" CURIOSITY "Warning: DON'T READ THIS POST. DO SCROLL DOWN.
"Don't Let Your Curiosity Drive Your Own Body"
If curiosity really killing you, I have some rules that you need to follow before you read this post;
1. React Angry
2. Comment your full name
3. Understand the story
4. Enjoy the story---
Nandito ako ngayon sa loob ng aking kwarto. Nakahiga ako sa kama at busy kakascroll sa fb gamit ang touch screen kong phone.
Wala akong kachat kaya ito, scroll down, scroll up hanggang sa...
May nakakuha ng atensyon ko.
Post ito galing sa isang taong hindi ko kilala. Natawa na lang ako sa nabasa unang line pa lang ng post. "Warning:Don't read this post. Do scroll down. "
Kabaliktaran ang gusto kong gawin. Mas lalo pa akong pinatay ng aking kuryosidad dahil sa mga salitang, "Don't let your curiosity drive your own body"
So weird...
Wala na akong pakialam sa mga korning rules ng nagpost kaya agad ko ng sinimulan ang pagbabasa.
---
'Hating gabi na, may isang batang nagngangalang Venice ang naka-upo sa isang silya sa kanilang tahanan. Hawak-hawak nya ang kanyang touchscreen phone.
Mag-isa lang siya ngayon sa kanilang tahanan at dahil na'rin siguro sa pagkabagot, sa cellphone nya sya umaasa.
Nahagip ng mata nya at tuluyang pumukaw sa atensyon nya ang isang post sa di kilalang tao.
"Don't read this post. Do scroll down. "
Nabasa rin nya ang mga rules na syang ikinatawa nya gaya ng, "React Angry" at "Comment your full name". Napapa-iling-iling pa sya habang sinasabi ang mga katagang, "Lakas makameme ni ate. 'Haha' react dapat hindi 'Angry'. Hindi na'rin syang nag-atubili pang ikomento ang pangalan. Binasa nya na ulit ang nakita nyang post.
Tungkol ito sa isang batang pinatay. Isang batang pinatay sa pamamagitan ng pananaksak.
Nagsimula ang binasa nyang kwento sa isang batang nagbabasa ng isang shared post sa facebook. "Don't read this post. Do scroll down. "
Nabasa ni Venice sa kwento na binasa ito ng bata at parang inakalang meme lang ang post dahil sa corny nitong rules.
Matapos magbasa ng batang iyon ay napakamot na lang sya sa kanyang batok at sinabi ang mga katagang, "ang gulo naman".
Nagulat ang bata ng makarinig ng katok sa kanilang pintuan. Agad nya itong binuksan at halos manlambot ang tuhod sa nakita.
"S-sino ka?! "-tanong nya sa babaeng nakaitim na bumungad sa kanya.
Napalunok sya ng makitang may dala itong kutsilyo. Hindi na nasagot ang katanungan ng bata dahil bigla na lang syang pinagsasaksak ng babaeng nakaitim.
Alam nyang ito na ang katapusan nya dahil sa panlalabo ng paningin nya. Ang huli nya na lang nasilayan ay ang dugo nyang kumakalat sa sahig habang pinagsasaksak pa'rin ng tumatawang babae.
Natapos naman ng magbasa si Venice na pawang nandidiri ang mukha. "Enjoy the story? K-kadiri k-kaya. "-mahinang utal na saad nya dahil nakaramdam sya ng kaba kahit alam naman nyang fiction lang ang nabasa.
Pero hindi nya napigilan, nakaramdam talaga sya ng takot lalo pa't narinig nyang may kumatok sa pinto ng bahay nila.
"S-sino yan? "-utal nyang tanong at naglakas loob lumapit sa pinto dahil wala namang ibang magbubukas kundi sya lang dahil wala syang kasama sa bahay nila ngayon.
Mas lalo pa syang nakaramdam ng takot ng walang magsalita ngunit patuloy pa'ring may kumakatok at palakas ito ng palakas.
Napabuntong-hininga muna sya bago tuluyang buksan ang pinto ng kanilang tahanan. Napalunok ng marahan si Venice ng makita ang itsura ng kaharap nya.
Isa itong babaeng nakaitim gaya ng nasa post na kababasa pa lang nya. Tatanungin nya pa sana ito gaya ng ginawang pagtatanong ng bata sa kwento pero naglabas na agad ito ng kutsilyo at ginilitan ang leeg nya.
