Halos isang oras na rin ang lumipas ng makarating ang bangka na susundo kina Camila para bumalik sa kabilang isla. Habang nasa bangka sila para baybayin ang dagat papunta sa lugar na yon ay tila wala pa ring nagbago sa sitwasyon nina Camila at Lauren. Tulad pa rin ng dati ay laging iniiwasan ni Lauren si Camila habang si Camila naman ay hindi na niya sinusubukan na pansinin ulit si Lauren dahil alam niya na simula't una palang ay di rin naman ito papansinin si Camila.
Sa wakas makalipas ang 30minuto ang nakalipas ng makarating na rin ang mga ito sa may kabilang isla.
Ina: "kumusta mga iha? Nag enjoy ba kayo sa paglilibot sa isla?" Tanong ni Ina sa kanilang dalawa nang dumating na ang mga ito.
Camila: "opo Ina! Sobrang ganda po talaga dito sa isla niyo." Sabi ni Camila habang nakangiti ito sa kanya dahil sa kasayahan habang si Lauren naman ay walang imik.
Lauren: ( Habang nag uusap sina Camila at Ina ay hindi na ito nakihalobiro sa kanila pero nginitian nalang niya si Ina sa unang pagkakataon)
Ina: "oo nga pala dahil uuwi na kayo bukas? may inihanda ako sa inyo na simpleng salu-salo kasama ang mga kasamahan namin sa isla. Kaya doon na tayo dumiritso sa may bahay namin" Paanyaya ni Ina kina Camila. Tila may inihanda ito para sa kanila.
Toni: "oi nanay! Gusto ko po yan!" Sabi ni Toni habang nakangiti ito sa kanyang nanay.
Camila: "talaga po?? Ang saya naman niyan? Maraming salamat po talaga! Ang bait niyo po talaga sa amin!" Sabi ni Camila sabay yakap kay Ina at kay Toni dahil sa kabaitan na pinapakita nila sa kanya at kay Lauren.
Lauren: (Habang nagyayakapan sina Camila at Ina ay tumalikod nalang ito at nauna sa paglalakad)
Camila: "pasensya na po kayo sa kaibigan ko ha? Ganyan talaga yan pero mabait yan!" Paliwanag ni Camila sa kanila. Simula kasi ng dumating sila sa may isla ni Lauren ay hindi ito nakihalobiro sa mga Tao doon.
Ina: "naku iha? Wag ka mag alala. Ok lang yan, naiintindihan namin. Tara na!?" Sabi ni Ina kay Camila at tuluyan na nga ang mga ito na pumunta sa babay nina Ina.Sa labas ng bahay nina Ina ay doon nila inihanda ang isang malaking mesa kung saan doon nila inilapag ang mga pagkain na inihanda nila. Dahil sa di ganun karamihan ang mga tao sa islang yon ay masasabi kong kasyang kasya ang mga ito sa inihanda nilang pagsasalo sa may mahabang mesa.
Alas 4:30 na ng hapon nang mag umpisa pagsaluhan nina Camila,Lauren at mga kasamahan nila ang pagkain na hinanda nina Ina. Habang nagsasaluhan ang mga ito ay hindi maiwasan ng iba ang magbiro sa kanilang mga bisita. Habang kumakain ang lahat ay hindi maiwasan naman ni Camila na hindi niya pagmasdan si Lauren dahil alam niya na 1st time masubukan ni Lauren ang lahat na nangyayari sa kanya sa isla na ito tulad ng sumakay sa maliit na bangka, ang mangisda at gumawa ng daing. Ang maglakad ng pagkalayo-layo at tumira sa may maliit na bahay kubo. Alam naman natin kung gaano kayaman ang isang Lauren Jauregui kaya puro mansion at social na bagay lang ang alam nitong gawan. Kaya hindi maiwasan ni Camila ang mapangiti ito sa tuwing pinagmamasdan niya si Lauren sa mga sandaling yon.Di niya maiwasan talaga ang maging masaya kay Lauren dahil kahit na anak mayaman siya, kahit na siya ang taong kinatatakutan sa buong university nila ay marunong pala ito makisama sa mga pubring tao.
Toni: "ayan! Tumatawa na ang kaibigan mo! Akala ko kasi suplada talaga yan! Di namamansin haha" Biro ni Toni kay Camila habang pinagmamasdan si Lauren na nakikihalobiro sa iba na tumatawa.
Camila: ( napangiti nalang siya sa sinabi ni Toni sa kanya dahil totoo nga naman. Sa wakas nakihalobiro na siya sa mga Tao sa isla)Alas 5:30 na ng hapon nang matapos kumain sina Camila. Habang nakikipagkwentuhan ang mga ito sa kanilang kasamahan nang biglang dumating si Toni na may daladalang alak o ang tinatawag nilang lambanog sa probinsya. Ang alak na yari sa niyog.
Toni: "heto na!!!! Ang specialty namin dito sa isla! Walang ganito sa city kaya di pwedeng hindi niyo masubukan uminom nito!" Biro ni Toni habang dala niya ang 2 bote ng alak.
Ina: "naku Toni!! Ikaw ha? Papainumin mo sila baka malasing ang mga yan!" Babala ni Ina sa kanyang anak.
Toni: "ok lang yan nay!! Di naman palagi ito nangyayari kaya pagbigyan mo na kami" Biro ulit ni Toni sa kanyang Ina habang nakangiti.
Mga kaibigan ni Toni: "oo nga naman tita!! Minsan lang ito kaya Inuman na!!!!" Sigaw nila habang masaya ang mga ito.
Camila: "oh!? Sige bring it on!?" Biro ni Camila sa mga ito na Tila excited na rin ito sa kanilang inuman.
Lauren: ( Hindi na siya nagsalita pa pero kinuha nalang niya ang isang basong may laman na tagay at ininom niya ito ng isang iglap lang.)
Toni: "ganyan nga Lauren! Tagay pa!!Cheers!!" Sigaw nito sa kanilang mga kasamahan.
Camila: ( Nabigla siya nang makita niya si Lauren na ininuman niya agad agad at inubos ang isang tagay ng biglaan.)