LOST LOVE
Chapter 2Makalipas ang dalawang taon ay marami na nga ang nagbago sa buhay ng mga bida lalong-lalo na sa kani-kanilang mga personal na buhay. Kahit marami na nga ang nagbago sa kanilang mga pamumuhay ay tila naging mas matatalik pa silang magkakaibigan. Kahit hindi sila ganung nagkikita dahil sa busyhan nilang lahat ay palagi pa rin silang nag co-communicate sa isat isa at nagkikita sa tuwing walang trabaho ang mga ito.
Shawn, isa na siyang manager sa dati niyang pinagtatrabahuan na restaurant. Tulad ng dati ay sobrang close parin sila nina Ally at Camila. Tulad pa rin ng dati? Umaasa pa rin siya na sana balang araw ay sila ang magkakatuluyan ni Camila.
Dinah&Normani, Si Normani ay engaged na siya sa kanyang matagal na boyfriend. Nagpatayo rin siya ng kanyang sariling gold business tulad ng business ng kanyang pamilya habang si Dinah naman ay siya na ang nagmamalakad ng kanilang family business na legal gun business. Di tulad ng kanyang ibang kaibigan na puro taken at masaya na sila sa kani-kanilang relasyon?. Si Dinah naman ay nag eenjoy single lang. Para kasi sa kanya ay walang seryoso sa pag ibig! Ika nga go with the flow lang siya sa kanyang buhay pag ibig.
Si Ally naman ay isa na siyang secretary sa isang kilala at malaking company sa bansa. Siya na ang present secretary ng kanyang kaibigan na Perrie sa kanyang opisina. Dahil sa pangarap niyang makapagtrabaho sa J' company noong bata pa siya ay nag apply nalang siya as secretary ni Perrie. Dahil sa matalik naman niyang kaibigan ang kanyang boss ay natanggap siya nito agad-agad bilang secretary.Tulad pa rin ng dati ay palatawa at palabiro pa rin siya sa lahat ng kanyang mga kaibigan.
Jade! Si Jade naman ay isa na siyang C.E.O ng kanilang mga private bank. Tulad pa rin ng dati ay sobrang tatag pa rin ng relasyon nila ni Lauren at mas pinatatag pa ito ng makasal na silang dalawa. Si Jade ang tipong hindi pa rin sa nagbabago sa lahat dahil sobrang bait at mapagmahal pa rin siya sa kanyang mga kaibigan,pamilya at lalong lalo na sa kanyang asawa.
Si Perrie naman ay isa na siyang Vice President ng kanilang company o ang tinatawag na J' company. Makalipas ang ilang taon ay mas tumatag din ang kanyang relasyon sa kanyang kasintahan na si Camila. Ika nga ang kulang na lang sa kanilang dalawa ay isang kasal.
Camila! Si camila naman ay isa na ngayong Head manager ng isang sikat na fast food chain. Kahit na ilang ulit na siyang niyaya ni Perrie na magtrabaho sa kanilang mismong company ay hindi ito pumayag. Para kasi sa kanya ay hindi porket kasintahan niya si Perrie? Ang pinakamayaman na tao sa bansang America at nagmamay-ari ng J'company ay papayag na siya basta basta mag work sa kanila. Siguro gusto lang niya magsariling sikap sa kanyang sariling kakayahan. Higit sa lahat ay para din makaiwas ito kay Lauren at tuluyan na siyang makamove on sa kanyang nakaraan at makalimutan din ang lahat sa kanila ng kanyang ex na si Lauren.
Lauren! Si Lauren naman ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang pag-uugali. Isa pa rin siyang mesteryoso,maangas at matapang na klaseng babae pero mapagmahal sa lahat ng mga malalapit sa kanyang buhay lalong-lalo na sa asawa niyang si Jade. Siya na ngayon ang itinalaga ng kanyang tatay bilang Isang President ng kanilang company at si Perrie naman ang kanyang Vice President. Tila inilagay siya ng kanilang tatay sa pwesto niya dahil nakikita niya ang magandang katangian nito bilang isang mahusay na leader.
Nagbago na nga ang mga personal nilang buhay. Saan kaya hahantong ang tadhana ng magkakaibigan sa bagong chapter ng kanilang buhay? Sinu-sino kaya ang bagong character na susubok sa kanilang katatagan? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang hinaharap?
Kaya ba nilang labanan ang tadhana na susubok sa kanilang kakayahan? Isang tadhana na naka-ukit na sa kanilang mga palad?
Kaya ba nilang ipaglaban ang taong mahal nila hanggang sa dulo ng walang hanggan?
Kaya ba nilang ipaglaban ang wagas na pagmamahalan sa isang nakatadhana na para sa walang hanggan na pag ibig?Abangan: Ngayong nasimula na ang bagong chapter ng kanilang buhay? Humanda kayo sa napakalaking twist ng story na ito na hinding hindi niyo malilimutan. Walang bibitiw!!!
Love you guys❤