Episode 4

21 4 0
                                    

Taehyung's Point Of View
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko, kase itong may saltik na babae sunod lang ng sunod saken.

Hayy, buhay nga naman.
Ngayon ko lang nalaman na totoo pala yung mga sinasabi nilang Enchanted Enchanted na yan.

Dahil sobrang ganda talaga ng lugar dito.
Sinilip ko naman yung babae sa Gilid ko, manghang mangha siya sa nakikita niya.
Nakanganga pa, hahaha.
Okay, I find it Cute but nevermind!

Lakad lang kami ng lakad ng bigla siyang mapatid at napahawak sa kamay ko.

"Baliw na nga lampa pa"

"Tsk!"
Sabay taray, babae nga naman.
Nagsimula na Kong maglakad, hinayaan ko nalang na hawak niya ang kamay ko, d niya pa ata narerealize o inienjoy niya pa ang malambot kong kamay

Hahaha.

Maya maya...

"Omo!"
Gulat niyang sabi at dali daling tinanggal ang kamay niya.

"Tsk, kunwari ka pa, nagustuhan mo naman"

"Shut Up!"
Madiin niyang sabi.

Hinayaan ko nalang at nag lakad na ulit habang nakapamulsa.

Maya maya,napa stop ako ng maramdamang wala na palang sumusunod saken

Teka?

Lumingon ako at wala nga siya.

Bumalik ako sa dinaanan namin kanina, nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siyang naka upo sa ugat ng puno.
Hindi ko alam pero nag aalala ako sakanya.

Nilapitan ko Ito.

"Ba't mo ko binalikan? Diba ayaw mo saken?"
Malungkot nitong sabi, na parang galit na ewan.
Tiningnan ko naman yung paa niya, nag dudugo.

Pinunit ko yung baba ng t-shirt ko at tinali sa paa niya.

Zaylee's Point Of View

Pagod na pagod na talaga ako, yung paa ko sobrang dami ng dugo d ko na kaya!

Huminto ako at pagod na umupo sa ugat ng puno.
Ano ba kasing nangyayari samen? Paano naging ganito?
Sana panaginip lang ang lahat.

Nakita ko siyang dire diretso lang na naglalakad habang nakapamulsa, ang pogi niya tingnan.

Ang dati Kong pinapangarap na makita, makausap ay nandidito na ngayon, kaso lang panaginip lang Ito. Hindi parin toh totoo.

Napa titig nalang ako sa mga puno, siguro pag natulog ako ngayon ay magigising na talaga ako, kase ayoko dito, napapagod at natatakot na ako.

"Huwag kang mapagod"

Nagulat ako sa maliit na maliit na boses na nagsalita sa Gilid ko.

Pagkatingin ko.
Namangha ako isang DUWENDE!!!

Babae siya!

"Oh my god! Ikaw ba yung nagsalita?!"
Ngumiti naman siya.

"Ako nga! Huwag kang mag aalala sa sugat mo, si Prince Charming mo ang mag papagaling niyan"
Sabi niyo habang namumula.
Prince Charming?

OH MY GHODD!
Paano niya nalaman yun?!!!
Magsasalita pa sana ako ng makita ko na wala na siya.
Bigla nalang nawala!

Pagkalingon ko nakita ko si Taehyung na papunta sa direksiyon ko.
Bakit niya ako binalikan?

"Back mo ako binalikan? Diba ayaw mo saken?"
Hindi naman siya sumagot, nagulat ako ng mag punit siya ng tela sa damit niya at tinali sa nagdudugo Kong paa.

Mr.SuperStar Is My Romantic Nightmare (Completed) BTS VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon