ONE SHOT #16

139 3 0
                                    

" MISS READER MEETS MISTER GAMER "

Tahimik akong nakaupo sa aking upuan habang hinihintay ang aming guro. Hawak ko ngayon ang pocket book ko at tutok na tutok sa pagbabasa.

" Good afternoon, class. " Napairap na lamang ako dahil biglang sumulpot ang aming Math Teacher. Kainis!Kung kelan nasa climax na ako, tsaka naman dumating si ma'am.

" Good afternoon, ma'am Salangsang. " Bati namin sa kanya at tumayo. Umupo rin kami kaagad nang sabihin nya na umupo na raw kami.

" Class, may ipapakilala ako sa inyo. Sya ang magiging bago n'yong kaklase. Hijo, pumasok ka na. " Napatingin kami sa pintuan nang may biglang pumasok na lalaki mula roon.

Napailing na lang ako signs of disbelief dahil nakuha pa talagang humarot ng mga classmate kong babae sa harapan ko. Kesyo, "omg ang gwapo naman ", "kyah anakan mo 'ko hehe ", " shems ang pogi ni new classmate". Seriously?!Tsk

" Hijo, magpakilala ka na. Dalian lang dahil dalawa ang lesson natin ngayon sa Math. " Nakangiting tumango naman kay ma'am ang bago naming kaklase bago nagpakilala.

" Hi, I'm Raze Cosmette, 16 years old. I'm a transferee from *insert name ng school*. I hope na maging kaclose ko kayo kaagad. By the way, I'm also a gamer rin pala. Sana makalaro ko kayo minsan pag may free time. Kahit with pustahan pa 'yan. Mobile Legend mga pre, ah?'Yun lang. "

Walang kwentang pagpapakilala. Hindi man lang nahiya kay ma'am. Tsk

Pinaupo na sya ni ma'am sa bakanteng upuan sa likuran. Parang wala lang nangyari, discuss kaagad ang teacher namin. Kainis na math. Kastress jusko. Ba't ba kasi naimbento yung subject na 'yan?

Napalingon naman ako roon sa bago naming kaklase na si Raze. Gamer pala sya?Cancer spotted.

Nagulat pa ako nang mapatingin s'ya sa akin. Hindi lang 'yun, ngumiti pa sya kaya nakita ko ang dalawang malalim nyang dimples sa magkabilang pisnge. Imbes na ngitian sya pabalik ay inirapan ko na lamang sya. Duh?We're not close kaya so why would I smile to him? Walang dahilan para ngitian ko ang cancer na 'yun.

Nakinig na lamang muli ako sa aming guro. I wonder kung anong naging reaksyon n'ya noong inirapan ko s'ya. I hate gamers talaga.

***

" OY TANGINA WAG KAYONG PABUHAT!"

" ROAD TO MVP NA!WOOOH!"

" IHANDA NYO NA SINGKWENTA NYO!MATATALO KO NA KAYO MGA BOBO!"

Napabuntong-hininga na lamang ako at napatakip ng tenga dahil hindi ako makapagconcentrate sa pagbabasa. Paano ba naman kasi?Yung mga cancer kong classmates na naglalaro ng punyetang ML na 'yan, grabe kung sumigaw. Akala mo naman sila may-ari ng school.

Lalong-lalo na 'yung Raze na 'yan!Jusko pasimuno ng ingay. Puro na lang ML ang inaatupag pag free time. At hindi lang 'yun, lakas pang mag-aya ng pustahan.

Buti pa kaming mga wattpad reader, nagagamit ang pera namin sa tama. Tamang bili lang ng gustong libro. 'Di kagaya ng mga gamer na 'yan, lakas magsayang ng pera. Pag natalo, nganga. Eh kami kahit ibili namin ng libro ang pera namin, walang talo. Walang nasayang.

" OOOWWWW!PANALO AKO!AKIN NA PERA NYO!" Narinig kong sigaw ni Raze saktong pagtanggal ko ng takip sa tenga ko.

Hindi ko na nakayanan pa ang ingay nila kaya napagdesisyunan ko na lang na lumabas at doon magbasa sa hagdanan na malapit rin naman sa classroom namin.

Tatlong buwan na rin ang lumilipas simula nang dumating ang cancer na Raze na 'yan. Wala kaming klase ngayon dahil  may meeting ang mga teachers kaya naman nakakapag-ingay ang mga kaklase ko.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa, nagulat ako nang may biglang humablot ng libro ko. Napatingin ako kung sino ang lapastangang gumawa nun. Lalong uminit ang dugo ko nang makita na si Raze 'yun at nakangising nakatingin sa akin habang hawak ang libro kong hinablot nya.

" Punyeta kang Cancer ka!Ano bang problema mo?!" Tumayo ako sa pagkakaupo sa hagdan at tiningnan sya ng masama.

" Ba't ba Cancer tawag mo sa 'kin?Aries kaya ako. " At nakuha nya pa talagang mangganyan?See?Ang gago.

" Akin na nga 'yung libro ko!" Lumapit ako sa kanya pero agad naman s'yang tumakbo. Hindi ko s'ya hinabol hanggang sa huminto na sya at tumingin sa akin ilang metro lang ang layo.

" Ayoko nga, Maria!Sabihin mo muna sa akin kung bakit inis na inis ka sa 'kin. "

" Wag mo nga akong tinatawag sa first name ko!"

" Tigilan mo muna ang pagtawag sa 'kin ng Cancer. "

" Why would I? Eh totoo namang cancer kayo sa lipunan! " Sigaw ko sa kanya. Naging seryoso naman ang mukha nya at humakbang ng isa papunta sa direksyon ko.

" Ano bang problema mo sa mga gamer na gaya ko?" Tanong nya sa akin.

" Basta!Ewan!Siguro nga pare-pareho lang kayo ng ibang gamer. Napakagaling sa lahat ng bagay pagdating sa paglalaro. Kaya pati feelings ng isang tao pinaglalaruan. " Humakbang muli sya ng isang beses matapos kong magsalita.

" Try nyo kasing mahalin kaming mga gamer. " Saad nya na ikinairap ko.

" Oh?Share mo lang?Edi mahalin mo sarili mo. Ikaw nakaisip n'yan. " Muli na naman syang humakbang papunta sa direksyon ko. Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko.

" Sungit mo talaga, 'no? Alam mo kasi, hindi porket gamer, lahat na lang ng bagay paglalaruan namin. " Seryoso n'yang sabi.

" Mas maganda pa ring magmahal ng isang wattpad reader. Tao nga sa libro iniiyakan nila at higit sa lahat, minamahal ng totoo. Paano pa kaya kung magmahal sila ng taong nage-exist 'di ba?Tsk. " Taas-kilay kong sabi sa kanya at ngumisi. Muli, humakbang na naman sya ng isang beses. Kakaunti na lamang ang layo n'ya sa akin.

" Agree ako sa sinabi mo. Kaya nga mahal kita eh. " Nawala ang ngisi sa aking labi nang marinig ko kung ano ang sinabi nya.

Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa gulat. Muling humakbang si Raze. Sobrang lapit n'ya na ngayon sa akin.

" Ang unfair naman. " Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

" A-ano bang sinasabi mong unfair?" Pinanatili ko ang pagiging kalmado kahit pa sa kaloob-looban ko, sobrang nagwawala na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

" Ang unfair na galit ka sa 'gaya kong gamer habang ako, mahal na mahal ka. " Mas lalo akong nabato sa kinatatayuan ko. Ngayon ay ilang inch na lang ang layo namin sa isa't-isa.

" O-oh tapos?" Pinilit kong wag magpahalata  kay Raze na naaapektuhan ako sa mga sinasabi nya.
Muli syang humakbang palapit sa akin at sa pagkakataong ito, halos magdikit na ang dulo ng ilong namin dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Napalunok naman ako nang marinig ko ang sunod n'yang sinabi bago sya umalis sa harapan ko at naglakad na papasok sa classroom namin na tila ba walang nangyari.

" Kung ikaw adik sa pagbabasa ng wattpad, ako naman adik sa paglalaro ng mobile legends. Kung ikaw baliw na  baliw sa mga fictional characters, ako naman baliw na baliw sa'yo. "


*THE END*

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now