Madaling araw na sa isang liblib na building na hindi ginagamit kung saan nila inideritso si Camila matapos nila itong kidnapin. Doon sa lugar na yon ay naghihintay rin si Ty sa pagtadating ng kanyang mga tauhan kasa-kasama si Camila.
Sa isang liblib at madilim na kwarto sa parti ng building..
Mark: "ito na po siya boss! Anong gagawin natin sa kanya.?" Tanong ni Mark habang nilalapag niya si Camila na walang malay habang nakatali ang mga paa at kamay nito.
Ty: "paggising niya! Patawagin niyo siya sa mga mahal niya sa buhay para hindi nila ito hanapin" idea ni Ty sa tauhan nito na si Mark.
Mark: "masusunod boss!"
Ty: "ikaw na bahala dito! Ipagkakatiwala ko sayo ang bagay na ito Mark kaya wag mo akong bibiguin!" Babala ni Ty sa kanyang pinagkakatiwalaan na tauhan.
Mark: "yes boss! Makakaasa ka!" Pangako ni Mark kay Ty bago umalis si ty ng tuluyan sa lugar na yon.Alas2:00 nang madaling araw ng magising si Camila. Habang unti unti niyang mimumulat ang kanyang mga mata ay narealized niya na nasa ibang lugar na pala ito. Nasa isang lugar siya na tila napakatahimik. Tinignan niya ang buong paligid ng makita niya na may mga lalaki pala siyang kasamahan sa buong paligid.
Camila: "sino kayo!??? Pakawalan niyo ako dito!!" Sabi ni Camila habang nagwawala ito sa pagkakatali nasa kamay at paa niya.
Mark: "gising kana pala! Wag kana kumawala sa katatali sayo dahil kahit anong gawin mo di ka rin makakaalis dito!" Sabi ni Mark kay Camila na naiiyak na sa kaba sa mga sandaling yon.
Camila: "mga hayop kayo!?? Ano ba kailangan niyo sa akin!!! Pakawalan niyo na ako dito!!!" Sigaw pa ni Camila habang kinakabahan ito sa posibleng mangyari sa kanya sa araw na ito.
Mark: "tumahimik ka nga!!!! Malaki!!! Malaki ang kailangan namin sayo!" Sabi ni Mark kay Camila habang seryoso ito.
Camila: "ano kailangan niyo sa akin!?? Pera!?? Wala kami nun!! Mahirap lang kami kaya nagkakamali kayo ng inyong kinidnap!" Sabi ni Camila habang naiiyak ito.
Mark: "Sayo wala!! Pero sa kilala mo! Malaki!" Sabi ni Mark. Matapos nilang mag usap ni Camila ay pinatawag niya ito sa kanyang mga kilala para hindi nila ito hanapin. Sinunod naman ito ni Camila dahil pinagbantaan ni Mark ang kanyang mga mahal sa buhay kapag hindi ito sumunod sa kanya.Alas 6:30 na ng umaga nang magising si Perrie. Una niyang tinignan ang kanyang phone ng may makita siyang 1 missed call at 1 message na galing sa kasintahan nitong si Camila.
Text from camila:
Camila: "Hi babe! Wag mo muna akong susunduin sa bahay dahil hindi muna ako papasok ngayon kasi sasamahan ko ang papa ko magpacheck up. Text you later. Love you hon." Sabi ni Camila sa kanyang text. Dahil sa nagtext si camila kay Perrie nang maaga pa? Ay hindi niya sinundo at dinisturbo si Camila sa pag aakala na totoo na ang tatay niya ang makakasama niya sa buong araw. Kaya nagtext nalang pabalik si Perrie sa kanyang kasintahan.
Text from Perrie:
Perrie: "Good morning hon! Ok hon ikaw bahala. Basta ingat kayo ni papa mo ha? I love you too." Sagot ni Perrie kay Camila.
Alas 2:00 na ng hapon sa bahay nina Lauren.
Dahil sa ayaw makita ni Lauren si Camila at iniiwasan niya ito dahil sa nangyari sa kanila kagabe. Nagpasya muna siya na wag na pumunta sa university at mamahinga nalang sa kanilang bahay. Kaya ang ginawa nalang ni Lauren ay pinapunta niya si Jade sa bahay nila para may makasama siya..
Sa sofa kung saan nakahiga silang dalawa habang nanunuod ng Netflix nang biglang mag ring ang phone ni Lauren. Dahil sa nasa drawer pa ito malapit sa kanyang kama ay bumangon muna ito at para k kunin ang kanyang phone. Nang makuha na niyang ito ay agad niya sinagot ang tumatawag sa kanya.
Lauren: ( nagtataka siya bago niyang sagutin ito dahil ang number na tumatawag sa kanya ay hindi ito nakaregistered sa kanyang phone)
Lauren: "hello?" Greet ni Lauren.
Mark: "Lauren Jauregui? Makinig kang mabuti? Hawak namin ang isa sa mga kaibigan mo kaya kailangan mong maghanda ng 100million dollar para kapalit niya!" Deritsong pagdedemand ni Mark sa kabilang linya.
Lauren: ( Nang marinig niya ang pinagsasabi ng lalaki sa kabilang area ay natawa nalang ito sa dahilan na baka pranker or loko-loko ang tumatawag sa kanya!)
Lauren: "nagpapatawa ka bang gago ka? 100million? Alam mo hindi ako nakikipaglukuhan sayo. Kung sino ka man itigil mo na ito bago pa kita ipahanap at ipakulong!" Sabi ni Lauren sabay off ng kanyang phone.