LOST LOVE 40

37 3 0
                                    

Alas 12:12 na ng umaga pero hindi pa nakakauwi sina Lauren at Camila dahil nasa tabing dagat pa rin sila at nag iinuman habang nagkukuwentuhan. Habang papalalim na ang gabe ay tila nalalasing na rin si Camila kaya naging palakuwento na ito  at tila nawawala na ang hiya niya kay Lauren sa mga sandaling yon! Ika nga  nanaging ma open na ito? marahil dahil siguro sa alak na naiinom niya sa gabeng yon.
Makalipas pa ang ilang minuto nang biglang yayain ni Camila si Lauren na tumayo at magsayaw sa ilalim ng disco song na tumutugtog sa paligid.

Camila: "come on Lauren? Sayaw tayo?!" Paanyaya ni Camila kay Lauren na nakaupo lang.
Lauren: " wag Camila! Lasing kana baka bumagsak ka pa?" Sabi ni Lauren sa lasing na si Camila.
Camila: "sige na pleasee!!!!! Kapag hindi ka tumayo at makipagsayaw sa akin ay magtatampo ako sayo? Sige ka!!" Babala pa ni Camila kay Lauren. Dahil sa nakita ni Lauren na parang magtatampo na nga si Camila kung hindi niya masunod ang gusto nito na makipagsayaw sa kanya kaya tumayo nalang ito at nakipagsayaw nalang kay Camila na tila sila  lang ang tao sa buong lugar na yon.

Habang paikot-ikot at pataluntalon si Camila sa kanyang pagsasayaw ng biglang natapilok siya at agad naman  ito nasalo  ni Lauren kaya hindi ito bumagsak ng tuloyan si Camila sa may buhangin.
Habang hawak hawak ni Lauren si Camila sa baywang at si Camila naman ay nakahawak sa balikat ni Lauren ng bigla silang nagkatitigan sa mga mata.

Camila: ( shit!!! Alam kong lasing ako ngayon pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bumibilis na naman ang tibok ng puso ko sa tuwing nakahawak sa akin si Lauren? Sa tuwing nakatitig ako sa mga mata niya?Alam ko mali ito pero gusto kong halikan siya?Gustong gustong-gusto kong halikan siya? Sabi ni Camila sa kanyang sarili)
Lauren: ( Bakit ganito ang nararamdaman ko? Gustong-gusto ko siyang halikan ngayon pero hindi pwede dahil kasal na ako kay Jade at kasintahan siya ng kapatid ko. Minsan lang kami nagtaksil kina Jade at Perrie. Hindi na yon mauulit pa. Hindi na!!! Sabi ni Lauren sa kanyang sarili kaya pinigilan niya ang kanyang kagustuhan na halikan si Camila)
Camila: ( habang nagkatitigan sila sa kanilang mga mata ay naghihintay ito na sana halikan siya ni Lauren sa mga sandaling yon?)
Lauren: (  Dahil sa Hindi siya ganun kalasing  sa mga sandaling yon ay natauhan nalang siya agad at narealized niyang  may mali sa kanilang mga ikinikilos ni Camila sa gabeng yon kaya siya na mismo ang umiwas)

Lauren: "Camz? Lasing kana! Tara iuuwi na kita sa inyo?" Sabi ni Lauren kay Camila sabay alalay sa kanya.
Camila: "hm!" Tanging nasabi niya nang mabigo siya sa inaasahan niya na sana hinalikan nalang siya ni Lauren.
Makalipas pa ang ilang minuto ay kinuha na ni Lauren ang mga gamit nito,inalalayan si Camila at pumunta na sila sa kanyang kotse at umuwi na nga sila para ihatid si Camila sa kanyang bahay.

Alas 2:00 na nang umaga sa bahay nina Camila.

Sa kanyang kwarto...

Habang ipinapasok  ni Lauren si Camila sa kanyang kwarto na walang malay sa kalasingan ay agad niyang napansin ang mga butterfly at ang poster ni Camila sa room niya na moon and sun. Bigla niyang naalala ang kanilang nakaraan habang tinititigan niya ang mga ito. Naalala niya ang kanilang nakaraan kung saan siya ang nagregalo kay Camila ng mga poster na kanyang nakikita. Kaya sa mga sandaling yon ay biglang nakaramdam ng lungkot si Lauren dahil hanggang ngayon ay binibigyan ni Camila ng halaga ang mga bigay niya sa kanya noong sila pa. Kabaliktaran ng sa kanya dahil lahat ng regalo ni Camila noong sila pa ay naitapon na niya ang mga ito. Kaya nakaramdam siya ng sobrang lungkot sa gabeng yon.

Habang pinapahiga ni Lauren si Camila sa kanyang kama na lasing na lasing na ng biglang..... ..

Camila: "Lauren.... Laurenn n...." Binabanggit ni Camila habang nakapikit ito.
Lauren: ( hindi na siya nagsalita pa pero tila nadudurog ang puso niya sa mga sandaling yon. Sa tuwing binabanggit ni Camila ang kanyang pangalan na naluluha.

Ang makabalik sa room ni Camila sa tagal ng panahon ay hindi naging madali kay Lauren sa gabeng yon dahil nagflashback lahat sa kanyang isipan ang mga masasayang araw nila sa nakaraan dahil noong sila pa ay lagi silang nagtatambay sa kwarto ni Camila.

Camila: "laurennn wag mo akong iwan!" Pagbabanggit pa ni Camila na tila lasing na lasing na nakahiga.
Lauren: "ok Camila! Hindi kita iiwan!" Bulong ni Lauren kay Camila.

LOST LOVE (Camren ft. Jerrie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon