Habang walang malay si Camila dahil sa kalasingan niya ay hindi siya muna iniwan ni Lauren at nanatili muna siya sa kanyang tabi sa gabeng yon. Pagkatapos hubarin ni Lauren ang sapatos ni Camila ay narinig niya naman ito na nagsasalita na tila nananaginip...
Camila: " Lauren? Wag mo akong iwan! Hindi kita linuko! Hinding-hindi ko magagawa sayo yan. Please! Wag mo akong iwan!! " sabi pa ni Camila habang natutulog ito.
Habang nakatingin at pinapakinggan ni Lauren si Camila sa mga sinasabi nito habang natutulog ay agad naman nag flashback sa kanyang isipan kung saan galing ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Camila. Yon ang mga salitang huli niyang narinig noong hiniwalayan niya si Camila at iniwan niya ito makaraan ang 10 taon na lumipas.
Kaya habang pinagmamasdan niya si Camila sa mga sandaling yon ay bigla siyang naluha dahil sa sama ng loob. Naluha siya ng maisip niya ang mga araw na iniwan niya si Camila ng ganun ganun lang. Napatanong tuloy siya sa kanyang sarili? Ano kaya ang nangyari kung binigyan niya sana ng pagkakataon si Camila para magpaliwanag ng side at dahilan niya dati? Siguro baka sila pa hanggang ngayon? Baka siya na ngayon ang kasa-kasama niyang natutulog sa iisang kama araw araw at baka
binubuo na nila ngayon ang mga pangarap nila noon? Ang magsama sila at bumuo ng isang pamilya habang buhay.Makalipas pa ang ilang segundo ay tinitigan pa rin niya si Camila sa kanyang pagtulog at naisipan niyang halikan ito sa may labi pero hindi niya ginawa dahil alam niyang mali yon? Mali ang halikan niya ang girlfriend ng kanyang kapatid. Mali ang halikan niya si Camila dahil may asawa na siya at si Jade yon. Si jade na baka nag aalala na sa kanya sa mga oras na yon kaya napaisip pa siya tuloy? Tama ba ang manatili sa tabi ni camila sa mga oras na yon kung may asawa naman siyang naghihintay sa kanya sa bahay? O manatili nalang siya sa tabi ni Camila pero alam niyang baka pagsimulan ito ng kanilang di pagkakaintindihan ng kanyang asawa na si Jade.
Ilang minuto pa ng mapag isip-isip niya at makapagpasyahan niya na ayusin nalang ang nakakumot kay Camila, halikan ito sa may noo at umuwi nalang sa naghihintay sa kanya na si Jade. Ang kanyang asawa.
Masakit man kay Lauren na iwan si Camila sa mga sandaling yon mag isa pero alam niya sa kanyang sarili na yon ang tama kaya umuwi nalang siya sa kanyang asawang naghihintay sa kanya.Lauren: "paalam Camila!" Bulong ni Lauren kay Camila habang nalulungkot ito at naluluha dahil deep inside ayaw naman talaga niyang iwan si Camila pero kailangan.
Alas 3:00 na nang umaga nang dumating si Lauren sa kanilang bahay. Nadatnan niya si Jade na nakahiga na sa kama at tila mahimbing na mahimbing ang kanyang tulog. Agad niya itong linapitan, niyakap at hinalikan sa may ulo. Babangon na siya sana para magbihis ng biglang magising si Jade...
Jade: "ahm babe?"sabi ni Jade na bagong gising.
Lauren: " shhh matulog kana ulit babe? Magbibihis lang ako!"" Sabi ni Lauren sa asawa niyang bagong gising.
Jade: "hm!! Ngayon ka lang?" Tanong ni Jade habang nkatingin siya kay Lauren.
Lauren: "oo babe! Im so sorry!" Paghingi ng sorry ni Lauren sa asawa niyang nakatulog sa kahihintay sa kanya.
Jade: "ok lang yon babe!" Sagot ni Jade sabay bangon para bihisan si Lauren. Nakagawiaan na niya kasi na siya ang nagbibihis kay Lauren kada abot niya galing sa trabaho o kahit saan man.Lauren: ( pinagmamasdan niya nalang si Jade habang kumukuha ito ng damit niyang ipagpapalit sa kanya.Makalipas pa ang ilang minuto ay binihisan na nga niya si Lauren at bumalik na sila sa kama para matulog ulit.
Lauren: "thank you babe sa lahat! Napakaswerte ko talaga sayo." Sabi pa ni Lauren habang yakap yakap niyang nakahiga si Jade.
Jade: "ako rin naman babe!" Sagot ni Jade na nakangiti.
Lauren: "i love you babe! and sorry!" Sabi ni Lauren na tila nagui-guilty dahil nagsinungaling naman siya kay Jade sa araw na ito at muntikan na naman siya magkamali at makagawa ng kasalanan kasama si Camila.
Jade: "its ok babe! Nexttime tumawag ka muna ha?kahit saan ka pupunta dapat magpaalam ka muna para sa ganun hindi na ako nag aalala pa? Love you too babe!" Sagot ni Jade sabay halik kay Lauren sa labi nito at doon na nagtatapos ang kanilang usapan sa mga gabeng yon.Alas 9:30 na nang umaga sa may bahay nina Camila. Nakatulog siya ng mahimbing at tila hindi niya namalayan ang mga oras na sumikat na pala ang araw. Makalipas pa ang ilang minuto ay nagising na nga ito. Habang unti-unti niyang minumulat ang kanyang mga mata ay naramdaman niyang may nakayakap sa kanya at natutulog sa tabi niya . Agad niya itong tinignan sa pag aakala na si Lauren ang kasama niyang natulog buong gabe at si Lauren ang makikita niya sa umagang yon pero mali pala siya dahil si Perrie ang kasama niya.
Perrie: "hon? Hii goodmorning? Gising kana pala?" Greet ni Perrie nang magising din ito.
Camila: "hon? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Camila habang sobrang sakit ng ulo niya pero hindi niya pinapahalata dahil kay Perrie.
Perrie: "hon? Susunduin na sana kita kanina kaso nakita kitang mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kitang ginising pa! " paliwanag ni Perrie na nakangiti.
Camila: "sana ginising mo ako? Ayan tuloy hindi ka nakapasok sa trabaho mo?" Sabi ni Camila habang nalulungkot ito. Hindi niya alam kung nalulungkot siya dahil hindi nakapasok sa trabaho ang kanyang kasintahan o nalulungkot ito dahil iniwan siya ni Lauren kagabe?
Perrrie: "hon? Its ok? Kahit 1year pa akong hindi pumasok sa trabaho? ok lang?" Nakangiting depensa ni Perrie sa kanyang kasintahan.
Camila: "sabagay!!! Kayo pala ang may ari ng company niyo!"
Perrie: "so hon? Bakit ata napahimbing ang tulog mo?" Curious na tanong ni Perrie.
Camila: ( hindi muna ito sumagot kay Perrie dahil hindi niya alam kong magsasabi ba ito ng totoo o magsisinungaling nalang?")
Perrie: "hon?"
Camila: "oh sorry hon? Masakit lang kasi ang ulo ko kaya napatulog ako ng sobra?" Pagsisinungaling ni Camila sa kanyang kasintahan . Ayaw niya kasing magsabi ng totoo dahil baka pagsimulan lang ito ng duda ni Perrie sa kanya kaya nagsinungaling nalang siya para sa ikabubuti ng lahat.
Perrie: "aw hon? Ok lang yan! Kung masama ang pakiramdam mamahinga ka muna?Kung gusto mo magbakasyon ka muna? Aasikasuhin ko ang leave mo sa work para sayo?" Tanong at suggest pa ni Perrie kay Camila ng makita niya itong masama ang kanyang pakiramdam.
Camila: "no hon!!! Its ok! Ngayon lang ito at tsaka diba napag usapan na natin ito.? Wag mo na pakialaman ang trabaho ko?" Nakangiting paalala ni Camila kay Perrie.
Perrie: "ok hon! Sige ikaw bahala!" Sabi ni Perrie sa kasintahan niya.
Camila: "so? Bangon na tayo hon? Mag breakfast muna tayo?" Paanyaya ni Camila kay Perrie habang magkayakap sila sa kama.
Perrie: "ok hon! Gutom na rin ako eh hahaha!' Biro pa ni Perrie sa kanyang kasintahan. Makaraan ang ilang minuto ay bumangon na rin sila at bumaba para magbreakfast.