LOST LOVE 7

89 4 1
                                    

Alas 9:00 ng umaga sa 1st period class nina Camila kung saan kaklase niya si Lauren. Habang tahimik ang buong klase dahil naghihintay sila sa sasabihin ng kanilang professor ay hindi maiwasan ni Camila na sumulyap ng mabilis sa may likod kung saan naka upo si Lauren. Tila kada araw araw ay nakagawian na niya  ang bagay na iyon. Ang magnakaw ng tingin  kay Lauren dahil para sa kanya ay hindi magiging kompleto ang buong araw niya sa tuwing hindi niya natitigan si Lauren.

Ally: "Camila!!! Alam mo tigilan mo na nga yan? Nakakatakot kana! Mamaya ang leeg mo ay di na bumalik sa kalilingon mo sa kanya!!" Biro ni ally sa kanyang kaibigan.Totoo nga naman na halos araw araw ay nakasanayan na nito ang titigan si Lauren sa likod.
Camila: "akala mo lang yon! Bawal ba tumingin sa paligid?" Sagot at depensa ni Camila habang nagsusulat ito. Todo deny kasi siya sa kanyang mga ikinikilos kahit na halatang halata naman ito.
Ally: "so!? Ako na naman ang delusional dito? Na nag iisip na baka may gusto ka sa kanya!?"tanong nito habang natatawa kay Camila.
Camila: "Ally! Please tigilan mo na yan! Wala akong gusto sa kanya. Maya-maya may makarinig sayo? Ano pa ang isipin nila!" Banta ni Camila sa kanyang madaldal na kaibigan.
Ally: "aw sus! Ayaw mong isipin ng iba na may gusto ka sa kanya pero yung mga mata mo pinagsisigawan na gusto mo siya!? Naku wag ako camila?kilala kita!" Pagbibiro ni Ally sa kanyang kaibigan na may halong katotohanan.
Camila: ( gusto sana niyang magsalita pa pero....)
Professor: "excuse me Ally? May gusto ka bang eshare sa klase?" Tanong ng professor nila kay Ally nang makita niyang busy sa kadadaldal si Ally sa kanyang klase.
Ally: "no sir! Sorry!" Nakangiting sagot ni Ally sa kanyang professor.
Camila: (natatawa nalang siya kay Ally na tila gusto niyang sabihan ng buti pa sayo pero hindi nalang ginawa ito)
Professor: "ok class! Now na andito na kayo sa quarter year ng pag aaral niyo at months na lang ang bibilangin para sa graduation niyo. May ibibigay akong special project sa inyo" Balita ng kanilang professor sa buong klase habang ang lahat ay nakikinig lang.
Students: ( nagtataka silang lahat sa sinabi sa kanila ng kanilang professor dahil ang pagkakaalam nila ay tapos na halos lahat ng requirements nila para sa kanilang graduation)
Professor: "ok ok! Relax class, this is not hard. Sabihin nalang natin na kada year pinapagawa ko ito sa mga students ko at plus may grades ito so goodluck!" Sabi nito na nakangiti habang ang buong klase ay tila ayaw nilang gawin ang project na ito.
Ally: "kainis naman!! Bakit may pahabol pang requirements? 4months nalang graduate na tayo ah?" Sabi ni Ally habang nakakusmod ang kanyang buong mukha.
Camila: "makinig ka nalang kaya muna?" Sabi niya sa  kanyang kaibigan na reklamador.
Lauren: (Habang ang lahat ay maingay dahil sa sinasabi sa kanila ng kanilang professor ay nasa likod lang siya ng klase kung saan wala siyang imik o tila wala siyang pakialam sa mga pangyayari sa kanyang buong paligid. Minsan iniisip ni Lauren kung bakit pa niya kailangan mag aral at magtyaga pumasok sa klase kung nasa kanya naman ang lahat ng yaman sa mundo. Pero dahil sa kagustuhan ito ng kanyang ama na magka diploma at maka degree ito. Wala na siyang magawa kundi pumasok sa klase araw araw hanggang makatapos ito)
Professor: "ok class! Ang project report na ito ay mag eenjoy kayo for sure? Hinati ko ang buong klase ng dalawa. Ang kalahating students ay nasa box na ito. So ang natitirang kalahating students naman ang bubunot ng makakapartner nila sa mismong box na ito. Kapag nabunot na nang isa sa inyo ang partner niya ay nasa papel din yon ang titled o topic ng report nila. Halimbawa? Nasa papel na yon " Flower" kailangan niyo gumawa ng isang report about flower na irerelate niyo sa course niyong business add. So understand class?" Pagpapaliwanag ng kanilang professor sa buong klase.
Students: ( tila naguguluhan pa rin ang mga ito sa ibigsabihin ng kanilang professor habang ang iba naman ay naintindihan ito.)
Professor: "ok class! Since na si Camila ang possible running as magna? Paki explain nga sa kanila Miss Cabello sa buong kaklase mo ng simple?" Sugo ng kanilang professor kay Camila dahil siya lang naman ang pinaka matalino niyang mag aaral.
Camila: ( tumayo ito sa klase habang nakangiti para ipaliwanag ng simple ang kanilang project na gagawin)

LOST LOVE (Camren ft. Jerrie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon