LOST LOVE 44

49 6 0
                                    

Alas 6:00 na nang umaga ng magising si camila ng maaga. Bumangon siya ng maaga dahil ayaw niyang malate sa  kanyang 1st interview sa president ng J'Company na si Lauren Jauregui. Ang kanyang ex, kaibigan at ang kanyang boss. Ayaw niyang malate ito dahil alam niyang kahit magkakilala silang dalawa,kahit na kapatid pa siya ng kanyang kasintahan  at kahit magkaibigan pa silang dalawa sa labas ng trabaho ay hindi niya gustong magkaroon siya ng special treatment galing sa mga boss niya. Pagkatapos niya maligo at kumain ng konte ay agad siyang nagbihis. Medyo nahirapan pa siya sa kanyang susuotin dahil gusto niyang maging presentable sa unang paghaharap nila ni Lauren sa company nila o sa kanyang interview sa kanya kaya pinili niya ang makakabagay talaga sa kanyang damit. Simple pero magandang tignan. Gusto niya kasi maging maganda sa paningin ni Lauren. Siguro?

Alas 7:30 na ng umalis si Camila sa kanilang bahay papunta sa company nina Lauren.

Alas 8:20 na nang dumating ito sa main company nina Lauren. Habang papasok siya sa main gate ng kanilang building ay napatingala siya sa building nina Lauren dahil sobrang ganda ng structure nito at ang taas pa ng mga palapag nito na nasa 60floor, kaya napa wow nalang si Camila sa laki at taas ng building pala nina Lauren at ang kanyang kasintahan.

Kahit naging mag ex sila ni Lauren at kasintahan pa niya si Perrie  ay never pa siya nakapunta dito, ang nakikita lang niya ay ang mga branch ng building nila na nakikita sa buong city.
Nakapasok na nga si Camila sa loob ng building nang mas lalo siyang nabighani sa ganda ng loob nito? Napakalawak ng mga hallway at napakaganda ng paligid nito. Agad pumunta si Camila sa elevator para umakyat  sa may opisina mismo ni Lauren na nasa 7floor.

Sa wakas nakarating na siya sa may pinto ng opisina ni Lauren kung saan napansin niya ang isang secretary na nakaupo sa labas ng pinto ng opisina ni Lauren bago ka pumasok dito.

Camila: ( hmm? Siguro secretary niya ito? Ang ganda naman niya? Tanong ni Camila sa kanyang sarili dahil sobrang ganda naman talaga ng Secretary ni Lauren at sexy pa kaya medyo wierd man sabihin? Medyo nagseselos siya ata?Siguro? o napapaisip siya kung nasesexyhan din ba si Lauren kay Ariana?

Ariana: "excuse me? Are you Camila Cabello?" Nakangiting tanong ni Ariana kay Camila na nakatayo sa harapan niya.
Camila: "oh good morning Mam? Opo ako po si Camila Cabello" Sagot ni Camila na nakangiti pero deep inside tinititigan niya talaga si Ariana dahil ang sexy nito. Napaisip siya tuloy kung nasesexyhan din ang kanyang boss sa kanya? Paulit-ulit na tanong ni Camila sa kanyang isipan?
Camila: ( ang ganda naman niya. )
Ariana": "ok mam Cabello? Come with me?' Invite ni ariana sabay tayo ito sa kanyang upuan at pinasama niya sa loob ng opisina ni Lauren na naghihintay na pala doon.
Ariana: " mam Jauregui? Andito na po siya?" Sabi ni Ariana sabay talikod at umalis din ito agad.
Camila: ( naiwan lang siyang nakatayo sa harap ng mesa ni Lauren habang si Lauren naman ay nakaupo sa upuan ng mesa niya na nakatalikod na pinagmamasdan ang buong paligid sa labas ng kanilang building dahil crystal glass ang kanyang buong opisina)
Camila: "good morning mam Lauren?" Greet ni Camila na tila hindi  pa siya linilingon ni Lauren.
Camila: ( hayy bakit kaya ayaw ako lingunin nito?? Kainis!! Gusto niya bang puntahan ko pa siya sa harapan niya? O baka iniisip niya ang last meet namin. Ang sobrang lasing ako? Kainis!)
Camila: "ehem Good morning mam Lauren? Andito na po ako?" Paulit na greet ni Camila sa walang imik na si Lauren.
Lauren: "Napakaganda ng paligid?' Tanging sinabi ni Lauren habang patuloy niyang pinagmanasdan ang labas ng buong building.
Camila: " po mam Lauren?' Curious na tanong ni Camila.
Lauren: ( agad itong lumingon o humarap kay Camila habang nasa upuan pa niya, at tinitigan niya si Camila mula ulo hanggang paa sa mga sandaling yon)
Camila: ( ngumiti ito kay Lauren pero sobrang nagulat siya o sabihin nating nabighani ito sa kagandahan ni Lauren sa mga sandaling yon. Para siyang reyna na naka upo s kanyang torno. Ang kanyang mga titig ay nakakatunaw na naman na tila hindi na nakakahinga si Camila sa kinatatayuan niya sa tuwing nakikita niya ang mga green eyes nito)
Lauren: "do you know miss Cabello na late kana? Ang usapan dito ay 8:00am andito kana? Bakit 8:45 na ng makarating ka dito? Ayaw ko ng late?" Sabi ni Lauren na tila seryoso at nakatitig pa rin siya kay Camila na nakakatunaw.
Camila: "ahm im sorry mam Lauren! Kasi po? Natraffic ako then napakalaki pala ng building niyo?" Depensa pa ni Camila na nakatulala kay Lauren.
Lauren: "ok? Now! ayaw ko na magsayang ng oras! Didiretsuhin na kita, bakit sa tingin mo dapat kita ilagay sa posisyon na inaapplyan mo?" Tanong pa ni Lauren na seryoso pa rin.
Camila: "Dahil kaya ko ang trabahong inaalok niyo sa akin!" Simpleng sagot ni Camila kay lauren.

Lauren: ( agad itong tumayo at humakbang papalapit kay Camila na nakatayo pa rin. Muli  niyang tinitigan si Camila ulit ng parang nang aakit. Muli pa siyang humakbang papalapit kay Camila at binulongan niya ito ng "sa tingin mo kaya mo?")

Camila: ( hindi na ito makapagsalita dahil naramdaman niya ang hangin na galing sa bibig ni Lauren sa kanyang taenga papunta sa kanyang leeg kaya kinabahan na siya. Ang mga tuhod niya ay naglalambot sa ginagawa ni Lauren sa mga sandaling yon. Tila isang lapit pa ni Lauren ay baka dumampi na ang kanyang labi sa kanyang taenga.

Camila: " opo? Kaya ko mam Jauregui!" Sabi ni Camila na nakatulala pa rin.
Dahil sa bulong ni Lauren sa kanyang may taenga ng sobrang lapit ay nag iba na ang pakiramdam nito sa mga sandaling yon. Kaya tila tulad ng dati? sobrang bumibilis na naman ang tibok ng kanyang puso.
Lauren: "talaga? Kaya mo?" Tanong ulit ni Lauren pero sa pagkakataon na ito ay nasa likuran naman siya ni Camila na nakatayo.
Camila: ( hindi na siya makapagsalita pa. Para kasing nawawala na naman siya sa kanyang sarili. Gusto niyang lumingon kay Lauren at tanongin ito sana ng "ano ba gusto mo?" Kaso hindi niya magawa dahil hindi naman pwede )
Lauren: ( Pumunta siya sa harapan ni Camila at tinitigan niya si Camila sa may dibdib sabay hawak sa may collar ng damit nito sabay ayos).
Camila: ( napalunok nalang siya ng kanyang laway dahil parang hindi na niya ata kaya pa ang mga ginagawa ni Lauren sa mga oras na yon)

Lauren: " huminga ka miss Cabello. Baka mawalan kana ng malay!" Sabi ni Lauren na napapangiti sa kanya sabay talikod at bumalik  sa kanyang upuan.

Camila: ( huminga siya ng malalim dahil sa wakas lumayo na si Lauren sa kanya dahil sa totoo lang ay parang mahihimatay na siya sa mga oras na yon.
Kaya  Napaisip siya tuloy. "Sinusubukan niya ba ako bilang isang kaibigan o empleyado? Ano ba ang trip nito? Sana delusional lang ako at di totoo ang nasa isip ko?")

LOST LOVE (Camren ft. Jerrie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon