Camren Love Story.
LOST LOVE pt.18Habang nasa hospital pa si Camila na namamahinga ay biglang dumating ang kanyang kaibigan na si Ally.
Ally: "omg girl! Anong nangyari sayo? Bakit hindi mo ako sinabihan na kagabe ka na
pala nasa hospital?" Tanong ni Ally sa kanyang kaibigan habang nag aalala ito ng sobra sa nangyari kay Camila.
Camila: "ok lang ako! Gusto ko na ngang umuwi pero mamaya pa daw? Hihintayin ko pa ang releasing ng doctor ko?" Paliwanag ni Camila na tila wala siyang balak sabihin sa kaibigan niya ang totoong nangyari sa kanya. Siguro dahil ayaw lang niya na mag alala ito.
Ally: "btw tinawagan ko nga pala si Perrie!" Sabi ni Ally.
Camila: "ano!??" Tanong ni Camila na tila nabigla ito sa ginawa ng kanyang kaibigan. Ayaw naman kasi nito sana sabihin sa kasintahan.
Ally: "oo! Akala ko kasi alam na niya eh?" Sagot nito sa kanyang kaibigan
Camila: "Hindi ko sinabi!" Sabi ni Camila habang malungkot ito. Plano niya pala na wag na ipaalam kay Perrie na nasa hospital siya.
Ally: "aw!! Sorry Camila! Akala ko kasi alam niya." Paghingi ng paumanhin ni Ally.Habang nagkukuwentuhan sina Ally at Camila ng biglang dumating si Perrie na sobrang nag aalala at nagmamadali.
Perrie: ( Hindi muna ito nagsalita instead niyakap niya si Camila ng mahigit na mahigpit)
Perrie: "hi hon! Anong nangyari sayo?Bakit di mo ako tenext o tinawagan na ikaw na pala ang nasa hospital?Hindi ang papa mo?sana nasamahan man lang kita!" Tanong ni Perrie na sobrang worry sa kanyang kasintahan.
Camila: "ok lang ako hon! Sorry hindi ko sinabi dahil ayaw kong mag alala ka pa sa akin!" Paliwanag ni Camila sa kanyang mabuting kaibigan.
Perrie: "hon? Baka nakalimutan mo? Girlfriend kita at may karapatan na akong malaman ang lahat ng nangyayari sa sayo!" Depensa ni Perrie na tila nagtatampo ito sa kanyang kasintahan.
Ally: "tama!!" Sabi ni Ally na nakangiti.
Camila: "sus!!!! Nagagalit na honey ko! Wag kana magalit hon! Ayaw lang talaga kita mag alala at maabala pa? Yon lang!" Depensa nito kay Perrie na Tila nagtatampo na nga sa kanya.Perrie: ( Hindi pa rin ito nagsalita dahil nagtatampo ito)
Camila: "ok sige!! Simula ngayon hon hindi na ako magsesekreto pa sayo? Promise! Kaya wag kana magtampo?" Pangako ni Camila kay Perrie.
Perrie: "talaga?!" Tanong nito habang nakatingin siya sa kanya ng seryoso.
Camila: "oo!"
Perrie: "sige nga! Kiss mo ako sa lips kung totoo yang sinasabi mo?" Demand ni Perrie habang nakangiti ito.
Camila: ( napatingin siya kay Ally na natatawa sa kasweetan ng dalawa )Ally: "oh.?? Dont tell me papaalisin mo ako dahil lang sa isang kiss? Naku Camila!!! Hiya-hiya kapa! i-kiss mo na! Pipikit ako haha!" Biro ni Ally kay Camila habang nakangiti ito.
Perrie: "im waiting!" Sabi nito ulit habang tinuturo niya ang kanyang labi.
Camila: ( Dahil sa naghihintay si Perrie sa halik niya sa mga sandaling yon ay agad niyang hinalikan si Perrie ng mabilis sa may labi)
Ally: " yon oh!" Sabi ni Ally na tumatawa.
Perrie: "hon? Yon lang?" Tanong ni Perrie habang nakangiti.
Camila: "yon lang hon! Sa ngayon?" Sabi ni Camila habang yakap yakap siya ni Perrie.
Ally:"wag ka mag alala Perrie bibigay din yan hahaha" pagbibiro ni Ally sabay kindat kay Perrie.Samantala sa labas ng pintuan kung saan nahospital si Camila ay andun pala si Lauren na pinagmamasdan sina Ally , Camila at Perrie na nagtatawanan.
Habang pinagmamasdan ni Lauren sina Camila at Perrie na masaya ay nakakaradam siya ng selos sa mga ito. Naiisip niya minsan na sana siya ang kasa-kasama nila at hindi ang kanyang kapatid.
Ayaw man niya aminin sa kanyang sarili pero sa tuwing nakikita niya sila ay nasasaktan ito pero ok lang sa kanya basta't makita lang niya si Camila na masaya ito ay masaya din siya.
Habang pinagmamasdan niya sila na nagbibiruan ng biglang dumating ang isang d
Doctor na nag asikaso kay Camila.Doctor: "miss Jauregui? Anong ginagawa mo dito sa labas? Bakit hindi ka pumasok sa kanila?Tanong ng Doctor kay Lauren ng maabutan niya sa labas ng pinto.
Lauren: " wag na po Docc! Btw Doc ang pinag usapan natin. Wag na wag mong kalimutan? Wag na wag mong sabihin sa kanya na ako ang nagdala sa kanya dito sa hospital " Paalala ni Lauren sa Doctor na umasikaso kay Camila.
Doctor: "dont worry Lauren! Walang makakaalam." Pangako ng Doctor kay Lauren. Matapos silang mag usap ay ng masinsinan ay umalis din ng tuluyan si Lauren sa lugar na yon.