LOST LOVE 45

164 7 1
                                    

Habang nakatayo pa si Camila sa harapan ni Lauren na tila nawawala pa rin sa kanyang sarili sa mga pinanggagawa sa kanya ni Lauren  ay hindi pa rin niya alam kong anong sasabihin niya? Hindi niya alam kasi kung ano ba talaga ang ginagawa ni Lauren sa mga sandaling yon? Sinusubakan ba siya nito bilang isang kaibigan o bilang isang empleyado?

Lauren: "camila? Pwede ka na magsalita? Kanina ka pang ganyan?" Nakangiting sabi ni Lauren kay Camila na tila walang imik.
Camila: ( Hindi niya alam kung maiinis ba siya kay Lauren sa mga sandaling yon? o matutuwa dahil hindi niya mapagkaila sa kanyang sarili na gustong-gusto niya kapag sobrang magkalapit silang dalawa ni Lauren?)
Camila: "ok? Diba sabi ko sayo wag mo akong tawaging Camila sa trabaho?" Paalala ni Camila kay Lauren na nakangiti lang sa kanya.
Lauren: "come on Camila? Tayo lang naman dito sa opisina kaya ok lang yan? Hindi kasi ako sanay na empleyado lang ang turing ko sayo? Total kaibigan naman kita kaya ok lang!" Depensa pa ni Lauren kay Camila.
Camila: "pero.....!" Sabi ni Camila pero hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang putulin ito ni Lauren sa pagsasalita.
Lauren: "walang pero pero Camila! Tatawagin kita sa pangalan mo kung tayo lang magkasama ok? That's my order! I'm your boss!! So thats my order!" Paalala pa ni Lauren na tila naging seryoso.
Camila: "ok Lauren!" Tanging nasabi ni Camila ng marealized niya na ngayong nagtatrabaho na siya kina Lauren ay dapat lahat ng iutos niya sa kanya ay sundin niya ito dahil siya ang kanyang boss.
Lauren: " ok! So maghanda kana dahil ipapakilala na kita sa board of members maya-maya as Head of Communication. Maghanda kana!" Sabi ni Lauren kay Camila na nakatayo pa rin sa kanyang posisyon.
Camila: "ha? Ngayon na? Bakit agad agad naman?" Tanong ni Camila na nabigla sa naging desisyon ni Lauren na ipakilala siya sa mga members ng board sa unang araw niya sa company. Hindi niya kasi napaghandaan na ganito na pala ang aabutan niya sa araw na yon. Akala niya kasi isang interview lang ang gagawin niya ngayon kay Lauren.
Lauren: "Yes!" Pagtatapos ni Lauren ng kanilang usapan. Makalipas pa ang ilang minuto ay pinatawag na ulit ni Lauren ang secretary niya na si Ariana para ihanda ang conference area at ipatawag ang lahat ng Board of members o ang mga boss kasama na doon ang kasintahan ni camila na si Perrie.

Makalipas ang 30minuto  ng ipaalam na ni Ariana kay Lauren na handa na nga ang lahat ng board of members sa conference area at naghihintay nalang sila sa pagdating nilang dalawa.Habang naglalakad sina Lauren at Camila sa hallway ay tila sobrang kinakabahan siya sa pagharap niya sa mga boss ng J'company. Kahit kasi sa kanyang paniginip ay hindi niya pinangarap at naisip na mangyayari ito sa totoong buhay, ang maging parti siya ng napakalaking company sa buong bansang America.
Habang patuloy silang naglalakad na dalawa sa may hallway ng biglang napansin ni Lauren si Camila na tila kinakabahan ito ng sobra kaya hinawakan niya ito sa kamay.

Camila: ( Naramdaman niyang hinawakan siya ni Lauren sa kamay kaya sobrang nagulat ito. Hindi niya alam kung iiwas siya sa holding hands ni Lauren o hahayaan niya nalang dahil sa totoo lang mas kinabahan pa siya sa hawak ni Lauren sa sandaling yon kaysa pagharap niya sa mga boss sa company)
Lauren: ( tumingin na lang ito kay Camila at ngumiti habang hawak hawak niya ang mga kamay niya)
Camila: ( ngumiti nalang siya kay Lauren at hinayaan niya nalang ang mga kamay ni Lauren sa kanyang mga kamay. Medyo mali man pero bahala na? Yan ang nasa isip ni Camila, total wala namang tao sa hallway kundi sila lang dalawa.)

