Episode 28

14 5 0
                                    

Zaylee's Point Of View

Habang nakaupo ay nakaramdam ako ng matinding antok.. No! hindi ako pwedeng matulog, hindi ko na talaga kaya, kaya napahiga nalang ako sa kama at ang last kong nakita ay ang Dream Catcher na biglang tumunog na para bang dambana and everything went black.

Nagising ako sa malakas na hampas ng dagat, dali dali akong bumangon dahil alam ko na kung nasaang lugar ako, ng makita ko na ang paligid ay nagulat ako pero sa kabilang banda ay natatawa ako na ewan.

Nnandito na rin pala sa tabi ko yung Dress at sandals namin ni Mia. You know what? Tinupad talaga ng Dream Catcher yung hiling ko at naka ayos na ang lahat may mga upuan meron na ring View na pang Party talaga! may malaki ring speaker as in SOBRANG GANDA!

Nang mapatingin ako sa kabilang gilid ay  muntik na kong mahimatay sa  tawa, si Taehyung na naka hubad pantaas at hawak hawak nito ang polo niya at tanging pantalon lang ang suot niya, ayaw kasi makinig sa sinasabi ko yan tuloy, nag bibihis pa pala siya ng 12:00?? HAHAHA, suddenly may naalala ako, yung anim na bata!

Kelangan nilang makapunta dito para naman maalala nila ang masasayang memories namin dito, paano ko ba sila mapapabalik dito?.

Nakakatuwa din yung iba dahil nandito silang Lahat, ay mean Lahat sila.
Dumiretso ako sa Stage, kase may parang maliit na stage dito at kinuha yung Microphone, 12:03 am na.
This is gonna be Fun!

"Guys!! Gising Na" unang tumayo si Veronica at napatingin siya dito banda, nanlaki pa yung mata niya ng makita ako.

"Zayleee!!!" sigaw nito at tumakbo papunta saken kaya sinalubong ko  ito at niyakap.

"Namiss kita V! hindi ko alam na aattend ka sa birthday party ko"

"Birthday party?" takang sabi niya at napatingin sa suot niyang damit at napatingin sa lugar, kaya nakangiti ko siyang iniwan at dumiretso sa stage.

Nagising naman agad si Taehyung at napamura pa ito sa suot niya. HAHAHA

Nagising na silang lahat na may question mark sa ulo, like 'WHAT THE HELL IS GOING ON HERE??'  inalok ko naman silang lahat ng upo saka ko inexplain ang lahat, alam kong iba sakanila ay hindi maniniwala sa mga sinasabi ko pero ang pinaka sentro talaga nito kaya ko sila dinala dito ay si Taehyung.

Nnag ma explain ko na ang lahat ay nanatiling tahimik ang buong paligid, parang umistop saglit yung oras, si Taehyung na nakaupo at hindi maipinta yung mukha, kung dati ay wala siyang kaekspre ekspresyon ngayon ay nagkaroon na ang hirap nga lang basahin.

Nawala yung katahimikan ng sabay na tumayo si Vernon at Veronica.

"Okay! so, nandito narin naman tayo let's just enjoy the view, napaka ganda dito oh" sabi ni Veronica with her twinkle twinkle eyes.

"Yes! i can handle the music guys!" tuwang sabi ni Vernon at dumiretso doon sa stage.

"Baby, ako nalang sa food" sabi ni mommy at pumunta sa may gilid nandodoonn na kase lahat ng ingredients.

"Hmm.. iaasign ko si Junhoe at seolhyun para sa barbeque" sabi ko "At Ash and Mia, kayo nalang mag ayos ng design dito" sabi ko, ngumiti naman si Mia at nag Yes!.

At lastly napatingin ako kay Taehyung. "Taehyung.. you need to go with me, maghahanap tayo ng gulay" sabi ko at bumaba ng Stage.

"NO" madiing sabi niya.

"Ayaw mo edi wag" sabi ko at dinaanan lang siya, hindi ko naman siya pipilitin para lang maalala ako. Kaya dumiretso na ako at umalis, medyo nakakabisado ko narin naman yung daan patungo sa naging bahay namin dati. 

Lakad lang ako ng lakad kahit alam kong hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko, napad pad nalang ako sa bahay ng duwende dati, kumatok ako dito at maya maya pa ay binuksan naman niya agad.

"Hija?"

"Gusto ko po sanag magtanong kung pwede  pa poba akong humiling sa dream catcher ko? nandito po ba sayo yung dream catcher?" tumango tango naman yung duwende, at meron siyang nilabas sa palad niya na Dream catcher, at yon ay ang aken.

Tuwang tuwa akong napayakap sa duwende, "Maraming salamat po!" sabi ko at kinuha yung dream catcher ko, pikit ko namang dinasal sila Minhyuk,Oliv,Aria,Red,Gray,Kath. Dala dala ko ang dream catcher habang naglalakad para makakuha ng gulay.

Lakad lang ako ng lakad mag da 2 oras na akong naglalakad at nananakit narin yung mga paa ko, pero hindi parin ako nakakarating, posible kayang namali ako ng daan? kase dati mga ilang minuto lang kaming naglakad ni Taehyung ay nakarating na agad kami ei.

Hindi ko namalayang napaupo na pala ako sa ugat ng puno dito dahil sa pagod, kumakalam narin yung sikmura ko, hindi ko na kaya. Isa lang ang masasabi ko napaka malas ng birthday ko na toh. Unti unti na kong napapapikit sa antok hanggang sa everything went black.


Third Person's POV

Nakaupo na si Zaylee sa ugat ng puno dahil sa pagod, at unti unti nang nawawalan ng malay, samantalang si Taehyung na may hawak hawak na maraming gulay at tumatakbo sa gitna ng kagubatan at hinahanap si Zaylee, alam niya kaseng na mali ng daan si Zaylee.

Hindi niya alam kung papaano ba sabihin kay Zaylee na naalala na niya ang lahat simula nung Party ni Seolhyun, halos isang gabi siyang walang tulog kakaisip non. Pawis na pawis na siya habang tumatakbo at sumisigaw ng Zaylee.

Nanginginig na yung mga paa niya sa pagod pero hindi parin siya tumitigil kakahanap dito hanggang sa mapad pad siya sa isang lugar at nakita doon si Zaylee na walang malay at nakasandal sa puno, napaupo siya sa pagod at dahan dahang tinabihan si Zaylee, sumandal din ito sa puno at napapikit sa pagod.

Nang makapag pahinga na siya ay tumayo na ulit siya at binuhat si Zaylee sa likod, hirap na hirap man ay naglakad parin siya pabalik, buti nalang at nag iwan siya ng palatandaan sa mga dinadaanan niya kanina.

Ilang oras pa ay nakarating na sila sa tabing dagat kung saan gaganapin yung birthday party ni Zaylee, nang makarating na siya ay bagsak siyang napaluhod sa buhanginan, nag sitakbuhan naman yung mga kaibigan nila patungo kay Taehyung at binuhat si Zaylee, samantalang si Taehyung nabagsak sa buhanginan at nawalan ng malay.




Mr.SuperStar Is My Romantic Nightmare (Completed) BTS VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon