Panibagong araw na naman para kina Lauren at Camila sa isang napakagandang resort kasama ang kanilang mga kaibigan.
Sa isang breakfast na inihanda sa kanila ng mga stuff sa resort. Habang nasa table na sina Ally , Perrie ,Camila at mga kasamahan nila ay nahuling bumaba sina Lauren at jade galing sa kanilang kwarto.Jade: "hi guys! Good morning!" Greet ni Jade sa lahat ng mga kaibigan nila habang si Lauren ay seryosong umupo lang sa may upuan niya. Tulad ng dati ay hindi pa rin siya ang tipong palakausap sa kanila sa tuwing andyan ang grupo nina Camila.
Ally: "good morning din sa inyo!" Greet ni Ally na sobrang energetic sa umagang yon.
Camila&Lauren: ( nagkatinginan nalang sila habang nakaupo sila sa iisang mesa. Mga tinginan na tila gusto nila mag greet sa isat isa pero di nila magawa)
Perrie: "so guys? Kain nalang tayo? Kasi after nito mag bu-boating tayong lahat" sabi ni Perrie na na eexcite na rin sa kanilang unang pamamasyal sa resort.
Ally: "oh yes!!!!!!! Im so excited!" Sabi ni Ally na sobrang excited na excited na.
Camila&Lauren: ( muling nagkatinginan nang marinig nila ang boating. Tila naalala naman nila ang mga nangyari sa kanila 5months ago noong pumunta sila sa isang isla.)Matapos silang kumain ng breakfast nila at magpahinga ng 30min ay naghanda na sila para mag boating at libotin ang ibang isla sa paligid ng resort.
Habang nakaglalakad ang lahat ay sweet na sweet na magkahawak ng kamay sina Lauren at Jade, Perrie at Camila.
Habang papasakay na sila ng bangka ay tila nag aalala si Lauren kay Camila sa mga sandaling yon. Naalala kasi niya noong sumakay sila ng bangka sa may isla nang bigla siyang nahulog sa tubig. Kaya tumingin siya kay Camila sa mga sandaling yon at napangiti.Camila: (Nakita niya si Lauren na nakatingin sa kanya habang nakangiti dahil ito ay may idea na siya kung bakit nakangiti si Lauren sa kanya. Siguro dahil naalala niya ang kanyang pagka lampa)
Nang dumating na sila sa isang isla sa kalapit lang sa resort ay excited silang bumama sa bangka para maglibot sa buong kapaligiran. Habang ang iba ay naglibot-libot na nga sa paligid ay sina Jade , Lauren , Perrie at Camila naman ay naiwan sa tabing dagat.
Perrie: "guys? Punta tayo doon?" Invite ni Perrie kina Lauren sabay turo sa may mga malalaking bato sa tabing dagat.
Camila: "wag na!? Aakyatin natin yan? Baka delikado? madisgrasya pa tayo diyan?" Worry ni Camila sa idea ng kanyang kasintahan. Dahil ang itinuturo ni Perrie na pupuntahan nila ay mga matataas na bato na may taas na 15ft mula sa taas papunta sa may tubig.
Jade: "yes! Guys punta tayo doon? Mukhang maganda naman talaga doon?" Pag aagree ni Jade kay Perrie.
Lauren: ( no comment nalang ito sa ideas ng kanyang kapatid at fiance pero sa totoo lang ay gusto naman niya mag disagree kina Perrie at mag agree kay Camila na baka delikado nga doon sa kanilang pupuntahan pero tulad nang lagi niyang nakagawian ay sumunod nalang siya sa fiance niya.
Perrie: "ok! So lets go? Ako bahala sayo hon!" Sabi ni Perrie kay Camila sabay kuha ng mga kamay nito. Sa ilang minuto pa ang nakalipas at akyatan ay nakarating na nga sila sa tuktok ng mga bato.Perrie: "see guys? Ang ganda dito?" Sabi ni Perrie na nakangiti. Dahil tama nga naman siya sobrang ganda nga naman sa kanilang pinuntahan. Malakas ang hangin at tanaw na tanaw mo ang buong paligid.
Jade: "oo nga Perrie! So guys selfie muna tayo!" Idea ni Jade sa kanyang mga kasamahan. Sa ilang segundo pa ay nagpapicture na nga silang apat habang nakangiti.Nagpasya muna ang apat na manatili muna sila sa lugar na yon ng ilang minuto pa. Habang nag uusap sina Lauren, Jade at Perrie ay si Camila naman ay nasa kilid lang na nakatulala sa buong karagatan. Tila naaalala naman niya ang mga araw na magkasama sila ni Lauren sa isang isla. Hindi kasi maipagkakaila ni Camila na yon ang isa sa mga pinakamasayang araw sa kanyang buhay.
Habang nakatulala siya sa karagatan ay bigla siyang natauhan at nagpasya nalang siya lumapit kina Perrie. Pabalik na sana siya sa kanyang mga kasamahan ng bigla siyang madulas sa mga bato at sa isang kausap mata lang ay nahulog na siya sa may tubig.
Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ito namalayan nina Perrie at si Jade pero si Lauren ay agad kita itong nakita kaya hindi na siya nagdalawang isip pa ng bitawan niya ang kamay ni Jade at tumalon ito agad agad sa tubig para iligtas si Camila.
Dahil nga sa sobrang mabilis ang mga pangyayari ay huli na ito nakita ni Perrie na nahulog si Camila sa tubig. Dahil sa unang nakita ito ni Lauren kaya naunahan na siya nito iligtas si Camila.
Gusto niya sana tumalon din sa tubig para iligtas ang kanyang kasintahan pero dahil sa tumalon na si Lauren para iligtas niya si Camila ay hinayaan nalang niya ito.Instead bumaba nalang sila ni Jade para salubungin sina Lauren at Camila sa baba.