Isang buwan nalang ang bibilangin bago ang graduation ng J-UNIVERSITY at kahit si Jade din nasa ibang paaralan. Sa halos 2 buwan naang lumipas ay tila balik normal na ang buhay nilang lahat. Si Shawn na lagi pa rin itong pumupunta kina Camila sa tuwing wala siyang pasok sa kanyang trabaho. Si Perrie na lagi pa ring hatid sundo sina Ally at Camila sa tuwing hindi ito busy sa kanyang mga gawain at minsan namamasyal din silang tatlo kapag may freetime Si lang lahat. Si Lauren at Jade naman ay tila mas tumatatag pa rin ang kanilang relasyon. Higit sa lahat balik na rin sa normal ang sitwasyon nina Camila at Lauren. Ang hindi nagpapansinan sa isat-isa na parang hindi magkakilala.
Kahit mahirap kay Camila ang kalimutan niya si Lauren ng tuloyan ay sinubakan niya ito para sa ikakabuti nilang lahat.Alas 7:00 na ng gabe sa pinagtatrabahuan ni Camila nang pumasok si Jade para umorder ng pagkain para dalhin kay Lauren sa kanilang bahay.
Camila: "hi mam! Good evening!" Greet ni Camila na nakangiti sa costumer nilang si Jade. Kahit kinakabahan siya sa mga oras na yon dahil baka kasama ni Jade si Lauren sa mga oras na yon. Tila ayaw makita kasi ni Camila si Lauren. Ang makita ito na kasama naman niya kanyang ang girlfriend. Dahil sa totoo lang ay ay iwasan man ni Camila ang ayaw makaramdam ng selos ay hindi niya magawa dahil mahal pa rin niya si Lauren hanggang ngayon.
Jade: "Hi? Good evening too miss Camila?" Greet ni Jade na nakangiti rin ito sa kanya.
Camila: ( bigla siyang nagulat na tinawag ni Jade ang pangalan niya. Biglang pumasok sa isip niya na baka alam na niya ang nakaraan nila ni Lauren kaya siya kilala nito)
Camila: "kilala mo ako Mam?" Tanong ni Camila habang kinakabahan ito.
Jade: "ahh!? Familiar ka sa akin?But yung name mo nakasulat sa uniform mo!" Sabi ni Jade sabay turo sa uniform ni Camila kung saan nakasulat ang name nito.
Camila: ("naku camila? Ayan ka na naman?kung anu anong naiisip mo?")
Camila: "oh hahaha ok!" Tanging nasabi ni Camila na tila napahiya nalang sa kanyang sinabi.Matapos maka order ng food si Jade sa pinagtatrabahuan ni Camila ay umalis din ito para umuwi. Dahil sa nagmamadali ito?hindi niya alam na naiwan niya pala ang kanyang phone sa may counter. Habang nakatayo si Camila sa hindi kalayuan sa may counter ay nakita niya agad ang phone ni Jade. Nang makita ni Camila ang phone ni Jade na naiwan ay kinuha niya ito at inihabol niya ito kay Jade sa may labas ng bahay.
Camila: "jade?..............!" Sigaw ni Camila habang papasakay na sana ito sa kanyang sasakyan.
Jade: ( agad ito napalingon kay Camila habang inihahabol niys ito habang hawak hawak ang phone niya)
Camila: "oh sorry Mam! Naiwan mo kasi ang phone mo!" Sabi ni Camila sabay abot ng cp nito.
Jade: "oh salamat! Ang bait mo pala. Sobrang honest mo Camila!" Compliment ni Jade kay Camila ng ibigay niya ang phone nito.
Camila: "walang anuman Mam! Parti po yan ng trabaho namin ang ibalik ang naiiwan na mga gamit sa restaurant" paliwanag ni Camila kay Jade habang nakangiti.
Jade: "btw? Tinawag mo ba ako sa name ko kanina?" Nagtatakang tanong ni Jade ng marinig niyang tinawag siya ni Camila ng kanyang pangalan. Dahil sa kung di siya nagkakamali ay hindi siya nagpakilala kay Camila. Never!
Camila: ( ohhh shit!?? Tinawag ko ba siya sa pangalan niya? Naku po paano ko ito lulusutan? Tanong ni Camila sa kanyang sarili)
Jade: "oh? Sorry maybe nagkamali lang ako sa pandinig." Sabi ni Jade nang marealized niyang na di naman talaga niya sigurado sa kanyang narinig.
Camila: "ah hindi po mam! Baka nagkamali ka lang mam!" Palusot ni Camila kay Jade malusutan lang niya ang kanyang pagiging careless.
Jade: "anyway i really love to talk to you more pero need ko nang umalis.. Salamat ulit dito sa phone."
Pagpapaalam ni Jade kay Camila. Papasakay na sana ng kanyang sasakyan nang biglang naisip niya na.....Jade: "you know what? I want to know you more so bakit hindi ka nalang pumunta sa birthday ko? Tomorrow night?" Invite ni Jade kay Camila.
Camila:( nabigla ito nang ininvite siya ni Jade. Hindi niya alam kung anong isasagot niya kasi hindi naman talaga pwede na mag yes siya dito dahil kapag ginawa niya yon ay paniguradong magkikita sila ni Lauren sa birthday party ni Jade. Nagsisimula na kasi siyang iwasan si Perrie para makapag move on na rin.
Camila: "thank you mam! Pero nakakahiya naman po!"
Jade: "call me Jade! Wag na Mam ok? And don't worry hindi naman marami ang bisita ko." Sabi ni Jade na tila pinipilit niya si Camila na pumunta.
Camila: "uhm!!!?"
Jade: "give me your number? Etetext ko nalang sayo ang address!"
Camila: ( tila wala na siyang lusot kay Jade kaya ibinigay niya nalang ang number niya para matapos na ang kanyang usapan. Kasi sa totoo lang ay hindi naman niya talaga kaya na nasa harapan niya ng matagal at kinakausap ang girlfriend ng taong mahal niya.
Jade: "ok so i need to go Camila! See you!" Sabi ni Jade dito bago tuloyang umalis na rin ito.