Linggo nang alas 8:00 ng gabe pagkatapos makipagmet ni Ty sa kanyang ibang mga kasusyo sa sendikatong kinabibilangan niya.
Mark: "Ty ano pala ang plano mo sa mga babaeng pinakuhaan mo sa akin ng impormasyon?" Tanong ni mark habang naka upo sila sa isang mesa.
Ty: "Malaking makukuha nating pakinabang sa kanila!" Sabi ni Ty habang nakangiti ito kay Mark. Tila may binabalak nga itong hindi maganda kina Lauren.
Mark: "ano po ba? Kikidnapin ba natin sila at ipapatubos?" Tanong nito sa kanyang boss.
Ty: "Oo pero di pa sa ngayon. Mahihirapin tayo banggain ang mga yan lalong lalo na ang Lauren, Isang pagkakamali lang nating lahat ay paniguradong sa kulungan o di kaya sa hukay ang bagsak natin!" Sabi ni Ty habang seryoso ito.
Mark: "Tama Ty! Sa yaman ng Lauren na yon di lang pader ang sasagasaan natin kundi isang Tore talaga pagnagkataon!" Sabi ni mark sa kanyang boss. Alam niya kasing sobrang yaman at sobrang ma-impluwensyang Tao si Lauren kaya mahirap itong banggain.
Ty: "Kaya nga! Sa takdang panahon. Sa takdang panahon" Huling salita ni Ty habang umiinom ito ng kanyang wine.Alas 1:30 ng umaga ng matapos na naman ang trabaho ni Camila sa restaurant. Habang nagbabantay siya ng masasakyan sa labas ng restaurant ay biglang may magarang sasakyan ang pumarada sa kanyang harapan. Makalipas ang ilang segundo ay lumabas ang may ari ng sasakyan na ito.
Camila: "perrie!?" Tanong ni camila habang nagulat ito dahil si Perrie pala ang may nagmamay ari ng sasakyan.
Perrie: "Hi!" Greet nito kay Camila habang nakangiti.
Camila: "Anong ginagawa mo dito!?" Curious na tanong ni Camila kay Perrie. Wala siya kasing idea kung bakit andun si Perrie sa oras na yon?
Perrie: "sinusundo kita!" Mabilisang sagot nito kay Camila.
Camila: "pero umaga na! Teka lang!? Paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?" Curious na tanong nito ulit kay Perrie. Ang pagkakaalam niya ay never niya nabanggit kay Perrie na doon siya nagtatrabaho.
Perrie: (hinawakan niya sa kamay si camila)Perrie: "Di na mahalaga yon!" Sabi nito habang nakahawak sa mga kamay ng kanyang kaibigan.
Camila: "Alam ko na! Kay Ally no!? Si ally talaga!" Sabi ni Camila habang napapailing nalang ito sa pagiging madaldal ng kanyang kaibigan.
Perrie: "well wala ka nang choice kundi sumakay nalang sa sasakyan ko dahil hahatid kita!" Sabi ni Perrie habang binubuksan niya ang kanyang sasakyan.Samantala habang nasa loob na ng sasakyan sina Perrie at Camila at binabaybay nila ang daan pauwi.
Camila: " Umaalis ka ba lagi ng ganitong oras sa inyo!?" Curious na tanong nito kay Perrie. Napaisip si Camila na kasi kung gawain talaga ni Perrie ang umalis ng hating gabe?
Perrie: "Hindi naman! Di kasi ako makatulog kaya naisipan ko nalang na sunduin nalang kita kaysa nasa kama lang ako na paikot ikot haha" Sabi nito habang natatawa.
Camila: "Kahit na! Dahil delikado pa rin magbiyahe ng mag isa ng ganitong oras!" worry ni camila sa kanyang kaibigan.
Perrie: " ok lang ako Camila! wag kang mag alala! Di kaya mas delikado ang sitwasyon mo dahil umaga kang mag isang umuwi? Mas delikado yon"Sabi ni Perrie habang nag sa siya sa sitwasyon ni Camila.
Camila: "Di naman! Sanay na ako!" Sagot nito na nakangiti.
Perrie: "kahit na!! Alam mo? pwede ka naman tumigil sa trabaho mo, ipapasok nalang kita sa company namin at pang-umagahan na trabaho." Offer ni Perrie kay Camila habang seryoso ito sa kanyang sinasabi.
Camila: (Dahil sa nakita niyang seryosong nag aalala si Perrie sa kanya ay hinawakan niya ang braso ni Perrie)Camila: "naku perrie! Wag na! Salamat nalang pero nakakahiya na talaga sayo. Ngayon lang naman ito eh," Pagtatanggi ni Camila sa offer ng kanyang kaibigan. Tila nahihiya na ito sa napakagandang ugali na pinapakita sa kanya ng kanyang kaibigan.
Perrie: "sigurado ka? Basta Camila kung may kailangan ka wag kang mahihiyang magsabi ok?" Sabi ulit ni Perrie habang nakakatutok siya sa kanyang pagmamaneho.
Camila: "salamat Perrie!" Sabi ni camila sa kanyang kaibigan nito habang nakangiti.Alas 2:20 na nang umaga ng makarating sa wakas sina Perrie sa bahay nina Camila.
Perrie: "so andito na tayo?" Tanong nito ng makarating na sila sa tapat ng bahay ni Camila.
Camila: "yes! Perrie! Salamat ulit" sagot nito kay Lauren habang nakangiti.
Camila: ( kinukuha niya ang seatbelt niya para bumaba ng sasakyan pero Tila nahihirapan ito kung paano niya makukuha ang seatbelt )
Perrie: ( napansin niya na tila nahihirapan si Camila sa pagkuha ng kanyang seatbelt kaya tinulungan niya na ito sa pagkuha )
Perrie: "Ako na!" Sabi ni Perrie kay Camila sabay lapit kay Camila. Dahil sa sobrang lapit ng kanilang katawan sa isat-isa ay Tila ang posisyon ni Perrie ay parang nakayakap siya kay Camila.
Camila: ( biglang napasandig siya sa upuan dahil sa ginawa ni Perrie. Di niya maipaliwanag pero parang nakakaradam siya ng awkward sa naging posisyon nila.Hindi alam ni Camila kung bakit pero Tila sobrang gustong gusto niya sa tuwing naaamoy niya ang perfume ni Perrie? Kung bakit nakakaramdaman siya ng ibang pakiramdam sa tuwing ganun sila kalapit sa isat isa)