LOST LOVE 32

47 3 0
                                    

Camren Love Story
LOST LOVE pt.32

Sa wakas! Makalipas ang mahigit na apat na taong magkarelsayon sina Lauren at Jade?Makalipas ang 4 na buwan na paghahanda ng kanilang kasal ay heto na! Ito na ang matagal na araw nilang hinihintay sa kanilang buhay.
Ang araw ng kanilang pag iisang dibdib o ang kanilang kasalan.
Napili nina Jade at Lauren na ikasal sa isang simpleng beach resort at ang set up ng kanilang kasal ay sa may tabing dagat kung saan ang paligid ay napakaromantiko dahil sa punong-puno ito ng mga mapuputing Rosas o bulaklak.
Sa araw na ito ay imbetado ang lahat ng kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Habang ang lahat ay kumpleto na  at nasa kani-kanilang upuan ang mga ito at naghihintay simulan ang mismong seremonya ay nagkukuwentuhan muna ang iba.

Perrie: "hon? You look so beautiful!" Compliment ni Perrie sa kasintahan niyang si Camila.
Camila: "ikaw rin hon! Napakaganda mo!" Nakangiting compliment ni Camila kay Perrie.
Ally: "so paano ako? Diba ang ganda ko rin?" Biro ni Ally sa kanyang mga kaibigan.
Camila: ( napatawa nalang siya sa biro ng kanyang kaibigan ganun din si Perrie)
Perrie: "at ofcourse! Ikaw na rin Ally!" Nakangiting compliment ni Perrie sa kanyang napapabuntong si Ally.
Ally: "alam ko hahaha salamat!" Sagot nito habang natatawa.

Makalipas ang 30 minuto ng paghihintay ng lahat ay nagsimula na sa wakas ang kasal nina Jade at Lauren. Habang nag aabang ang lahat  sa paglabas ni Jade galing sa isang building ng resort na yon na hindi kalayuan sa may venue ng kasal nila ay naghihintay sa may dulo ng isle sina Lauren at ang kanyang ama.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang biglang lumabas na nga sa wakas si Jade, suot-suot ang maputi at mala diwatang wedding gown niya. Si Jade na napakaganda sa mga oras na yon.
Kasabay ng napakahangin sa paligid?Habang ang paligid ay puno ng magagandang bulaklak, habang may mga strumental music at tumutugtog sa buong kapaligiran ay naglakad na nga sa pulang carpet si Jade papunta sa dulo kung saan naghihintay si Lauren.
Habang naglalakad siya sa mga sandaling yon ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman?Tanging alam niya lang ay sobrang saya niya na sa wakas ay makakasal  na siya sa kanyang matagal nang kasintahan at sa taong matagal na niyang minamahal.

Samantala habang naghihintay si Lauren sa kanyang bride na naglalakad sa isle ay manghang-mangha siya sa kanyang bride na napakaganda. Habang tinititigan niya si Jade na humahakbang papalapit sa kanya ay tila hindi niya maiwasan maluha sa saya. Kasayahan na hindi mapapantayan ng kahit anuman na bagay sa buong sanlibutan . Alam  kasi ni Lauren sa kanyang sarili na kahit may parti pa sa kanyang puso na mahal pa niya si Camila ay siguro naman siya  na si Jade lang ang ikalawa at huli niyang taong mamahalin maliban kay Camila.

Perrie: (  magkatabi sila ni Camila sa mga sandaling yon habang magkaholding hands na nanunuod kay Jade na naglalakad sa isle. Habang naglalakad si Jade sa isle papunta kay Perrie ay hindi niya maiwasan isipin na sana balang araw ay ikasal din siya sa taong mahal niya. Sana si Camila na nga yon at wala ng iba. Habang naglalakad nga si Jade ay dumaan  siya sa mismong kinatatayuan nina Perrie. Nang makita niyang ang bride ay biglang sumagi sa isipan ni Perrie ang unang araw na nagkakilala sila  ni Jade at ang mga araw na muntikan na silang magkahalikan. Hindi niya alam kung bakit? Pero may sa puso niya na nagsasabi na gusto niya si Jade.

Camila: ( Habang tinitignan niya si Jade na naglalakad ay hindi niya maiwasan isipin na sana siya na lang? Sana siya nalang ang naglalakad sa isle habang ang mahal niyang si Lauren ay naghihintay sa kanya. Kaya sa mga sandaling yon? kahit nakaholding hands pa kanya si Perrie ay muling nagbalik sa isipan niya ang mga nakaraan nila ni Lauren. Kaya muling pumatak na naman ang mga luha nito nang di niya namamalayan sa mga sandaling yon dahil kay Lauren. Dahil ikakasal na siya sa kanyang ex at mahal na si Lauren)

Ally: "Camila? Umiiyak ka?" Bulong ni Ally ng makita niyang umiiyak si Camila.
Camila: ( tila hindi niya naririnig si Ally sa mga sandaling yon dahil ang tanging naiisip niya ay si Lauren at ang nakaraan nila)
Perrie: "hon are you ok?" Tanong ni Perrie ng makita niyang umiiyak si Camila.
Camila: "ha? Oo ok lang ako hon!" Depensa ni Camila kay Perrie sabay pahid ng kanyang mga luha.
Perrie: "aw hon!! Don't cry? One day maglalakad ka din dyan!" Sabi ni Perrie sa kanyang kasintahan sa pag aakala na umiiyak si camila dahil sa kasalang yon. Ika nga dahil na ta-touch siya sa event o kasal nina Lauren and Jade.
Camila: "yeah hon!" Pagtatapos ni Camila habang nakangiti ito sa kanyang kasintahan.

Samantala, nakarating na nga si Jade kay Lauren na umiiyak. Nagkayakapan muna ang Ama ni Jade kay Lauren bago ito humakbang palapit ng tuloyan kay Jade na naluluha na.
Makalipas ang 15minuto na pagdarasal at speech ng magkakasal sa kanilang dalawa ay sinimulan na nga nila ang kanilang vow para sa pang habang buhay nilang pagmamahalan.

Jade: "Babe? Noong una palang kitang makita. Sinabi ko na sa sarili ko na ikaw lang ang kauna-unahang taong mamahalin ko ng wagas at totoo. Sa apat na taon natin na pagsasama? Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko kundi ikaw lang. Pinapangako ko sayo na hindi ko hahayaan na may sumira sa di perpektong relasyon natin.Pinapangako ko na magiging mabuti akong kabiyak ng iyong puso sa hirap at ginhawa. Habang buhay .Mahal na mahal kita Lauren. Ikaw lang at wala nang iba." Pagtatapos ni Jade na umiiyak at sabay suot ng singsing kay Lauren na nakangiti pero umiiyak sa saya.

Lauren: "babe!? Woow hindi ko alam kung saan ako magsisimula kasi hindi naman ako magaling mangako pero gusto ko lang malaman mo Jade na nang dahil sayo bakit naranasan kong magmahal at naging masaya ulit. Binuo mo ang mundo kong minsan nang nawasak. Pinapangako ko sayo na aalagaan kita sa hirap at ginhawa at hanggang sa kamatayan. Mahal na mahal kita Jade" pangako ni Lauren kay Jade habang umiiyak ito, sabay suot ng din kay Jade ang isang singsing. Matapos ang vow ng dalawa ay muling nagsalita ang nagkasal sa kanila.

Mayor: "now? I pronounce you wife and wife. So congratulation to both of you ladies and now you can kiss your bride!" Sabi ng nagkasal sa kanila habang nakangiti ito.

Makalipas ang ilang segundo ay hinawakan ni Lauren si Jade sa mukha  ng dalawang kamay at hinalikan niya  ito sa may labi.
Matapos nila maghalikan ay humarap na sila sa kanilang mga bisita at kumaway sila dito habang nakangiti. Agad naman nagpalakpakan ang lahat ng bisitang dumalo sa bagong kasal na sina Lauren at Jade maliban sa...

Perrie: ( alam ko masaya ako kay Camila pero bakit parang may panghihinayang akong nararamdaman ngayon na ikinasal na si Jade? Bakit? Tanong ni Perrie sa kanyang sarili)

Camila: ( Ito na! Ito na ang araw na dapat kong kalimutan si Lauren kasi wala na siya! Ikinasal na siya! Alam kong mahal niya na si Jade  at yung sa amin ay isang nakaraan na lamang na kailangan ng limutin. Masakit at mahirap man gawin pero kailangan kong subukan dahil wala nang pag asa pa para magkabalikan pa kaming muli. Paalam Lauren.
Sabi ni Camila sa kanyang sarili habang lumuluha ito pero hindi niya ito mailabas dahil nasa tabi lang niya ang kanyang kasintahan si Perrie. Makalipas pa ang ilang segundo ay nakaramdam na siya ng paninikip ng
kanyang dibdib dahil sa kanyang karamdaman)

LOST LOVE (Camren ft. Jerrie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon