KᎪᎢᎪᏢᏌᏚᎪN NᏩ ᎷᏌNᎠᎾMarahil ay nalalapit na nga ang katapusan ng ating mundo.
Nalalapit na nga ba?
O baka naman, sadyang natapos na?
KRIMEN
Iba't-ibang krimen na ang nangyayari sa ating mundo ngayon. May nagaganap na nakawan, patayan, at panghahalay hindi lang sa mga kababaihan kundi pati na rin sa mga kalalakihan. Ang ibang may sala'y marahil wala pa sa bilangguan bagkus ay pakalat-kalat lang at malaya sa ating lipunan. Habang ang mga biktima naman ay mga nakakulong pa sa kanilang mga nakaraan dahil sa karumal-dumal na sinapit at patuloy na naghahanap ng hustisya.
HUSTISYA
Ano nga ba talaga ang tamang kahulugan ng salitang 'hustisya'?
Ang mga tao ngayo'y tila mga dayuhan at mangmang.Pagdating sa kallibugan at kabalustugan,napakagagaling at napakahuhusay.Ngunit pag dating sa usaping panlipunan,pikit ang mata,nakatakip ang tainga,at tila isang bagong silang na sanggol na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid.
Sa napapanahong isyu ngayon ng ating lipunan tungkol sa panggagahasa. Sang-ayon nga ba talaga ang karamihan sa kaparusahang "death penalty"?O ang iba ay nakikiuso lang sa ngayon?
Nais ko lang ipabatid na ang "death penalty" ay napakaseryosong bagay . Kaya dapat ay nag-iisip tayo ng tama at hindi basta sang-ayon lamang dahil lang sa nakikiuso. Buhay ng tao ang makikitil para lang makamit ang hustisya. Teka--hustisya nga ba talaga ang makakamit?O baka naman ang taong nakitilan ng buhay ay napagbintangan lamang?
At ang panggagahasa ay hindi isang malaking biro. Wala namang taong mangmang,bobo hindi ba? Tanging may makikitid na kokote at walang magawa sa buhay lang ang gagawa ng mga katatawanan tungkol dito at ikinakalat sa social media.
SOCIAL MEDIA
Hindi masama ang paggamit ng "social media" kung lilimitahan lang natin ang paggamit nito.Nakatutulong din ito sa patuloy na pagkakaroon ng komunikasyon sa ating mga pamilya na malayo sa atin. Hindi lang iyan,nakatutulong din ito upang mas mapabilis ang paggawa ng ating mga asignatura at proyekto sa paaralan.
Ngunit.Bakit.Tila.Nagbago.Na?
Bakit tila inaabuso na natin ang paggamit nito?Bakit tila hindi na natin ito ginagamit pa sa tama?
Social media pa nga bang matatawag?O porn site na dahil sa mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang magpakalat ng mga malalaswang litrato at palabas?At hindi lang iyon.May mga tao ring handang magpakalat ng mga maling balita o impormasyon para lang sa kasikatan.
Karamihan sa atin ay may pinag-aralan ngunit ano nga ba ang magiging silbi ng ating pinag-aralan kung hindi lang rin naman natin ito gagamitin sa tama?Para saan pa ang Edukasyon?
EDUKASYON
Maraming nagsasabi na napakahalaga ng edukasyon.Sinabi rin ni Dr. Jose Rizal na ,"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." At marami ring nagsasabi na ang edukasyon ang magiging susi sa kahirapan. Ang edukasyon ang mag-aangat sa atin sa kahirapan at sa mapamintas na lipunang ito.
Mahalaga nga ang edukasyon pero wala ring silbi kung gagamitin lang din naman ito sa mali.
Kabataan ang pag-asa ng bayan?Nakakalungkot isipin ngunit tila ang ibang kabataan pa ang sumisira sa ating bayan ngayon.
Edukasyon nga ba talaga ang mag-aangat at magiging susi sa kahirapan?Ngunit bakit tila mga edukado rin ang dahilan kung bakit naghihirap ngayon ang ating bansa?Sino ang mga edukadong yun?Edi ang mga taong bahagi ng pamahalaan.
PAMAHALAAN
Kurapsyon ang isa sa mga pangunahing suliranin ng ating bansa. Nakakalungkot isipin na mga edukado ang nasa pamahalaan at tinaguriang lider o pinuno ng ating bansa,ngunit tila sila pa pala ang magiging dahilan ng posibleng pagbagsak ng ating bansa.
Ang iba sa kanila'y mapagmataas dahil may pinag-aralan.Nakapag-aral lang naman sila dahil mapera sila hindi ba? Naluklok sila sa pwestong tinatamasa nila ngayon dahil sa atin hindi ba?
Kung sino pa ang walang pera at walang pinag-aralan,sya pa ang maka-tao at may maipamamalas. May salapi at edukado nga ang mga taong nasa pamahalaan,ngunit kapos naman at mangmang pagdating sa pagiging maka-tao.
TAO
Ang tao ang pangunahing tagapangalaga ng kalikasan. Sinasabing ang tao rin ay kawangis ng Diyos. Ngunit ano itong nakikita ko ngayon?Bakit tila mga kawangis sila ng demonyo at hindi ng Diyos?
Nakakalungkot isipin na pati ang ibang mga kababaihan ngayon ay nawawalan na rin ng respeto sa kanilang mga sarili at kapwa.
Mga binibini, galit kayo sa mga rapist hindi ba?Pero bakit kung sumabay kayo sa kalibugan ng mga kalalakihan, parang mas gusto nyong binabastos kayo?Bakit tila mas gusto nyong bastusin kayo?Bakit pag may nakikita kayong gwapong lalaki ay biglang nagsisisigaw na lang kayo ng, "Kuya akin ka na lang po!Anakan mo po ako please!"
Hindi ganyan ang isang binibini.Sabagay, nasa modernisasyong panahon na nga pala tayo. Kakaunti na lang ang mga Maria Clara at Juanito Alfonso sa panahon ngayon. At bago sana tayo humingi ng respeto sa iba, dapat ay may respeto muna tayo sa ating mga sarili.
Babae ka. Binibini ka. Ginang ka. Parang ang ating Inang Kalikasan.
KALIKASAN
"Tahimik akong naglalakad ng makakita ako ng umiiyak na babae na naka-upo sa tabi ng kalsada. Puro galos at pasa ito sa katawan. Madungis din ang pananamit nito. Agad ko syang nilapitan at tinanong kung anong nangyari sa kanya. Ang tanging isinagot nya lamang sa akin ay, "Bakit ganoon sila?Bakit ganyan kayo?Ito ba ang nais nyo?" Naguluhan ako sa kanyang sinabi ngunit bigla akong napa-isip. Kilala ko ang babaeng ito. Sya ay si,
INANG KALIKASAN. "
Naiintindihan mo ba ang aking nais ipahiwatig?
Subukan mong lumabas.
Idilat mo ng mabuti ang iyong mga mata.
Pagmasdan mo ang kapaligiran.
At huwag kang magbulag-bulagan.
Napakaraming tanong ang naglalaro sa aking isipan ngayon.
Nalalapit na nga ba talaga ang katapusan ng ating mundo?
O sadyang natapos na ngunit nagbubulag-bulagan lang talaga tayo?
-ʀᴍ-
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.