Episode 13

5 4 0
                                    

Zaylee's Point Of View

*Beeeeeeppp*
Napatingin ako sa sasakyan na papunta saken, tumayo naman ako pero hindi ko magalaw yung mga paa ko, hindi ko maihakbang.
Ito na ba yung katapusan ko?
Sana kung ito na nga, sana naman naalala niya na ko.
Napapikit nalang ako, at inantay ang pagbunggo ng sasakyan sa katawan ko.

Nagulat ako ng may mabilis na kamay ang humigit saaken at napasubsob ako sa dibdib nito.
Ang bilis ng heart beat niya.
Kasabay din ng pagbilis ng aken.
Hindi ko tuloy sadyang mapayakap sakanya ng mahigpit dahil sa biglaang paghila niya.

Rinig ko ang mabilis na paghinga  niya, para siyang tumakbo ng ilang kilometro.

Tinulak niya naman ako.

"Ewan ko kung baliw ka ba o nagbabaliw baliwan lang, ano bang pumasok sa utak mo at sa gitna ng kalsada mo pa talagang naisipang magdrama"
Naestatwa ako ng makita ang mukha niya.

"Taehyung"
Mahinang banggit ko.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.. tumatalon yung puso ko sa tuwa ng makita siya.

"Oo ako nga... At kung gusto mo ng autograph galing saken, papayagan kita wag na wag mo lang uulitin yon"
Napintig yung tenga ko sa narinig.

"Autograph? H-hindi mo ba ako naalala?"
Nagsalubong naman yung kilay niya.

"Ako toh, si Zaylee ako yung nagbigay sayo ng dream catcher at napunta tayo sa lugar na mala engkantadya halos dalawang linggo tayong nadodoon kasama yung apat na bata, sila Aria,Minhyuk,Oliv,Red,Gray,Kath hindi mo ba sila naalala?"
Nagulat ako ng lumayo siya saken.

"Your creepy"
Sabi niya at iniwasan ako at dahan dahang lumayo saken.

"Teka! Taehyung! Hindi mo ba talaga ako naalala? Ako toh si Zaylee, Taehyung!"
Nagmamadali itong naglakad na para bang natatakot saken, pumasok siya ng BigHit building binigyan niya lang ako ng napaka lamig na titig na para bang 'baliw na ata toh look',  sinundan ko siya sa may gate pero hinarangan agad ako nung guard.

Hindi ko alam bigla nalang umagos yung mga luha ko sa mata, sinuntok suntok ko yung gate habang sumisigaw ng 'taehyung!'
Habang yung guard hila hila ako, mukha na kong baliw dahil sa tingin ng mga tao saken, hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko.

Napaupo nalang ako sa labas ng building sa may hagdan at niyakap ang tuhod ko.
Nanginginig na ako sa lamig pero yung luha ko ayaw tumigil sa pag agos.

Nasasaktan ako..
Naalala ko yung last nyang sinabi saaken.

"Magkikita ulit tayo Zaylee, tandaan mo yan"

Ano na Taehyung??
Nagkita na nga tayo tama ka, pero bakit ganito?
Bakit ganito yung kinalabasan?
Napahagulhol na ako, lalo na't naalala ko nanaman kung gaano kami kasaya sa kabilang mundo.
Miss na miss ko na talaga siya, bakit ba kase aabot sa punto na magiging ganito??

Sana pala hindi nalang ako nagising, sana kasama ko pa siya ngayon habang kumakain ng gulay.
Napangiti ako ng mapait at napaiyak nanaman, hinipan ko yung palad ko at niyakap yung tuhod ko.

Nakaramdam naman ako ng biglaang pagkainit sa katawan ko, napagtanto kong may naglagay ng jacket sa likod ko, nakayuko ako kaya kita ko ang pares ng magagandang sapatos.

"Ayan na ba yung damit na sinasabi kong kaaya aya na suotin mo?"
Si Junhoe, napaangat naman ako ng tingin, kita kong nagulat siya ng makita akong umiiyak.

Tumayo ako at niyakap siya sabay ng pagbuhos ng napakarami kong mga luha, i just need a shoulder to cry on.

Nagtataka man siya ginantihan niya rin ako ng yakap dahilan para lalo akong mapaiyak. Hindi siya nagsasalita at hinagod hagod lang yung likod ko.

Hindi ko alam, feel ko pag kasama ko siya sobrang komportable ko sakanya.
Mahigit ilang minuto kaming nakatayo doon, saka lang huminto yung luha ko.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at umiwas ng tingin.

"Feel ko naliligo na ako ng ulan"
Sabi niya habang may pilit na ngiti, saka ko lang napansin na nabasa pala ng mga luha ko yung damit niya.

"S-sorry, hmm... Magbibihis muna ako"
Akmang aalis na ako ng hawakan niya balikat ko.

"What's the problem eh? Sino bang hinihintay mo diyan?"
Tanong niya, tiningnan ko naman siya ng masama.

"None of your business"

"Oww... Siguro naman may karapatan akong malaman yan dahil sa binasa mo na nga yung mamahalin kong damit ng luha mo, may libreng yakap ka pa"
Sabi niya, dinaanan kolang.
Rinig ko naman yung pagtawa niya at inakbayan ako.

"So... Bibihis muna yung girlfriend ko ng damit then mag de date kami yieee kilig kilig siya"
Pang aasar niya habang tinutusok tusok yung tagiliran ko.

"Wala ako sa mood para sa kalokohan mo, saan nga pala tayo makikipagkita sakanya?"

"Hmm... Victoria"
Napakunot naman yung noo ko.

"Victoria??"

"Secret!"
Sabi niya at tumawa ng malakas, baliw talaga.

"May plano nga pala tayo mamaya"
At sa pangalawang pagkakataon kumunot nanaman yung noo ko.

"Ano nanaman bang kabaliwan yan?"

"Secret!"
Sabi niya sabay kindat saken, ewww!!!

Nang makarating na kami sa hotel pinaantay ko lang siya sa labas ng room ko saka ako nagbihis at naglagay ng kaunting make up.

Nang makalabas ako nakita ko siyang nakasandal sa gilid habang nakapamulsa, napalingon naman siya saaken at kung makatingin saaken akala mo nakakita ng ginto dahil sa kumikintab yung mata.

"Gorgeous gorgeous naman ng girlfriend ko"
Sabi niya at hinawakan yung kamay ko. Tinarayan ko naman siya at hinampas yung kamay niya.

"Remember fake lang tong oh so called relationship na sinasabi mo!"
Hirit ko.
Napatawa naman siya.
Nang makalabas kame pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse.

Nakakapagtaka lang, ito yung lalakeng kinapkapan ko ng wallet na walang laman ni piso hindi ko akalaing may sariling kotse pala??

Aba aba!

Nang makaupo ako sa passenger saka naman siya umupo sa tabi ko at pinaandar yung makina.

"Ang lalakeng kinapkapan ko ng wallet na walang kalaman laman ay  may sariling kotse pala?? Wow ah? Hulaan ko, ninakaw mo toh noh?"

Pinaandar naman niya yung kotse at nagsimula ng mag drive.

"Grabe ka naman saken girlfriend, lasing ako nun kaya hindi ko namalayan na, ninakawan pala ako ng pera buti nga hindi kinuha yung Cellphone ko ei"
Pagkukwento niya.
Sinabi niya naren saken yung plano na sinabi niya kanina.

Ewan ko ba kung anong trip netong taong toh, pero dahil sa wala akong magawa ngayong araw na toh, at kung mag mumukmok naman ako sa room maiiyak lang ako dahil sa nangyari kanina, mas mabuti nalang na pumayag ako sa kabliwan neto para naman kahit papano mawala siya sa isip ko.

Nag ring naman yung Cellphone niya at sinagot niya na toh.

"I have something important to Tell you Seolhyun, that's why i need to talk to you"

"Papunta na ako diyan"
Sabi niya, maya maya pa umistop na yung kotse, tinuro naman niya saken kung saan yung upuan nila, at nakita ko yung babae nakatalikod kase kaya d ko makita yung mukha.

Then yung plano ay magsisimula na.
Lumabas siya ng kotse at pinuntahan yung babaeng ex daw niya.

Kita kong Tumingin siya saaken dito bago umupo sa tapat ng babae, ngumiti siya at nag usap usap sila.

Nag antay pa ko ng 5 minutes then saka ako lumabas, naglakad ako ng pang model na akala mo ay rumarampa saka ako pumasok sa Cafe.

"Baby!!!"
Sigaw ko sabay malanding tumakbo sa kanya, at hinalikan ko siya sa pisnge asa siyang dinikit ko yung labi ko.

Umupo naman ako sa tabi habang nakakapit sa braso niya.

Then parang nabasag yung mundo ko ng makita ko yung mukha nung babaeng nasa harapan ko.

Mr.SuperStar Is My Romantic Nightmare (Completed) BTS VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon