Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin nagpapakita si Lauren sa klase nila ni Camila at kahit sa buong J-university. Kahit na palaging nagkikita sina Camila at Perrie ay hindi pa rin sinubukan ni Camila na tanungin ang kanyangkapatid na si Perrie. Siguro dahil alam niyang hindi naman close ang magkapatid? O di kaya ayaw lang talaga niyang mag open up ng kahit ano man kay Perrie patungkol sa kapatid nito.
Sa isang park sa university habang nakaupo sina Ally at Camila na nag aaral.
Ally: "ano bang nangyari kay Lauren? Di ko na siya nakikita simula nang pumunta kayo sa isla!?" Curious na tanong ni Ally sa kanyang kaibigan.Simula kasi noong bumalik sila ni Camila galing sa may isla ay hindi p nagpapakita sa Lauren sa buong university.
Camila: "ewan ko?" Sagot nito sa kanyang kaibigan kahit may idea siya kung bakit hindi pumapasok si Lauren sa kanilang klase.
Ally: "naku Camila! Ayan ka na naman? Pinaglilihiman mo na naman ako?obvious naman na alam ko na yang itinatago mo?" Sabi ni Ally habang naka question look siya dito.
Camila: "wala nga!" Sabi ulit ni Camila na Tila walang planong magshare ng kanyang nalalaman.
Ally: "baka nakalimutan mo?kaibigan mo ako simula pa noong bata pa tayo hanggang sa makilala mo si Lauren, kaya alam na alam ko ang story ng buhay niyo." Sabi ni Ally sa kanyang kaibigan habang nagpupumilit itong malaman ang tinatago ni Camila.
Camila: "oo na! Nag aalala lang ako sa kanya dahil bago kami magkahiwalay pabalik dito sa city ay may bali ang paa niya!" Pagkukwento ni Camila habang malungkot ito.
Ally: "ha? Bakit?" Tanong nito habang worry din siya kahit papaano sa kanyang ex na kaibigan.
Camila: ( dahil sa matalik naman niyang kaibigan si Ally simula noong bata pa sila ay ikinuwento na niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Lauren sa may isla maliban sa kanilang pagtatalik)
Ally: "aww? Alam mo kahit nag iba na ugali niya? Alam ko mabait pa rin naman siya! Sana maging ok na siya. Bakit hindi mo nalang tanungin si Perrie kung kumusta na siya? Sa ganun di kana nag aalala pa sa kanya!" Advice ni Ally sa kanyang kaibigan. Tama nga naman siya dahil kung gustong malaman ni Camila kung ano na ang kalagayan ni Lauren ay si Perrie lang ang isa sa mga nakakaalam dito?
Camila: "wag! Hayaan muna!" Sabi ni Camila habang seryoso ito.
Ally: "ok! Wag ka na mag alala sa kanya!for sure marami ang nagaalaga sa kany at Papasok din yon!" Sabi ni Ally sa kanyang kaibigan para hindi na ito mag alala kay Lauren.Alas 8:00 na ng gabe habang papapunta si Jade sa bahay nina Lauren para dalawin ito at doon na rin matulog para alagaan ang kanyang kasintahan.
Habang binabiyahe niya ang daan papunta sa bahay nina Lauren nang biglang namatay ang kanyang sasakyan sa may kalsada. Dahil sa private area o tanging mayayaman lang ang nakatira doon sa lugar na ito ay masasabi kong minsan lang may sasakyan na dumaan sa kalyeng ito.Jade: "oh shit!!!! Ngayon kapa talaga nagloko?"Sabi ni Jade sa kanyang sasakyan habang sinusubukan niyang paandarin ito.
Ilang minuto pa rin ang lumipas pero pilit pa niya itong pinapaandar pero hindi talaga umaandar kaya tumawag nalang ito kay Lauren para magpasaklolo pero di ito sumasagot.. Marahil baka nagpapahinga na ito o do Kaya may ginagawa? Dahil sa hindi makontak si Lauren ay tumawag siya sa iba niyang kakilala pero tila baka mga busy din ang mga ito. Kaya ang ginawa nalang ni Jade ay lumabas nalang siya para subukan tignan ang sira ng kanyang sasakyan.Jade: "Hayyyyyy naman! Bakit ano bang nangyari sayo? Wala akong alam magmekaniko!" Sabi ni Jade habang naiinis ito sa kanyang sitwasyon. Habang tinitignan ni Jade ang sasakyan niya nang biglang may dumaan sa kanya na isang sasakyan at nag parking ito sa may harapan ng di kalayuan sa kanyang sasakyan.
Perrie: "excuse me? May problema ba?" Tanong ni Perrie sa nakatalikod na si Jade.
Jade: ( agad itong lumingon sa babaeng nagtatanong sa kanya)
Perrie: "Jade?" sabi nito ng makita niya na si Jade pala ang babaeng nasiraan ng kotse sa may kalye.
Jade: "Perrie?" Sabi niya ng marecognized niyang si Perrie pala ang nagmamay ari ng sasakyan na pumarada sa kanyang harapan.
Perrie: "oh hi? Nasiraan ka ba?" Tanong ni Perrie habang nakangiti ito.
Jade: "oo eh! Wala naman akong alam sa sasakyan maliban sa magmaneho nito haha" Pagbibiro ni Jade sa gabeng yon dahil totoo nga naman na wala siyang kaaalam-alam magmekaniko ng sasakyan.
Perrie: "oh wow!?? Patingin nga?" Sabi ni Perrie sabay tingin sa sasakyan ni Jade kung anong sira nito?)
Perrie: "well nasira ata ang battery mo kaya namatayan ka ng sasakyan! Sa bahay ba ang punta mo?" Tanong ni Perrie sa kanyang bagong kaibigan.
Jade: "oo sa inyo! Dadalawin ko ang kapatid mo! ngayon lang kasi ako nagka freetime sa school" paliwanag ni Jade .
Perrie: "ok so! Sabay ka nalang sa akin? Kasi doon naman punta ang ko! iwan mo muna car mo dito at ipapakuha ko nalang sa mga driver sa bahay.". Idea ni Perrie.
Jade: " Ok! Good idea!" Sabi ni Jade kay Perrie at sa ilang minuto pa ay pumunta na nga sila sa sasakyan ni Perrie para makauwi na rin.