Lauren: "its ok Camila? Gusto kong wag kang kabahan!" Sabi ni Lauren na nakangiti habang hawak pa rin niya ang kamay ni Camila sa mga sandaling yon.
Camila: "ok!" Sabi ni Camila pero deep inside sa kanyang sarili ay totoo naman, nawala ang kaba niya ng magkahawak  na sila ng kamay na dalawa. Parang ang mga kamay kasi ni Lauren ay may kung ano sa kanya na isang hawak lang niya kay Camila ay napapainahon na siya o napapawi na ang kanyang kaba sa oras na yon.
Lauren: "ready?" Tanong ni Lauren ng makarating na sila sa pinto ng conference area.
Camila: "yes!" Sagot ni Camila.
Lauren: ( Agad niyang binitawan ang mga kamay ni Camila bago sila pumasok sa loob ng conference area kung saan sila lang ang hinihintay ng buong board of members.
Ilang segundo pa ay nasa loob na silang dalawa. Habang papasok si Camila ay una niyang napansin ang kasintahan niyang si Perrie na naka upo sa may mahabang mesa kasama ang ibang mga boss sa company nila. Agad pinapunta muna ni Ariana si Camila sa may front area habang nagtayuan ang lahat ng mga board of members para sa respeto sa pagdating ng kanilang presidente na si Lauren.
Habang nakatayo pa si Camila sa may front area ay nakatingin sa kanya si Perrie na nakangiti. Gusto sana siya puntahan ni Perrie para yakapin ito at batiin pero hindi niya ito ginawa para sa pagiging professionalism niya sa kanyang trabaho.
Pagkatapos magsiupuan ang lahat ay pinakilala na ni Ariana si Camila sa lahat ng board of members nila bilang bagong head of communication. Hindi naging madali kay Camila ang lahat sa mga oras na yon kasi ginisa muna siya ng ibat ibang tanong galing sa mga board of members. Dahil sa matalino naman si Camila ay hindi siya ganun nahirapan na sagutin ang lahat ng mga tanong nila.
Habang nagsasalita siya sa harapan nilang lahat ay nadadaanan ng kanyang mga mata sina Lauren at Perrie na seryosong seryoso na nakatingin sa kanya at nakikinig. Kaya minsan nakakaramdam siya ng wierd na feelings sa kanilang dalawa. Hindi siya kasi sanay na nagsasalita siya about trabaho na nasa harapan niya ang kanyang kasintahan  at ex niya na si Lauren. Di lang yon? Mga boss pa niya sa trabaho ang dalawa.
Makalipas pa ang 30minuto na pagtatanong ng lahat sa kanya ay natapos na rin ang meeting na yon. Finally!.

Lauren: "ok! That's it everyone. Have a nice day!" Pagtatapos ni Lauren sa lahat ng andun. Agad naman nagsitayuan ang lahat at nakipagkamay kay Camila bilang welcome sa kanya sa kanyang bagong posisyon. Pagkatapos nilang makipagkamay ay nagsilabasan na silang lahat para bumalik sa kani-kanilang  trabaho at naiwan nalang sa area na yon ay sina Lauren , Camila at Perrie.

Perrie: ( agad itong lumapit kay Camila. Niyakap niya ito at hinalikan sa may pisngi na tila proud na proud sa kanyang girlfriend)
Perrie: "hon? Im so proud of you! Congratulation hon!" Greet ni Perrie habang yakap yakap niya si Camila.
Lauren: ( Nasa tabi lang nila ito habang pinagmamasdan niyang magkayakap sina Perrie at Camila. Ayaw man niyang isipin pero tila may selos siyang nararamdaman sa dalawang magkasintahan)
Camila: "salamat hon!!" Sabi ni Camila habang nakayakap siya kay Perrie pero ang mga mata niya ay nakatingin kay Lauren na nakatingin din sa kanila. Hindi niya alam kung bakit? Pero tila nakakaramdam siya ng pakiramdam na ayaw niyang kayakap si Perrie sa tuwing nasa tabi nila si Lauren.
Perrie: "oh? Hahaha napasobra ata yakap ko sayo miss Cabello? Andito pala ang president natin?" Biro pa ni Perrie kay Camila at sa kapatid niyang si Lauren.
Lauren: "kinda Perrie! So congratulation miss Cabello? Si ariana na ang bahala sayo. Siya na mag ga-guide sayo sa iyong opisina!" Sabi ni Lauren sabay hakbang patalikod para umalis ng tuloyan. Makalipas nga ang ilang minuto ay umalis na siya ng tuluyan sa tabi nina Perrie at Camila. Wala nang nagawa si Camila kundi yakapin uli ang kasintahan niyang si Perrie habang pinagmamasdan si Lauren na papalayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOST LOVE (Camren ft. Jerrie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon