"WALAMPOREBER"
Kanina pa ako naglalakad dito sa school. Nawawala kasi yung panyong binigay ng Ex ko. Oo na ex! Mahal pa'rin kita putsa!
Pinagtitinginan na ako ng ibang mga tao sa school dahil haggard na ang itsura ko. Init kasi eh, Please umulan ka!
Kung saan-saang part ng school na ako nakarating mahanap lang ang panyong yun. Syempre kahit hiwalay na kami, di ko makakalimutang may pinagsamahan din kami na umabot ng 10 months.
Buti na lang talaga di pa kami nagkiss. I mean sa lips. Gusto ko kasi yung magiging kaforever ko (kahit walang forever) ay yung magiging first kiss ko. Oha! Oha!
Nagulat ako ng kumulog ng malakas. Waahhh! Wag ka na palang umulan! Pero huli na dahil may naramdaman na akong pumapatak na tubig mula sa itaas.
Buti na lang talaga vacant namin ngayon. Yung bag ko iniwan ko sa locker. Huminto ako sa paglalakad at napapikit. Hinayaan ko na lang na umagos ang tubig ulan sa mukha ko."N-Nichole? Ba't ka nagpapaulan?! " Napamulat ako ng marinig ang boses nya. Boses ni Ex. Boses ni Drew.
"A-anong ginagawa mo? "-tanong ko dahil bigla nya akong pinayungan.
"Tsk. Tigas pa'rin ng ulo mo. Malamang pinapayungan ka. Porket wala na tayo papabayaan mo na yang sarili mo? "- parang muntik na akong maluha sa sinabi nya. Namimiss na kita Drew!
"Halika na nga. Magpalit ka na muna ng damit at baka magkasakit ka pa. "
Hinatid nya ako papuntang locker room. Aalis na sana sya ng maalala kong wala akong baon na damit!
"D-Drew? Pwedeng makihiram ng damit? Wala pala akong extra. Hehehehe" nakakahiya pero kasi nilalamig na ako. Kailangan kapalan ko muna si pis.
"O-osige. Babalikan kita dyan. "
Pumunta na sya sa locker room ng mga lalaki. Gosh! Baka pasuotin nya ako ng damit nya!
#Assuming
Maya-maya ay bumalik na sya dala ang isang paper bag.
"Oh heto"- saad nya sabay abot sa'kin.
"T-teka? Bago lang toh ah. "-sabi ko pa dahil halata ngang bago. Binuksan ko iyon at nakitang isa itong kulay pink na T-shirt. Favorite Color ko pa naman toh. Gaya na lang ng panyo na ibinigay nya sa'kin noong 1st Monthsarry namin, kulay pink din.
"Sige na magbihis ka na. Aantayin kita dito sa labas. "
Tumango na lamang ako at nagtungo sa CR. Tiningnan ko ang wrist watch ko at late na ako sa isa kong subject dahil malamang ay simula na.
Isinuot ko na yung damit na pinahiram ni Drew. May extra pants ako kaya ayun ang isinuot ko pang baba.
Matapos magbihis ay lumabas na ako ng CR. Hinanap ng mata ko si Drew pero mukhang umalis na sya.
Pero kasi sabi nya kanina aantayin nya ako pagkatapos kong magbihis. Parang pinaasa na naman nya tuloy ako.Plinastik ko na yung basa kong suot at inilagay sa paper bag na ipinahiram ni Drew kanina kasama yung damit.
Habang naglalakad sa corridor ay may iilan pa ding estudyante. Siguro'y ngayon pa lang ang vacant nila.Dala ko na'rin ang bag ko nang may makabunggo akong lalaki at natumba kami pareho.
Saktong pagtumba namin ay naramdaman kong tumama ang labi ko sa labi nya. Watdapak?!!Agad akong napabangon agad dahil nasa ibabaw nya ako. Nakita ko ring bumangon din sya at bigla kong sinapak dahil nakita ko ang pagngisi nya.
"Jerk! "- sigaw ko sa kanya.
"What th--amazona ka ba?! "-sigaw nya pabalik.
"Yung first kiss ko! Waahhh! "-para na akong batang nag-iinarte. Sheeetttt! Yung first kiss ko!
"Oh? Anong meron dun? Gusto mo ng pangalawa? "-sabi nya pa ulit at agad inilapit ang mukha sa akin kaya sinapak ko ulit sya.
"Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa'kin yun abno! Yung magiging first kiss ko lang yung lalaking makakatuluyan ko!!! "-sigaw ko na naman sa kanya. Iniinis ako putsa! Gwapo sana eh! Azar amp!
"Edi papanagutan ko yung halik. Payag ka bang ligawan kita? "-sabi nya sabay ngisi. What the?!!
"Arghh! Bahala ka sa buhay mo! Abno! "-tumakbo agad ako ng mabilis dahil sa kahihiyan. Napansin ko kasing andami na'ring nakatingin sa'min.
Putsa! Kainis yung lalaking yun! Yung first kiss ko! Huhuhu---
3 days past. Sariwa pa'rin sa'kin yung nangyari. Yung huhuhu first kiss ko! Kahapon nakita ko si abno, classmate ni Ex!
Papunta ako ngayon sa room nila. Ngayon daw kasi yung vacant nila sabi ng kaibigan kong classmate nila.
Nagbabakasakali kasi akong maisauli yung damit na hiniram ko. Sana maabutan ko sya sa room nila ngayon.Tahimik sa corridor habang naglalakad ako. Nakakapagtaka lang. Dire-diretso lang ako sa paglalakad para makarating sa room nila. Pero habang papalapit ako, nakakarinig na ako ng tilian at sigawan.
At nung nasa tapat na nga ako, doon ko nakita kung ano ang kaganapan. Naramdaman ko na lang na bumagsak ang mga luha sa mata ko.Nakita ko lang naman si Ex na nakaluhod sa harap ng girlfriend nya. Inaalok ng proposal. Ang sakit. Ang sakit sobra. Mahal ko pa eh.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanila hanggang sa may humila sa'kin palayo. Hinayaan ko na lang sya na hilahin ako dahil pakiramdam ko nanghina ako.
Isinandal nya ako sa pader at naramdaman ko ang dalawang braso nya sa gilid ng ulo ko. Hindi ko pa'rin sya magawang tingnan."N-Nics, please stop crying. Nasasaktan din ako pag nakikita kang nasasaktan . "
Matapos nyang sabihin yan ay napatingin ako sa kanya. Tsk, sabi ko na nga ba si Abno eh."Paano mo'ko nakilala? Nics? " tanong ko sa kanya.
"Almost 2 years na kitang kilala pero hindi mo'ko napapansin. Kaibigan ko si Drew. Sa una pa lang sinabi ko ng gusto kita pero nalaman kong nililigawan ka na nya. Noong naging kayo, nasaktan ako ng sobra kaya nagtransfer ako sa ibang school. Binalaan ko sya na wag kang sasaktan. Pero etoh si gago kong bestfriend, pinakawalan ka. Kaya heto ako ngayon, bumalik para sayo. "
"D-Darrel? Darrel Angeles ang pangalan mo? "
Tanong ko dahil nakita ko sa school ID na suot nya."Oo. At heto sa harap mo. Nanghihinge ng papel sa buhay mo. " Nakita kong may inilabas syang kulay pink na panyo sa bulsa nya.
"Pag tinanggap mo ang panyong ito. Ibig sabihin tinanggap mo na'rin ako at pwede na kitang ligawan. "
He extended his hand holding a pink handkerchief.
"Pero kung hindi mo man kunin. Kahit kaibigan lang tatanggapin ko. "
Ngumiti sya ng matamis. Siguro panahon na'rin para kalimutan si Drew.
"Past is past" ika nga nila.
I extended my hand to take the pink handkerchief from his hand. I see his smile painting on his face. He's cute, I pinch his cheeks. Then I was shock seeing some tears fell from his eyes and hug me tightly. I smile too and hug him back.
"I promise Nics. I will never like Drew. I will never hurt you. "-his voice was so sincere.
'I'm Nichole Ann Pedroso. Trying to move on in my ex. Giving a chance to this man, I hugging to be part of my life.
----
Year past. Wala nga talagang forever. Naghiwalay din kami. Iniwan nya ako at ipinagpalit sa iba.
*THE END*
Any hugot? I-comment na yan!
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.