Alas 5:30 na ng hapon pero nasa tabing dagat pa rin sina Camila at Lauren na nakaupo habang pinagmamasdan nila ang sunset na dalawa. Habang pinagmamasdan nila ang napakagandang sunset sa kalangitan ng makaramdam naman si Camila ng ibang pakiramdam sa mga sandaling yon. Tila bumibilis na naman ang tibok ng kanyang puso sa tuwing kasama niya si Lauren.
Lauren: "kumusta ang family mo at ang trabaho mo Camila?" Tanong ni Lauren kay Camila maka open lang siya ng topic nilang dalawa.
Camila: "ok naman sila Lauren! Ang trabaho ko naman ay ok lang. Busy minsan pero kaya naman?" Sagot ni Camila habang umiinom ito ng wine niya.
Lauren: "aww! Thats good Camila!" Sabi ni Lauren sabay inom din ng wine nito.
Camila: "ahm! Btw Lauren? Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo? Kapag nag dinner pa kasi tayo dito baka malate kanang umuwi?" Worry ni Camila kay Lauren dahil totoo nga naman talaga na baka hanapin siya ng kanyang asawa kapag gabehin ito ng uwi.
Lauren: "ok lang Camila! Mag dinner nalang tayo dito! Total naman andito na tayo! Etetext ko nalang ang asawa ko na male-late akong umuwi!" Idea ni Lauren para sa ganun ay hindi magworry si Camila sa mga oras na yon.
Camila: "pero Lauren baka......." Nagsasalita si Camila pero hindi pa ito natatapos ng biglang hawakan siya ni Lauren sa may kamay kaya naudlot ang kanyang sasabihin.
Lauren: "camz!?? Its ok? Wag ka nang mag alala? ok lang yan kay Jade? Wala naman tayong ginagawang mali diba? Tsaka kahit sabihin ko pa na magkasama tayo? Ok lang naman sa kanya. So dont worry camz ok?" Assured ni Lauren kay Camila na nagwo-worry sa sitwasyon nilang dalawa sa gabeng yon.
Camila: "are you sure?" Tanong ni Camila na nakatingin kay Lauren habang nag aalala pa rin ito.Habang nakakaramdam siya ng kaba sa hawak ni Lauren sa kanyang kamay ay agad naman iniwas ni Camila ang kamay niya nang maramdaman niya na hawakan ito ni Lauren. Marahil umiiwas lang talaga ito sa mga ikinikilos ni Lauren sa ganun hindi naman siya matukso nito at makagawa ng Isang kasalanan lalong-lalo na ngayong kasal na si Lauren kay Jade. Kaya napainom naman nalang ito ulit ng kanyang wine.Lauren: "oi tama nga na yan. Nakakarami ka na ng wine Camila.?. Di pa nga tayo kumakain.?" Worry ni Lauren ng mapansin niyang naka 4 na ng wine na baso na naiinom si Camila.
Camila: "aw hahaha! Sorry ang sarap kasi ng wine nila dito hahah! Tapos ngayon lang ako nakapag wine ulit hahaha!" Biro pa ni Camila kay Lauren pero ang totoo ay napapainum nalang ito ng alak dahil ito ang paraan niya para hindi matukso sa kanyang nararamdaman kay Lauren.
Lauren: "ok? So since 6:16 na? Dinner nalang muna tayo then tsaka nalang tayong uminom tayo?" Paanyaya at idea ni Lauren kay Camila.
Camila: "good idea Lauren! Gutom na ako eh hahaha!" Biro pa ulit ni Camila na tila nakainom na ata sa kanyang mga kinikilos.Matapos magpasyang magdinner ang dalawa ay agad nagpatawag ng waitress si Lauren para mag order ng
kanilang makakain.
Makalipas ang 30 minuto ng dumating na rin ang pagkain nilang inorder at pinagsaluhan na nga nilang dalawa ang masasarap na pagkain na inihanda sa kanila.Halos 30minuto pa ang lumipas ng makatapos na nga ang dalawa kumain ng kanilang dinner kaya napagpasyahan nila na uminom muna ng konte bago umuwi.
Camila: "cheers!!!" Sabi ni Camila kay Lauren habang hawak hawak niya ang wine niya.
Lauren: "Camila? Hinay-hinay lang baka malasing ka!" Worry ni Lauren kay Camila habang umiinom ito ng walang preno.
Camila: "bakit????! Dahil may trabaho ako bukas? Diba boss kita kaya ok lang ba sayo na mag aabsent muna ako bukas? Right boss hahahaha!" Natatawang tanong ni Camila na tila nakainom na nga sa kanyang mga kinikilos at pananalita.
Lauren: "ok? Wag kanang pumasok! Ako bahala sa boss mo!" Sagot ni Lauren habang napapangiti nalang siya sa kanyang kaibigan.
Camila: "so yeahhhhh.. Cheers ulit Lauren!" Sigaw pa ni Camila na parang lasing na habang si Lauren ay konte lang ang iniinom nito dahil siya ang magmamaneho sa kanila pauwi.Alas 10:00 na ng gabe ng hindi namamalayan ni Lauren na gabe na at late na pala. Ang masama ay hindi pa pala niya natext si Jade dahil sa nag enjoy ito na kasama niya si Lauren. Habang nagkakatuwaan sina Lauren at Camila ay nag aalala na pala ang kanyang asawa at siya na ang tumawag kay Lauren.
Conversation sa phone:
Lauren: "babe?" Sabi ni Lauren ng sagutin na niya ang kanyang phone pero tila kinakabahan ito sa sasabihin ng kanyang asawa o sa sasabihin niya sa asawa niya dito?
Jade: "babe? Where are you? Gabe na ah? Saan ka?hindi ka man lang nagtext na gagabehin ka?" Tanong ni Jade sa kabilang ng linya na nag aalala na sa kanya.
Lauren: "babe? Im sorry nag inuman kasi kami ng ibang board of members. Hindi na ako nakatawag kasi nakalimutan ko. Sorry! Dont worry ok?" Pagpapalusot ni Lauren sa kanyang asawa.
Jade: "ok babe? Basta wag kang magpatama uminom ok?" Paalala pa ni Jade kay Lauren pero wala siyang kamalay-malay na nagsisinungaling na pala ito. Dahil hindi mga board of members ang kasamahan niya sa mga sandaling yon kundi si Camila. Ang kanyang ex.
Lauren: "ok babe! Mauna ka na matulog kasi gabe na ata?. Wag mo na ako hintayin." Habilin pa ni Lauren sa kanyang asawa.
Jade: "I'll try babe? Basta umuwi ka ng maaga ha? Love you." Paalala ulit ni Jade sa kanyang asawa.
Lauren: "ok babe!! I love you too babe! Bye!" Pagtatapos ni Lauren sa usapan nila ni Jade sa phone. Matapos tumawag ang kanyang asawa at matapos siyang magsinungaling dito ay bigla siyang nakaramdam ng guilty sa kanyang sarili at kay Jade.
Napatanong siya tuloy sa kanyang sarili.Lauren: ( Bakit kaya ako nagsinungaling sa asawa ko? Bakit ko kaya itinago sa kanya na si Camila ang kasama ko ngayon? Guilty ba ako dahil mahal ko pa si Camila?) Tanong ni Lauren sa kanyang sarili habang naguguluhan siya sa kanyang mismong nararamdaman sa mga sandaling yon.