"I LOVE SUMMER AND
I LOVE YOU SUMMER "Nakangiti kong pinagmamasdan ang kapaligiran. Napakaganda talaga ng Palawan. Ang linaw ng tubig.
Well, kung itinatanong nyo kung nasaan ako. Nasa isa kami sa mga resort dito na matatagpuan sa Palawan.
"Seb, kamusta kayo ni Kylie?" Napatingin ako kay Stephen, isa sa mga pinsan ko.
"We're okay. " Maikli kong sagot. Napagpasyahan kong maglakad-lakad malapit sa dagat. Sumama naman sa akin si Stephen.
"Tsk sinong niloko mo, pre?Alam naming hindi ka pa nakaka move on roon sa ex mo. Aminin mo na kasi. " Huminto ako sa paglalakad at sinamaan sya ng tingin.
"Shut up, Stephen. Baka gusto mong masapak. "
"Hey, easy. Joke lang. " Natatawang sabi nya. Nagpatuloy kaming muli sa paglalakad.
Pansin ko ang tinginan ng mga babae sa amin. Napapa-iling na lang ako dahil sa kalandian ng pinsan ko. Nakikipagharutan na agad sa mga babae kahit hindi pa nya kakilala. Iniwan ko na lang sya mag-isa at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
"Leave me alone!Sino ba kayo?!" Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ng isang babae. Malayo na pala ang nalalakad ko. Agad kong hinanap kung saan nanggaling ang boses na 'yun.
"Hoy!" Nilapitan ko ang dalawang lalaking mukhang nangungulit sa isang babae.
"Wag kang mangialam dito, brad. " Tinitigan ko ang lalaking nagsalita. Angas nito, ah. Ayoko pa naman sa lahat yung inaangasan ako.
"Hindi ako mangingialam basta bitawan nyo lang ang girlfriend ko. " Napatingin ako sa babae. Nakakunot ang noo nito pero diretsong tiningnan ko lang sya sa mata na parang sinasabi na sumakay-ka-na-lang-sa-trip-ko. Mukhang nakuha nya naman ang gusto kong ipahiwatig.
"A-ano?Girlfriend mo ang babaeng 'to?" Tanong ng isang lalaki.
"Oo, brad. May problema ka ba doon?Baka gusto nyo ng bitawan ang girlfriend ko?I am PO1 Sebastian Comoros. Binabalaan ko kayo, bitawan nyo ang girlfriend ko. " Pananakot ko sa kanila.
"T-teka?Pulis ka?!" Halos magpigil ako ng tawa nang mapansin na takot na takot ang mukha ng mga ito.
Inilabas ko agad ang cellphone sa bulsa ng short ko at dahan-dahang itinapat sa tenga ko sabay sabing, "Sir, may irereport lang po sana ako. Opo... Yes, sir. Ayaw nilang bitawan ang girlfriend ko. Ha?Ano sir?Opo dala ko yung baril k--"
"Tangina sayo na yang girlfriend mo!" Dali-daling itinulak ng dalawang lalaki ang babae sa akin at kumaripas ng takbo palayo.
"Miss, hey, are you okay?" Napatingin sa akin ang babae. Pansin ko na natatakot pa rin sya.
"I-I'm o... okay. " Nauutal pa sya habang nagsasalita.
"Are you sure?Sino ba kasi yung mga yun?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko sila kilala. Those maniacs!Argh!" Halos kumunot ang noo ko nang mag-iba ito. Parang naging amazona.
"Dapat kasi, may kasama ka. Tsk. Ang ikli pa naman ng suot m--"
"Shut up!Summer ngayon kaya nga nandirito ako sa resort. At kaya nandirito ako ngayon sa resort, para maligo. At dahil nga maliligo ako, ganito yung suot ko!" O-okay?Amazona nga talaga ata 'to.
"Ehem. Wala bang thank you?" Pinagmasdan ko ang mukha nya.
She's cute.
"Thank yo--what's your name?"
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.