap at hinawakan sa magkabila'ng balikat. "Hindi mo naman kailangan ng approval ng asawa mo... Don't let him control your life Kreisha at isa pa pamilya mo naman ang pupuntahan mo, wala'ng masama doon" Seryoso'ng sabi nya.

'May point sya'

Gusto ko lang naman kamustahin ang pamilya ko kase matapos nung kasal hindi man lang kami nakapag-usap ni Papa at gusto ko'ng malaman kung okay lang ba sila sa bago nila'ng tirahan.

"Kaya lang may mga bantay ako, andyan sila sa labas ng gate at nag-iintay saken.. Hindi din nila ako hahayaa'ng puntahan ang Papa ko kase for sure sinabihan na sila ni Khalid" Nawawalan na ng pag-asa'ng sabi ko.

"Ganto na lang, doon ka dumaan sa back gate at antayan mo ako doon... Kukuhanin ko lang ang motor ko" Pagkasabi nya non ay umalis na sya at ako naman ay sinunod ang utos nya. Doon ako dumaan sa may back gate at maya-maya lang ay narinig ko na ang ugong ng motor nya.

Pumarada sya mismo sa harap ko.

"Let's go" sabi nya sabay abot sakin ng helmet.

"Ace wag mo'ng bibilisan ha--"

My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now