Episode 23

9 4 0
                                    

Zaylee's Point Of View

Nagising nalang ako ng makaramdam ako ng pamilyar na pakiramdam, yung mga huni at hampas ng dagat.
No!
Bigla akong bumangon... At tama nga ako at nandito ako sa lugar kung saan ako nagising nung mga panahon na si Taehyung ang kasama ko.

Napatingin ako sa kabilang gilid ng makita si Daddy na tumatakbo papunta sa direksyon ko, sinalubong ko siya at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"Dad! bakit mo pinakealaman ang dream catcher ko? Daddy nakauwi na ko, ano bang nangyare sayo?"

"Bakit anak , may kinalaman ba yon dito?"

"Opo Daddy , ayon ang dahilan kung bakit tayo nandito" napaupo  naman si Daddy sa buhanginan at napahawak sa ulo niya, kaya nilapitan ko ito at niyakap.

"Dad, hindi niyo naman po kelangang mag alala pa saken, matanda na po ako kaya ko na po ang sarili ko atsaka daddy maaaring princess niyo parin ako pero malapit na po akong maging Queen. Hindi niyo na po kelangang mag alala saken ng sobra"

"Anak... may mga taong balak kang patayin, at ayun ang mga kasama ko sa trabaho anak kelangan kitang protektahan laban sa kanila"

Napakunot naman ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin daddy?" 

"Tungkol yon sa business namin, nakareceive kase ako ng letter kagahapon, natatakot ako anak" 
Nakaramdam ako ng kabang hindi maipaliwanag.
Ba't parang may mali?

"Daddy we better leave this place immediately"
Tumango tango naman si Daddy at ginantihan ako ng yakap hanggang sa unti unti na kaming naglaho.

Mianah's Point Of View

Nandito kaming lahat sa Hospital, magkasama sa iisang kwarto si Zaylee at ang daddy niya pero mag kaiba sila ng higaan.

You know guys, zaylee is getting weird this past few weeks after niyang Magising sa coma, nakakapagtaka lang bakit bigla niyang nilipat yung topic doon sa Dream Catcher na yon?

Kakauwi pa nga lang ng bestfriend ko tapoa ito pa talaga ang mangyayari sakanya. Naaawa na ko sa bestfriend ko.

Ngumiti ako at tinabihan siya, ako pa kase muna ang pinabantay sakanya dahil kumakain pa sila tita tapos may importanteng pupuntahan daw si Ash.

Ngumiti ako at nilabas yung Cellphone ko, sabay selfie kasama si Zaylee.
Pinost ko naman ito kay zaylee at tinag siya.
Caption ko is: Sana magising ka na bestfriend,miss na po kita

Then post!

Kumain kain lang muna ako ng grapes na para kay zaylee dahil na bobored na talaga ako.
Hehe.
Nanlaki yung mata ko ng gumalaw ang kamay ni Zaylee at kasabay ng kay tito!

"Doc!!"
Natataranta kong tawag sa Doctor, dumating naman agad sila at saka ko lang nakitang bumukas ang mga mata nilang dalawa as in SABAY na bumukas!
Like O M G.
Pinagplanuhan ba nila toh?

"Bessy! Are u okay na?? Omoo what happen bakit bigla kang nag collapse doon sa airpiee?"
Ngumiti naman siya at umiling iling,pagka iling niya nabaling yung tingin niya sa Daddy niyang gising narin, kaya bigla siya umalis sa higaan niya na ikinagulat ko sabay yakap sa Daddy niya.

"Dad, i promise you na magiging okay din ang lahat, walang mangyayaring masama saken"
Dahilan para mapakunot ako ng noo, O M G don't tell me nababaliw na tong si zaylee??
Omygash noo!

Ngumiti naman si Tito at hinaplos yung buhok ni Zaylee, kaya napahawak ako sa sentido ko.

