LOST LOVE 9

79 6 3
                                    

Isang oras na ang nakalipas habang binibiyahe ng bus na sinasakyan nina Camila at Lauren ang pupuntahan nilang lugar ay tila napakatahimik lang ng dalawa sa isat isa. Si Camila ay isang oras nang nagbabasa ng kanyang paboritong libro habang hindi niya maiwasan nakawan ng sulyap si Lauren kapag nakatingin ito sa kalayuan.
Sa buong biyahe nina Camila ay walang ginawa si Lauren kundi matulog ito at wag pansinin si Camila na Tila hindi niya ito kakilala.

Camila: ( Hindi talaga ako makapaniwala na magkasama at magkatabi pa kami ngayon ni Lauren sa upuan. Buong biyahe yata akong naninigas sa upuan ko dahil lang sa katabi ko siya? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?Sandali? Nakalimutan ko palang tawagan o etext si Perrie? Nagpromise ako sa kanya kaya dapat etext ko siya bago mawala ang signal) Mga tanong ni Camila sa kanyang sarili habang naalala niya na nangako pala siya kay Perrie na tatawag o magtetext ito bago sila bumaba ng bus.

Conversation sa text:

Camila: ("Hi Perrie? Saan kana ngayon? Kami paparating na! 20minuto nalang at makakarating na kami sa babaanan namin. Ingat ka palagi at salamat ulit sa breakfast at paghatid. Text kita ulit kapag pauwi na kami") -sent.
Perrie: ( agad itong nagreply kay Camila nang matanggap niya ang text nito)
Perrie: "good Camila! Ingat ka din palagi. welcome." Reply ni Perrie sa kanyang kaibigan.

Dalawangput lumang minuto ang nakalipas at sa wakas dumating na nga  sina Camila sa lugar kung saan sila baba o pupunta.

Camila: ( ginising niya si Lauren habang nasa mahimbing pa nitong tulog)
Camila: "Lauren? Andito na tayo!" Sabi ni Camila habang ginigising niya si Lauren sa kanyang tulog.
Lauren: ( unti-unti niyang inimulat ang kanyang mga mata at sa ilang segundo pa ang lumipas ay gumising na rin ito sa wakas)

Bumaba na nga sina Camila at Lauren sa bus na kanilang sinasakyan sa isang kalye na alanganin. Nang makababa na sila ay may dalawang lalaki ang  sumalubong sa kanilang dalawa. Mga lalaki na may kaidadan na kaysa sa kanila. Si manong na nasa idad na 48 na taon na at ang kanyang anak na si Toni na nasa idad lang na 28 taong gulang.

Manong: "kumusta po kayo? Ako pala si manong at ito naman po ang anak ko na si toni. Kami po yung nerikuminda ng kasamahan mo sa trabaho para mapupuntahan niyo sa isla para sa project niyo." Sabi at Greet ni Manong sa mga bagong dating na sina Camila at Lauren.
Camila: "oh hi Manong! Ako po pala si Camila at ito po pala si Lauren  na kaklase ko" Pagpakilala ni Camila habang nakangiti ito.
Manong: "hi sa inyo? So tara na mga iha! sunod po kayo sa akin." Sabi ni Manong habang nasa unahan siyang naglalakad.
Lauren: ( habang naglalakad sila ay wala siyang pakialam sa kanyang mga kasamahan at sa kanyang paligid.)
Camila: (Dahil sa pansin na pansin ni Camila na parang walang pakialam sa kanila si Lauren ay tumingin nalang siya dito habang nakatulala na naman sa kanya. Dahil sa nahuli siya ni Lauren na nakatulala sa kanya ay ngumiti nalang ito kay Lauren)
Camila: " sumunod ka nalang? Wag ka magpaiwan baka mawala ka pa!" Sabi nito habang nakangiti at nang iinis.
Lauren: ( hindi na siya sumagot kay Camila instead tumingin nalang siya Camila ng nakakatunaw na taingin )

Dalawangput limang minuto na ang nakalipas pero patuloy pa rin sa naglalakad sina Camila para pumunta sa kanilang destinasyon..

Camila: ( Habang naglalakad sila ay palagi niyang linilingon si Lauren sa  likod dahil nahuhuli ito sa kanyang naglalakad kasama sila. Habang nakalingon siya kay Lauren sa paglalakad ay biglang nasubsob siya sa isang ugat ng puno na kanilang dinadaanan.)

Manong: "iha? Ok ka lang?" Tanong ni Manong habang tinutulungan niya si Camila tumayo.
Lauren: ( Nakita niya na nasubsob si Camila pero hindi niya ito tinulungan instead natawa nalang ito ng malakas sa nangyari kay Camila)
Camila: ( tumingin siya kay Lauren nang makatayo na siya sa tulong nina Manong at Toni. Habang nakatingin siya kay Lauren ay tila gusto niya itong sabihan ng "Ang sama mo!!")
Lauren: "Bakit? Wag ka kasi lampa!?" Sabi ni Lauren kay Camila habang natatawa pa rin ito kay Camila. Makalipas ang ilang segundo ay inunahan niya si Camila sa paglalakad.
Camila: (Lampa? Sinong lampa? ako ang lampa? baka ikaw! Ang sama ng ugali nito! Akala mo kung sino? kaysa tulungan ako eh tinawanan pa ako at sinabihan pa ng lampa?wow!?) Bulong ni Camila sa kanyang sarili habang naglalakad ito.

LOST LOVE (Camren ft. Jerrie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon