Alas 9:00 ng Sabado ng umaga habang natutulog pa si camila ng mahimbing ng mahimbing nang biglang may gumising sa kanya.
Shawn: "camila!! Gisinggggg!!" Sabi ni Shawn habang ginigising niya ang kanyang matalik na kaibigan.
Camila: "hmm!" Sabi nito habang nakapikit pa si camila na tila ayaw pa gumising sa kanyang mahimbing na tulog.
Camila: "Ano ba?!! Shawn bakit ang ang aga mo?" Tanong ni Camila sa kanyang kaibigan habang nakukulitan na ito sa kanyang kaibigan. Kung tutuusin kasi dapat tulog pa si Camila sa mga oras na ito dahil wala siyang pasok ngayon.
Shawn: "camila, alas 9am na! Kaya bumangon ka na please! Dahil may pupuntahan tayo!" Dahilan ni Shawn kay Camila para gumising na nga ito ng tuluyan.
Camila: "saan?" Tanong ni camila na tila tulog pa sa mga sandaling yon.
Shawn: "Diba kailangan mo ng trabaho para sa Saturday at Sunday night? Ipapasok kita sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. So wake up kasi 10am may interview ka." Magandang balita ni Shawn sa kanyang kaibigan. Matagal na kasing naghahanap ng part time job si Camila tuwing Saturday at Sunday. Dahil sa nalaman ito ni Shawn na naghahanap siya ng trabaho ay agad niya ito renikumenda sa restaurant na kanyang pinagtatrabahuan.
Camila: ( Dahil narinig niya ang daladalang magandang balita ng kanyang kaibigan ay agad itong nagising)
Camila: "talaga!? So pasok na ako sa restaurant niyo?" Tanong nito kay Shawn habang excited ito na sobrang saya.
Shawn: "yes!! Pero kailangan mo magpa interview muna! Kaya bumangon kana dahil baka malate kapa sa interview mo!" Remind niya sa kanyang kaibigan dahil isang oras nalang bago ang kanyang interview sa restaurant.
Camila: (Dahil sa sobrang excited ito sa kanyang interview ay agad itong bumangon sa kama habang si shawn naman ay naiwan na nakahiga sa kama ni Camila!)
Shawn: "saan ka pupunta?"Pabirong tanong ni Shawn sa kanyang kaibigan kahit alam naman niya kung saan ito pupunta.
Camila: "Maliligo ako!" Mabilisang sagot nito sa kanyang kaibigan habang kumukuha ng kanyang towalya.
Shawn: "pwede kaya sumama?!" Biro ni shawn habang natatawa ito.
Camila: "subukan mo! Di na kita papasukin sa bahay, labas pasok ka na nga dito sa kwarto ko, may mga joke joke ka pang ganyan" Biro din ni Camila sa kanyang kaibigan.
Shawn: "hmm camila! Dapat lang naman dahil kaibigan mo ako. Wala kang choice!" Biro pa nito ulit habang natatawang nakahiga pa rin sa may kama.
Camila: "ewan ko sayo!! Diyan ka na nga!" Pagtatapos ni Camila sa kanilang biruan ni Shawn sa mga sandaling yon. Sa sobrang matalik na nila kasing magkaibigan ay tila komportable sila mag biro ng kung anu-ano sa isat-isa.Alas 12:00 na tanghali sa isang fast food area matapos ang interview ni Camila sa isang restaurant. Dahil sa natanggap agad agad si Camila sa kanyang inapplyan na trabaho bilang isang waitress sa restaurant ay dumeretso muna ang magkaibigan sa isang fast food restaurant para mananghalian.
Camila: "Dahil may trabaho na ako! At magsisimula na ako bukas. Ilelibre kita ngayon" sabi ni Camila sa kanyang kaibigan habang masaya ito sa kanyang bagong trabaho.
Shawn: "Naks naman! Sige hindi ako tatanggi my love!" Biro ni shawn sa kanyang kaibigan habang nakangiti ito sa kanya.
Camila: "wag mo nga akong tawaging my love! Ang pangit eh! Hahaa" Biro ni Camila sa kanyang matalik na kaibigan pero deep inside ay seryoso ito sa kanyang sinabi. Ayaw lang talaga niya sa tuwing tinatawag siyang my love ni shawn. Hindi niya maipaliwanag pero parang hindi siya komportable. Pero dahil kaibigan niyang matalik si shawn ay hinahayaan niya nalang ito.
Shawn: "Kasi naman! Kung sinagot mo na ako, edi legal na my love na nga ang tawag ko sayo!" Biro ni Shawn kay Camila pero ang totoo ay seryoso ito kahit dinadaan niya nalang ito lagi sa isang biro. Matagal na siyang nangliligaw kasi kay Camila pero dahil kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ni Camila?Tila hanggang biruan lang sila.
Camila: "Ewan ko sayo shawn! Kumain ka na nga!". Sabi ni Camila sa kanyang kaibigan. Alam niya kasi na baka kung saan pa mapunta ang kanyang biro kaya ngayon palang iniwas na niya ito.Alas 7:30 na ng gabe habang naghihintay si lauren sa isang romantiko,tahimik at mamahaling restaurant na may hawak hawak na isang mamahaling set ng rosas. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin sa wakas ang kanyang hinihintay na date sa gabeng yon.