"Like Seriously guys? What's going on here?"
Takang tanong ko, tiningnan lang nila ako at hindi pinansin.

"Okay! I'm out, sorry for disturbing the moments but guys I'm not a ghost huh, usong mag respond"
Tanging sabi ko sabay ngiti at tayo patungo sa pintuan. Matawagan nga si Tita, lumabas ako sa hospital at umupo sa isang bench doon. After kong masabihan si Tita ay si Ash naman ang tinawagan ko pero hindi niya sinasagot. Ugh! this guy.

Umupo nalang ako at nagmuni muni, may nakita naman akong cute na batang babae . Tumabi siya sa upuan ko at mukhang malalim ang iniisp niya, sa pagkakatantya ko ay siguro mga nasa 8 years old siya. Umurong ako para lapitan siya.

"Hi baby girl!" masigla kong sabi, napalingon naman siya saken at saka ko lang napansin na may bahid ng luha yung mga mata niya pinunasan niya ito at ngumiti saken.

"Why are you crying baby girl?"

"Kase po, palagi ko  nalang napapaginipan yung babaeng nakasama namin sa Enchanted forest, hindi ko po alam pero namimiss ko po siya, nakalimutan ko rin yung pangalan niya" Mangiyak ngiyak nitong sabi dahilan para mapakunot ang noo ko. WEIRD, na mimiss niya tapos hindi niya alam yung pangalan like seriously? guys? pengeng hustisya!.

Nginitian ko nalang siya at hinaplos yung buhok niya.

"Aria! sa wakas!  i found you" napalingon kami sa lalaking hingal na hingal na umistop sa harap namin. Like O to the M to the G!!! Ang gwapooooooooooo, pengeng hustisya ulit bakit may nabubuhay na kasing gwapo neto! Nakanganga na pala ako hindi ko napansin. shet!

Hinila niya si Aria, aria pala pangalan ni Baby girl. Tumingin naman saken si kuyang pogi  na akala mo'y americano, siguro kapatid niya si Aria kase kamukha sila ei.

"Salamat nga pala sa pag kidnap sa kapatid ko ah, buti nalang nahanap ko siya" napakurap naman ako ng ilang beses sa narinig.

"Seriously? sa ganda kong toh magmumukha akong kidnapper?"

"Looks can be deceiving" tanging sabi niya sabay talikod at hila kay aria, UGH! akala ko pa naman! SAYANG!!!

Napalingon naman ako sa kabilang banda at nakita ko si Ash na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

"Ash!" sigaw ko dito at kaway.

"Sorry nga pala sa tawag kanina ah, may sinundo kasi akong kaibigan sa airport" sabi niya sabay kamot sa ulo. Ngumiti lang ako.

"Gising na si Zaylee!" masaya kong sabi sabay kapit sa braso niya at hila sakanya papasok sa hospital.

"T-talaga?!" gulat niyang tanong, ngumiti lang ako ng pagkatamis tamis sabay tumango tango.

Nang makapasok kami sa kwarto nila Zaylee ay hindi ko namalayan na nandito na pala si Tita, nag bless lang kami sakanya. At tulog na pala si Zaylee.

"Tita nasaan po si Tito?" takang tanong ni Ash kaya napabaling yung tingin ko sa higaan ni tito at wala ngang tao dun. Malungkot na tumingin samen si Tita.

"Nilipat siya kabilang room para operahan dahil bigla nalang daw nagkadugo yung likod ng ulo niya, eh nung dinala siya dito wala naman yun, mukhang nahulog daw siya sa mataas na lugar, nakakapagtaka nga ei wala naman siyang sugat  nung una, sobrang weird"

Nagkatinginan kaming dalawa ni ash, Oo nga sobrang Weird! hindi ko lang pinagtuonan ng pansin yun pero parang may mali sa kinikilos ni Tito at Zaylee, may mali talaga.

Mr.SuperStar Is My Romantic Nightmare (Completed) BTS VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon