LOST LOVE 2

232 7 0
                                    

Alas 8:00 ng umaga habang naglalakad ng masaya sa isang kalye sa loob ng university sina camila at ally ng biglang may dumaang napakabilis na sasakyan sa kanilang tabi. Dahil nga sa bilis nito ay muntikan na masagasaan sina Ally at Camila ng sasakyan na yon. Dahil sa sobrang gulat nila sa pagdaan ng sasakyan ay tila lahat ng hawak nilang mga gamit ay tumilapon ito sa may semento.

Camila: "aba! Loko ito ah!!! Hoyy mag ingat naman kayo! Di porke mayayaman kayo! sasagasaan niyo na ang mga naglalakad dito!? Sigaw ni Camila sa magarang sasakyan na muntikan ng sumagasa sa kanila ni Ally.

Ally: " ok ka lang ba?" Tanong ni Ally habang pinupulot nila ang mga gamit nila sa may semento.
Camila: "kainis!! Kainis talaga ng paaralang ito, kundi lang sa scholarship ko dito? Hindi ako magtitiis dito!" Sabi ni Camila sa kanyang kaibigan. Totoo nga naman na ayaw niya mag Aral sa university na ito dahil lahat ng nag aaral dito ay mga anak mayaman at mga mata pubri pa.
Ally: "alam mo! Masanay ka na! Mga mata pubri mga tao dito sa mga katulad natin na mga scholar ng bayan. Pero hindi eh nanggigil talaga ako sa mga DLN na yan(Dinah,Lauren,Nor­mani)." Sabi nito sa kanyang sarili. Tila hindi niya sinasadyang madulas ito na sabihin ang tungkol sa DNL. Nahalata tuloy siya ni Camila na baka nagka enkwentro na naman sina Ally at ang DNL na hindi niya sinasabi dito.
Camila: "sandali!? Diba sabi ko sayo wag muna silang pansinin. Umiwas nalang tayo. Nangako ka ally. Anong ginawa mo?" Tanong ni Camila sa kanyang kaibigan. Alam niya kasing baka nagkasagupaan na naman ang kanyang kaibigan at ang grupo nina Lauren.
Ally: "ok! Walang nangyari Ok! Pangako?" Pagsisinungaling nito sa kanyang kaibigan. Ayaw man niyang mangako kay Camila pero ginagawa nalang niya  ito para mapanatag ang kalooban ng kanyang kaibigan.

Sa umaga din yon sa may comfort Room ng building nina Camila. Bago sila pumasok sa may silid aralan nila ay dumaan muna sila sa CR para mag ayos ng kanilang mga sarili dahil sa nangyari sa kanila sa may kalye.

Camila: "ally? Bilisan mo! mahuhuli na tayo sa klase! Ano ba?!" Remind ni Camila sa kanyang kaibigan. Ang tagal niya kasi sa may mirror area na nag aayos ng kanyang sarili.
Ally: " ayan na!" Sagot nito ng matapos na siya ng kanyang ginagawa.

Habang papalabas sina camila at ally sa may CR nang biglang may natapon na tubig sa kanila na galing sa taas ng pintuan ng Cr. Dahil sa si Camila ang unang lumabas ng pintuan ay siya ang nabuhusan nito habang ang talsik ng mga tubig ay kay Ally  naman napunta.

Camila: "what the.... ??" Unang lumabas sa kanyang bibig habang gulat na gulat ito sa tubig na bumuhos sa kanya sa umagang yon.
Ally: "shit!! Ok ka lang!??" Tanong nito sa kanyang kaibigan nang makita niyang basang-basa na ang kanyang buong katawan.
Camila: "mukha ba akong ok!? Mukha na akong sisiw nito!! sino bang gumawa nito!?" Tanong ni Camila sa kanyang kaibigan habang naiinis na ito sa nangyari sa kanya.
Ally: "Baka mga loko loko lang na students! Alam mo na!" Sagot nito kay Camila pero deep inside may idea siya kung sino ang mga taong gumawa nito sa kanila. Sino ba naman ang gagawa ng kamalasan sa kanila kundi ang DNL lang. Sabi ni Ally sa kanyang sarili pero nilihim niya nalang  ito para walang gulo.
Camila: "Sandali!?? Ikaw ba may wala ka bang sinasabi sa akin?" Curious na tanong nito kay Ally ng mahalata niya ang kanyang kaibigan na tila tumahimik.
Ally: (biglang natalimik ito ng tuluyan ng tanongin siya ni Camila. Hindi niya kasi alam ang isasagot niya sa kanyang kaibigan. Magsisinungaling ba siya o Magsusumbong nalang?)
Camila: "ally?!!!" Tanong ulit nito sa kanyang kaibigan na nagbibingi-bingihan na parang may iniiwasan.
Ally: "ok fine!! Sorry pero kahapon kasi nakipag away ako sa DLN. Sorry Camila! alam kong nangako ako pero di ko natiis eh!. Pagsusumbong nito kay Camila at pagpapaliwanag din sa buong nangri sa kanila ng DNL kahapon.
Camila: "so kaya pala? Kaya pala umagang umaga, minamalas na tayo kasi pinaglalaruan nila tayo? So ok fine..chill lang tayo wag tayo papatol? Ok?!" Sabi nito sa kanyang kaibigan. Tila ayaw ni Camila patulan ang paglalaro sa kanila ng grupo nina Lauren. Isa lang kasi ang nasa isip niya. Pumasok siya sa university na pinag aaralan nila para magtapos at hindi makipagbasagulero.
Ally: "Pero camila, paniguradong hindi nila tayo titigilan!" Pagbabala ni Ally sa kanyang kaibigan. Alam niya kasing hinding hindi sila lulubayan ng DNL hanggang sa hindi humingi ng patawad ang mga ito.
Camila: "hayaan mo sila Ally basta iiwas nalang tayo para sa scholarship natin, ayaw ko masipa sa university nato. Gusto ko makapagtapos na hindi nagkakaproblema ang tatay ko sa mga bayarin" Sabi ni Camila sa kanyang kaibigan. Parang sinasabi niya kay Ally na kaya niyang tanggapin ang lahat lahat ng pang aapi ng DNL. Wag lang siya mawalan ng scholarship sa university.
Ally: "ok! Pero bago yan magbihis ka muna! mukha ka talagang basang sisiw ngayon hahaha,tara may extra akong damit sa locker." Pagbibiro ni Ally sa kanyang kaibigan sa ganun hindi sila maging seryoso sa kanilang usapan. Baka kasi magka-iyakan pa sila.

LOST LOVE (Camren ft. Jerrie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon