LOST LOVE 5

95 4 0
                                    

Alas 10:00 na nang gabi makaraan ang tensyon na naganap sa reataurant na pinagtatrabahuan ni Camila.
Habang sina Lauren at Jade ay nasa  kanilang sasakyan.

Jade: (Hinawakan niya ang mga kamay ni Lauren at humarap siya dito)

Jade: "Babe? Are you ok?" Tanong ni Jade na tila nag aalala pa rin hanggang ngayon sa nararamdaman ng kanyang kasintahan.
Lauren: "Yes babe! Sorry sa nangyari kanina ha? Di ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Ayaw kong tahimik tayo na kumakain tapos may nanggugulo sa paligid." Paghingi ng sorry ni Lauren sa kanyang kasintahan habang nagpapaliwanag ito.
Jade: "its ok babe! Naiintindihan ko naman pero sana next time kung may option ka para umiwas. Please umiwas ka nalang kasi ayaw kong mapahamak ka babe" Sabi ni Jade habang nakatingin siya ng seryoso sa kanyang kasintahan.
Lauren: "Babe? Sige para sayo susubukan ko ok? Wag kana mag alala please." Pangako ni Lauren kay Jade sa ganun mapanatag ang kanyang kalooban.
Jade: (ngumiti ito ng mangako si Lauren sa kanya na hindi na ito gagawa pa ng gulo ulit. Habang nagtititigan ang magkasintahan sa kanilang mga mata ay hinawakan niya ang mga pisngi ni Lauren)
Jade: "hmmm i have a idea para mawala ng tuluyan ang init ng ulo mo?" Sabi nito habang nakangiti ito kay Lauren.
Lauren: "hmm? At ano naman yan miss Thirlwall?"Tanong nito sa kanyang kasintahan habang nakatingin ng malagkit.
Jade: (ngumiti ito na tila nang aakit sa mga sandaling yon kay Lauren habang nakahawak pa rin siya sa pisngi nito)
Jade: "Umuwi na tayo babe pero gusto ko sa bahay niyo?" Paanyaya ni Jade sa kanyang kasintahan.Tila gusto nito makasama ang kanyang kasintahan ng buong gabe.
Lauren: (napangiti nalang ito sa idea na iniisip ni Jade sa gabeng yon. Hindi niya maipagkakaila na gustong gusto niya rin makasama si Jade sa kanyang tabi buong gabe)
Lauren: "ok miss Thirlwall? Di kaya mas uminit ang buong katawan ko sa idea mong yan?" Tanong ni Lauren sabay kindat sa kanyang kasintahan. Kung anu-ano kasi ang pumapasok sa kanyang isipan sa mga oras na yon.
Jade: "bakit ayaw mo? Sige bawiin ko nalang!" Sabi nito habang binibiro niya si Lauren. Sobrang natutuwa si Jade kasi sa tuwing binibiro niya ito.
Lauren: (Habang binibiro ni Jade si Lauren ay niyakap nalang niya ito ng mahigpit na mahigpit sabay halik sa noo ni Jade )
Lauren: "Nope! Walang bawian babe!". Pagtatapos ni Lauren sa kanilang usapan tungkol sa bagay na ito bago sila tuluyang umuwi.

Ala 1:00 na nang umaga ng matapos ang trabaho ni Camila sa restaurant. Habang papalabas siya ng restaurant ay hindi niya maalis-alis sa isipan niya ang mga nangyari sa restaurant nitong gabe lang. Tila naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang lahat na nangyaring tensyon sa kanya,kay Lauren at sa isang lalaking costumer nila.
Hindi mapakali si Camila hindi dahil sa ginawa ni Ty sa kanya kundi dahil sa naging reaksyon ni Lauren sa sitwasyon na yon. Napapaisip siya tuloy kung bakit kaya siya tinulungan o pinagtanggol ni Lauren sa mga oras na yon?Totoo ba ang lahat nang iyon?Hindi talaga siya makapaniwala na tinutulungan siya ng isang Lauren Jauregui. Ang babaeng palaging umaapi sa kanila ni Ally sa  loob ng university.
Habang naglalakad siya mag isa para umuwi ay biglang dumating si shawn na nagmamadali at niyakap siya nito.

Shawn: " camila! Ok ka lang? kanina pa ako naghihintay sayo!" Worry na tanong ni Shawn sa kanyang kaibigan. Kanina pa pala siyang naghihintay sa labas ng restaurant simula ng mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang kaibigan.
Camila: ( Nabigla siya ng makita niya si Shawn sa labas ng restaurant at niyakap pa siya nito)
Camila: "ohh anong ginagawa mo dito? Tapos na duty mo ah!?" Tanong ni camila dito sa kanyang kaibigan.

Camila: "At please tama na ang yakap mo kasi di na ako makahinga haha" Biro ni camila sa kanyang kaibigan. Tila hindi ito makahinga dulot ng mga yakap niya dito ng mahigpit na mahigpit.
Shawn: "aw sorry! Worry talaga ako sayo Camila! matapos ko mabasa ang message sa akin nang kasamahan mo sa trabaho? Agad akong pumunta dito." Sabi nito habang patuloy pa rin ito sa pag aalala kay Camila.
Camila: "aw. Salamat shawn pero ok lang ako!" Panigurado ni Camila sa kanyang nag aalalang kaibigan.
Shawn: "naku! Gagong yon! Kung andito lang ako bubugbugin ko talaga ang gagong yon!" Sabi nito habang gumagalaw ito na tila marunong magkarate at kayang bugbugin si Ty kung sakaling nagkita sila.
Camila: "naku! Naku! Hayaan muna Shawn! Ang emportante ok ako at walang nangyari." Pagsisigurado ulit ni Camila sa kanyang kaibigan para Di na ito mag alala pa.
Shawn: "ok camila pero simula ngayon, hatid sundo na kita!" Sabi ni Shawn habang seryoso ito sa kanyang sinabi. Nag aalala talaga siya kay Camila dahil baka balikan siya ng lalaking bumastos sa kanya.
Camila: " shawn? Ok lang ako! wag ka na mag alala pa! Masyado ka na naaabala. Salamat talaga sa lahat. Napakabuti mong kaibigan" Pagpapasalamat ni Camila kay Shawn sabay yakap dito.
Shawn: " Alam mong lahat gagawin ko para sayo dahil mahal kita!" Sabi ni Shawn kay Camila. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na sabihin ulit ang nararamdaman nito sa kanyang kaibigan.
Camila: "ok! Alam mo gabe na! Umuwi na tayo ha?kasi may klase pa ako bukas shawn" Paanyaya ni Camila kay Shawn. Tila iniiwasan lang ni Camila ang mga lumabas na salita sa bibig ng kanyang matalik na kaibigan.
Shawn: "Ok!" Tanging nasabi nito kay Camila habang malungkot ito. Alam na niya kasing iiwas na naman si Camila sa kanyang sinabi.

LOST LOVE (Camren ft. Jerrie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon