Sa isang clinic sa university kung saan pumunta sina Ally,Camila at Perrie matapos maganap ang tensyon nila sa grupo nina Lauren.
Camila: "outch!! Dahan dahan naman ally!" Sabi nito kay Ally habang linalagyan niya ng gamot ang sugat ni Camila sa may siko.
Ally: "ito naman parang ganun lang? Sorry!" Sabi nito sa kanyang kaibigan habang natatawa ito sa naging reaksyon ng kanyang kaibigan.
Perrie: (nakaupo lang sa isang bangko habang nakangiti na pinagmamasdan sina Camila hanggang sa nagpasya na ito na lumapit na rin siya sa magkaibigan)
Perrie: "Ako na ally?" Offer nito kay Ally nang makalapit na siya sa dalawa. Gusto niya kasi nasiya nalang ang gumamot sa sugat ni Camila sa ganun makausap niya rin ito ng masinsinan.
Ally: "ikaw gagamot!?" Curious na tanong nito nang mag offer si Perrie na siya nalang ang gagamot sa kanyang kaibigan.
Camila: "no! Ok lang nakakahiya naman sayo! Kaya na ni Ally ito!"Sabi ni Camila habang nakangiti ito sa kabaitan ni Perrie sa kanya. Hindi niya maiwasan na mamangha sa pinapakitang kabaitan nito sa kanila. Ang buong pag aakala nila ay lahat ng mga taong nag aaral sa university nila ay puro mga mata pubring Tao pero mali pala siya dahil may mahahanap kang isa na mabait at yon ay si Perrie.
Perrie: "ok lang! Ako na!" Paulit na offer nito sa magkaibigan habang nakangiti.
Ally: ( nakatingin lang siya kay Perrie na tila nakatulala sa mga sandaling yon. Tulad ni Camila ay hindi niya ini-expect na may mabait pala na student na nag aaral sa J-university)
Perrie: (Kinuha ni Perrie ang cotton na nasa mesa, nilagyan niya ito ng gamot at hinay hinay niyang ginamot ang sugat ni camila)
Perrie: "im really sorry sa ginawa ng kapatid ko at mga kaibigan nila" Sabi ni Perrie kay Camila habang malungkot itong ginagamot ang sugat ni Camila. Tila kahit siya ay ayaw niya sa mga ginagawa ng kanyang kapatid sa ibang students sa buong university. Pero wala na siyang magawa dito dahil magkaiba sila ng mundo ng kapatid niya. Sa madaling salita ay hindi sila close na dalawa.
Camila: "Ano ka ba! Wala yon, di mo kasalanan ito kaya ok lang! Sanay naman kami haha" pabiro ni Camila kay Perrie ng makita niyang nalungkot ito dahil sa ginawa ng kanyang kapatid.
Ally: "kasalanan ito ng kapatid mo!" Sabi ni Ally ng hindi na niya mapigilan ang kanyang saloobin kay Lauren. Sobrang naiinis na kasi siya sa mga pinanggagawa ng kapatid nito sa kanila ng kanyang kaibigan.
Camila: "psssst!! Tumahimik ka nga ally!" Pagpipigil ni Camila sa kanyang kaibigan. Alam niya kasi na baka saan pa mapunta ang sasabihin nito kay Lauren. Nakakahiya nga naman na pag usapan nila si Lauren sa harapan ng kanyang kapatid.
Ally: "eh totoo naman ah! Nakakatakot ang kapatid mo, bakit ganun? Magkaibang magkaiba kayo? Ikaw napakabait samantala siya napakademon...." Sasabihin sana ni Ally pero pinutol ito ni Camila sa pagsasalita nito.
Camila: "shhhhhhhh sabi ko tahimik!" Pagpipigil nito ulit sa kanyang madaldal na kaibigan.
Perrie: "Ok lang yan! Totoo naman pero mabait yon. Alam ko mabait din yon. Ayaw lang niya ipakita sa tao." Pagtatanggol ni Perrie sa kanyang kapatid.
Ally: "talaga!? Mabait!? Saan banda?" Sabi ni ally sabay tawang tawa sa sinabi ni Perrie sa kanila na mabait ang kanyang kapatid.
Camila: "pasensya ka na sa kaibigan ko ha? ganyan talaga yan! Sana masanay kana!" Sabi ni Camila kay Perrie habang nakangiti ito. Alam niya kasing madaldal lang ang kanyang kaibigan pero mabait din yon.
Perrie: "ok lang! Nakakatuwa nga siya" sabi ni Perrie habang nakatingin siya kay Ally na nakangiti. Dahil totoo nga naman na nakakatuwa si Ally kapag nakilala mo.Alas 5:30 na nang hapon habang papauwi na sina Ally at Camila ng biglang may magandang sasakyan na tumigil sa kanilang tabi.
Perrie: "guys?! Sabay na kayo!" Sabi nito habang nakasakay siya sa kanyang napakagara niyang sports car.
Camila: "oh hi perrie, ok lang nakakahiya!" Greet nito kay Perrie kahit gusto naman talaga niya sumakay pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil nakakahiya nga naman.
Ally: (bumulong siya kay camila)Ally: "camz naman! Ayaw mo pa!? Libre din yan!bawal tumanggi sa grasya!" Bulong ni Ally sa kanyang kaibigan na tila nakapagpasya na siyang wag sumakay sa sasakyan ni Perrie.
Camila: "tumahimik ka nga!" Sabi niya sa makulit at nagpupumilit niyang kaibigan.
Ally: "ohh hi perrie!! Sige sasabay na kami sayo" Sabi ni ally sabay bukas sa pintuan ng sasakyan ni Perrie para pumasok dito. Sa ilang segundo pa ay nakasakay na nga si Ally sa loob at wala na ngang nagawa si Camila kundi sumunod nalang ito sa kanyang kaibigan.