Bonus (9)

127 2 1
                                    

   "ANG THE BEST KONG SECTION"

"UNANG MARKAHAN

Pumasok ako sa eskwelahan
Hinanap ang silid-aralan
Napakapayapa ng kapaligiran,
Dahil kaming magkakaklase ay walang pansinan.

IKALAWANG MARKAHAN

Unti-unti na kaming nagkakalapit
Ang aming mga kamay ay magkakakapit
Ang mga sarili'y magkakadikit
Sa isa't-isa'y nagkaroon ng malasakit.

IKATLONG MARKAHAN

Nagkaroon na ng mga hindi pagkakaunawaan,
Pati na rin ng pagkakaintindihan.
Pero sa huli ay handang ayusin,
Ang mga problema'y handang solusyunan.

IKA-APAT NA MARKAHAN

Hindi ko aakalain,
Na ako'y lubos na mapapamahal sa kanila
Handa ko na kayang sabihin?
Ang mga katagang, "Paalam classmate" "

Napangiti at nagpalakpakan naman kaming lahat matapos tumula ng aming kaklaseng si Elisha sa harapan.

Wala ang aming guro ngayon kaya kung anu-ano ang mga pinaggagawa naming magkakaklase sa classroom.

"Hoy ang drama!" Sigaw ng kaklase naming lalaki na si Zion.

"Waaah!I will miss you guys!" Mangiyak-ngiyak na sabi ng aming vice president na si Fiona.

"Hoy mga bayy tara sa labas. Tugtog tayo. " Dinig kong aya ni Carll sa mga kaibigan nyang lalaki na sina Alexis, Christian, Shin, Zion, at James Felix.

"Carll, dito na lang kayo tumugtog. Jamming tayo. " Saad naman ng class president naming si Hershey kanila Carll.

Sumang-ayon naman sila Carll at agad na ring nagstrum ng gitara kasama si Zion. Si James Felix ang lead vocalist, si  Alexis ang taga beatbox habang si Christian at Shin naman ay sa tambourine.

"Ay pak!Ang galing ng mahal ko magbeatbox!" Tili ng sekretarya naming si Osleck with matching hampas pa sa kaibigan nyang si Asia.

Nagtawanan naman kami dahil doon at agad na ring sumabay sa kantahan.

"Hanggang kailan
Ako maghihintay
Na parang bang
Wala nang papalit sayo~"

Pinagmasdan ko ang buong classroom namin. Napapikit  ako habang kumakanta at inalala ang mga pinaggagawa naming magkakaklase.

"Nasan ka man
Sigaw ng puso ko'y
Ikaw hanggang ngayon
Woah~"

"ʜᴏʏ ᴜᴘᴜᴀɴ ᴋᴏ ʏᴀɴ, ᴀʜ!" sᴀʙɪ ᴋᴏ ᴋᴀʏ ᴍᴀʀᴋ sᴀʙᴀʏ ʜɪʟᴀ ɴɢ ᴜᴘᴜᴀɴ ɴᴀ ɪɴᴜᴜᴘᴜᴀɴ ɴʏᴀ. ᴡᴀʟᴀ ɴᴀ sʏᴀɴɢ ɴᴀɢᴀᴡᴀ ᴘᴀ ᴋᴜɴᴅɪ ᴀɴɢ ᴍᴀɢᴘᴀ-ᴜʙᴀʏᴀ.

"ᴘᴜɴʏᴇᴛᴀ ɴᴀsᴀᴀɴ ɴᴀ ʏᴜɴɢ ᴜᴘᴜᴀɴ ᴋᴏ?!" ᴅɪɴɪɢ ᴋᴏɴɢ sɪɢᴀᴡ ɴɢ ɪʙᴀ ᴋᴏɴɢ ᴋᴀᴋʟᴀsᴇ. ɴᴀᴜᴘᴏ ɴᴀ ᴀᴋᴏ sᴀ ᴘᴡᴇsᴛᴏ ᴋᴏ ᴀᴛ ᴘɪɴᴀɢᴍᴀsᴅᴀɴ ᴀɴɢ ᴍɢᴀ ᴋᴀᴋʟᴀsᴇ ᴋᴏɴɢ ɴᴀɢ-ᴀᴀɢᴀᴡᴀɴ sᴀ ᴜᴘᴜᴀɴ.

"ᴏʏ ᴀᴋɪɴ ʏᴀɴ!ᴍᴀʏ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ᴋᴏ, ᴏʜ!" ɴᴀᴛᴀᴡᴀ ɴᴀ ʟᴀɴɢ ᴋᴀᴍɪ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴋᴀᴛᴀʙɪ ᴋᴏɴɢ sɪʟᴀ ᴊᴀsᴍɪɴᴇ ᴀᴛ ᴅᴀɴɪᴄᴀ.

"Kung sana lamang ay nakita mo
Ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik~"

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now