Alas 6:30 na ng umaga nang maunang gumising si Perrie at maisipan niyang pumunta sa tabing dagat habang tulog pa si Camila. Pumunta siya sa tabing dagat para mag isip-isip muna tungkol sa nangyari sa kanila ni Camila kagabe. Kahit hindi man niya aminin sa kanyang sarili ay nasaktan siya at dinibdib niya talaga ang nangyari sa kanila ng kanyang kasintahan tungkol kagabe. Siguro iniisip niya na baka mali naman siya talaga dahil naging sobrang agresibo siya? O di kaya baka nag expect lang siya na mahal siya ni Camila ng sobra kaya pwede niya gawin ang lahat pero mali pala siya dahil may limitasyon pala ang pagmamahal sa kanya ng kanyang kasintahan.Habang tinatanaw ni Perrie ang buong karagatan at nag iisip nang malalim ng biglang dumating sa likod niya si Jade na hindi niya namamalayan.
Jade: "perrie?!"
Perrie: "Jade? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Perrie matapos siyang lumingon sa kanyang likod.
Jade: "ahm? Hindi kaya ako ang dapat magtanong niyan? Ang layo ata ng iniisip mo?" Curious na tanong ni Jade kay Perrie ng makita niyang sobrang lalim ng iniisip ng kanyang kaibigan.
Perrie: "wala naman! Nagpapahangin lang ako? Medyo may hang over kasi ako kagabe?" pagsisinungaling ni Perrie kay Jade kahit di naman yon ang totoong dahilan.
Jade: "aw! Kaya nga! So where's Camila?"
Perrie: "ah! Tulog pa siya? So ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong din ni Perrie kay Jade ng makita niyang nag iisa lang siya.
Jade: " nag jogging lang ako!! nagising ako ng maaga kaya naisipan ko nalang na mag jogging muna habang tulog pa si Lauren!" Sagot ni Jade habang nakangiti ito.
Perrie:"ok!" Tanging nasabi ni Perrie kay Jade.
Jade: "gusto mo bang samahan kita muna dito." Tanong ni Jade kay Perrie. Nararamdaman niya kasi na baka kailangan ng kasama ni Perrie sa mga oras na yon.
Perrie: " gusto ko yan Jade! salamat!" Sagot ni Perrie kay Jade dahil deep inside totoo nga naman na gusto niya ng may makasama at gusto talaga niyang makasama si Jade mag isa. Matapos manatili ni Jade kay Perrie muna sa umagang yon ay nagpasya nalang silang umupo sa buhangin para magkuwentuhan muna about sa kanilang mga buhay-buhay.Perrie: "ang ganda ng sunrise no? Nakakawala ng stress?" Sabi ni Perrie habang nakatanaw siya sa araw.
Jade: "oo nga!! Sobrang romantic!?" Tanging nasabi ni Jade dahil totoo nga naman na sobrang romantic ng buong kapaligiran dahil sa sunrise.Perrie: ( hindi na siya nagsalita muna pero napalingon siya kay Jade. Dahil sa sobrang ganda ni Jade sa umagang yon ay napasabi nalang siya ng "Yeah romantic!" Habang nakatitig siya kay Jade)
Jade: ( agad niyang napansin si Perrie na nakatitig sa kanya kaya nakaramdam naman siya ng wierd na feelings! Feelings na hindi niya maipaliwanag pero matagal na niyang nararamdaman kay Perrie)Perrie&jade: ( dahil sa sobrang bilis ng mga segundo sa mga sandaling yon ay hindi nila namalayan na nagkatitigan na pala sila sa kanilang mga mata. Habang nilalamun na sila ng kanilang mga emotion ay unti unti na palang nagkakalapit ang kanilang mga mukha. Tila isang lapit pa ay magkakalikan na ang dalawa ng biglang dumating si Camila)
Camila: "hon!??"
Perrie&jade: ( dahil narinig nila ang boses ni Camila ay bigla silang natauhan at lumayo sina Jade at Perrie sa isat isa)
Perrie: "oh hi hon?! Kanina kapa?" Tanong ni Perrie na tila kinakabahan kong nakita ba ni Camila ang pagkakalapit nila ni Jade na parang muntikan na silang magkalikan.Camila: "hindi naman? Bago lang ako dumating? Hinanap kasi kita nang magising ako pero wala ka sa tabi ko?" Paliwanag ni Camila sa kanyang kasintahan.
Jade: "aw? Sorry kung hindi siya nakabalik agad Camila. Nawili akong makipagkuwentuhan kay Perrie?" Paghingi ng apologize ni Jade kay Camila habang may halong kaba ito at ilang sa mga sandaling yon.
Camila: "its ok Jade! Mabuti nga may kasama si Perrie dito!" Sabi nito habang nakangiti sa dalawa na tila walang kaidea-idea sa muntikan ng mangyari sa dalawa.
Jade: "so mauna muna ako sa inyo guys? Baka kasi nagising na rin si Lauren at hanapin din niya ako? See you later?" Pagpapaalam ni Jade kina Perrie. Habang pabalik na si Jade sa room nila ni Lauren ay hindi niya maiwasan isipin ang muntikan na nilang halikan ni Perrie at ang kanilang mga titigan. Inisip nalang ni Jade na walang anumang ibigsabihin ang mga yon. Kaya kinalimutan nalang niya ito agad agad alang alang sa pagkakaibigan nila at sa nalalapit niyang kasal kay Lauren.