ONE SHOT #20

124 3 0
                                    

" I FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND "

***

"Do you remember when I said I'd always be there.
Ever since we were ten, baby.~"

Nakatayo ako sa tapat ng altar ng simbahan. Kita ko sa buong paligid ang mga nakangiting mukha ng mga tao. Nakasuot sila ng kani-kanilang mga magagarang damit. 

Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Alam ko na sobrang saya n'ya ngayon dahil ikakasal na s'ya sa babaeng mahal na mahal n'ya.

Bumukas ang pintuan ng simbahan. Iniluwa nun ang isang napakagandang babae. Ang isang babaeng napakalapit sa akin. Ang isang babaeng itinuturing ko higit pa sa kaibigan at higit pa sa kapatid.

" When we were out on the playground playing pretend.
I didn't know it back then.~"

S'ya si Trina Beatriz Martinez. Ang babaeng napakaimportante sa akin. Ang kasama ko palagi sa palaruan noong sampung taong gulang pa lamang ako. Ang babaeng tagapagtanggol ko pag inaapi ako. Ang babaeng never nang-iwan sa 'kin. Ang babaeng lihim kong minamahal na ngayon, ikakasal na sa lalaking mahal n'ya, at hindi ako 'yun.

"Now I realize you were the only one
It's never too late to show it.~"

Hawak ng kan'yang mga magulang ang magkabilang braso n'ya. Inihahatid na s'ya ng kan'yang mga magulang ngayon patungo sa altar. Alam ko na sobrang saya ngayon ni Trina. Sa gitna ng kan'yang paglalakad, napapikit ako at inalala ang lahat ng pinagsamahan namin.

"Grow old together,
Have feelings we had before
Back when we were so innocent~"

" Ang panget mo!" 

" Oo nga ang panget! Bulok ngipin!"

" Hahahahaha yaaaak bulok ngipin!" 

Hindi ko na lamang pinansin ang mga kaklase kong lalaki.Patuloy lang sila sa paglapit sa 'kin habang nang aasar.

" Hoy Trillian! Humarap ka ngang duwag ka!" Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko nang itulak nila ako kaya napaupo ako sa sahig.

" Isusumbong ko kayo kay teacher!" Umiiyak kong sabi.

" Ahahahahaha! Iyakin! Edi magsumbong kang panget ka!" Patuloy nilang pang-aasar sa akin hanggang sa...

" Hoy! Tigilan n'yo nga siya!" Napatingin kami sa isang batang kakapasok pa lamang ng classroom namin. Mabilis n'yang inihagis ang bag n'ya sa kan'yang upuan at lumapit sa amin.

" 'Wag kang mangialam dito Trina!" Sigaw sa kan'ya ng mga batang nang-aaway sa 'kin.

"Eh ang bad kaya ng ginagawa n'yo!" Sigaw naman pabalik ng kaklase kong babae na Trina pala ang pangalan.

" Wala kaming pake! Bakit? Magsusumbong ka rin ba kay teacher?" Maangas na sabi ng isang classmate naming lalaki tsaka tinulak si Trina pero hindi naman ito natumba.

Natahimik ako sa pag-iyak nang makita ko kung anong ginawa ni Trina sa kaklase naming lalaki na tumulak sa kan'ya.

Sinuntok n'ya ito.

Umiyak naman iyong sinuntok n'ya na kaklase namin. Natahimik ang buong classroom. Lumapit sa akin si Trina at tinulungan akong tumayo.

"I pray for all your love
Girl our love is so unreal~"

" Ayos ka lang ba?" Tanong n'ya sa akin. Mabilis naman akong tumango.

" Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong n'ya sa akin. Patuloy lang sa pag-iyak ang kaklase naming sinuntok n'ya.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now