Napakabilis ng pangyayari hanggang sa nagdilim na ang lahat sa paningin nya. Ang huli nya na lang nakita ay ang masayang mukha ng babaeng nakaitim na halatang enjoy sa pananakasak sa kanya.'
---
K-kingina! Kinilabutan ako. Hindi ko pa naman halos sinunod yung rules ng nagpost. Siguro yung pangatlo kaya ko pa pero yung panghuli? Yak kadiri kaya. Paano ko mae-enjoy yung pagbabasa?
Dumiretso ako sa comment section. Ang iba ay halatang sinunod pa yung rules sa post dahil nilagay nila yung mga pangalan nila.
Pero may isa--wait! Hindi lang isa! Halos mapalunok ako ng marahan sa nabasa ko.
AtengKyut: Tangna! Totoo nga ata 'toh! Hindi ko nasunod yung rules tapos may kumakatok na rito.
Isabel: Ito ang bumungad sa'kin pagkakita ko sa phone ng boyfriend ko. Patay na sya ng mabasa ko'toh. Nakakatakot.
Jaypee: Tarantado! Ayoko na! Totoo nga talaga 'toh!
May iba pa sana akong babasahing komento pero hindi ko na naituloy dahil sa narinig na pagkatok.
"Shit! Ito na ba yun?! "-natatakot na tanong ko sa sarili ko. Natatakot na ako dahil ayaw pa'rin tumigil ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
Parang ako lang mag-isa ang tao rito pero imposible! Nandito rin ang kapatid ko sa bahay. Baka sya yung kumakatok.
"K-kuya? Ikaw ba yan? "-nanginginig na tanong ko habang lumalakad palapit sa pinto.
Pero walang sumasagot. Baka nga si kuya yung kumakatok tapos pinagtitripan lang ako. Dala na naman ng kuryosidad ay binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sa'kin ang isang imahe ng taong hindi ko inaasahan.
Natumba ako bigla dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Fvcking shit! Nandito yung babaeng nakaitim! Nandito sya sa harap ko!
"S-sino ka? Sagutin mo'ko! Anong ginagawa mo dito?! "-Pinipigilan kong umiyak at nagkunwaring matapang.
"Matapang ka, ija. "-nakangising sabi nya habang tumatawa ng nakakaloko.
"S-sino ka?! "-muling tanong ko ulit at bahagyang napaatras dahil unti-unti syang humakbang palapit sa'kin.
"Ako si kamatayan... "-nanlamig ang buo kong katawan na tila patay na dahil sa mga salitang binitawan nya.
"Hindi mo sinunod ang mga patakaran ko, tama ba? Hayaan mong ipaliwanag ko sayo. "-doon tumulo ang luha ko dahil bigla na lang syang naglabas ng kutsilyo.
"Ang pinakamahalagang rules sa lahat ay ang pagkokomento mo ng iyong pangalan. Pagnasunod mo ang patakarang yun matapos basahin ang di dapat basahin, ibig sabihin ligtas ka na. Dahil ang mga pangalang nakakomento roon galing sa mga taong totoong sumunod, sila lang ang hahayaan kong mabuhay ng matiwasay. "-tuluyan na syang nakalapit sa'kin at itutulak ko na sana sya pero huli na. Napakabilis ng pangyayari dahil sinaksak na nya ako ng madiin sa aking tiyan.
"Binalaan na kita. Binalaan ko na kayo simula pa lang na wag nyong babasahin ito kung hindi nyo lang rin naman pala susundin ang aking patakaran. Hinayaan nyong patayin kayo ng kuryosidad kaya kamatayan rin ang hatol ko. Hahahahaha... "-naramdaman ko ang dugo na umaagos mula sa bibig ko.
Hindi sya nakuntento, sinaksak nya ako ng paulit-ulit sa dibdib ko. Bumibigat na ang aking paghinga kasabay ng panghihina ko.
Ang huli kong narinig sa kanya habang patuloy pa'rin sa pananaksak ay ang mga katagang,
"You're next, yes. The one who's reading this now. Wait for me to knock on your door. "
Don't forget to vote and comment. Thank you!
"HAPPY HALLOWEEN! "
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.