ONE SHOT #21

152 1 0
                                    

                         " LIKE "

Hawak ko ngayon ang cellphone ko habang nakaupo sa bleachers sa court ng aming school. Katabi ko ngayon ang kaibigan kong si Kyla at Janella na busy sa pagbabasa ng kaniya-kaniya nilang pocket books habang ako naman ay busy kafe-facebook.

Share lang ako ng share ng memes. Sa totoo lang, medyo naiinis na rin. Tangena wala bang mga emosyon fb friends ko?! 'Di marunong magreact?Feeling artista lang?Tsk.

" Ano na?Anong oras start ng practice?" Dinig kong tanong ng mga kaklase ko sa class president namin.

" Maya-maya, hintayin raw natin si ma'am. " Dinig ko namang sagot ng president namin. Nandito kami ngayon sa court para magpractice ng Sakuting para sa closing ng Mapeh Month namin. Dahil wala pa ang aming teacher para magturo, umupo muna kami dito sa bleachers at kung anu-anong ginagawa.

Kumunot naman ang noo ko nang bigla akong finlood likes ng kaklase kong si Kairon. Isa pa 'tong walang emosyon, magrereact na nga lang 'like' pa talaga. Nakakatawa naman yung mga shared posts ko, ah!At ang mas nakakainis sa lahat, sasabog na nga lang ang notification ko, puro like reaction pa talaga. Pwede namang i-haha!Ghad!Memes 'yan!Bulag ba si Kairon?

" Hoy Kairon!" Tawag ko sa escort namin na busy rin sa pangangalikot ng cellphone. Tumingin naman s'ya sa akin at tumaas  ang kilay n'ya na parang hinihintay ang sunod kong sasabihin.

" Ba't ba like ka ng like ng posts ko?I love blue but please, pag usapang react sa memes i-haha mo naman!Magrereact ka na nga lang mali pa. Bulag ka ba?" Mukhang narinig ng mga kaklase namin ang sinabi ko. Mas lalo akong nainis nang kantiyawan nila kami.

" LQ!LQ!"

" Oy!Hayaan n'yo sila,  away mag-asawa 'yan!"

" Grabe naman!Si Escort at si Muse nag-aaway!Naku, the more you hate, the more you love!Ayieeee!"

" Tangina kayo!Shut up!" Nagtawanan naman sila sa isinigaw ko. Bwisit!Ba't ba lagi nila kaming inaasar?Por que ba escort si Kairon at muse ako, may chemistry na agad kami?Tss. Masyadong mai-issue!

" Hoy, Kairon!Tinatawa-tawa mo d'yan?Palitan mo react mo!" Sigaw ko kay Kairon nang makita ang pigil na tawa nito.

" Ayoko nga, " Mapang-asar na sabi n'ya.

" Gusto mo mablock?"

" Gusto mo ng kiss?"

" YAAAAK!KISS MO MUKHA MO!" Kadiri!Ako?Gusto ko ng kiss mula sa kan'ya?In his dreams!Ew.

" Oy, tama na 'yan baka magkatuluyan kayo. " Inirapan ko naman bigla si Janella at Kyla na natatawa rin.

Letche talaga!

" Ano bang trip mo Kairon, ha?Memes 'yun gunggong!" Hindi ko pa rin s'ya tinitigilan.

" I know, " Kalmadong sabi n'ya.

" Oh, alam mo naman pala eh. Ba't nilalike mo?Ang sakit kaya sa mata ng like!"

" Kasi gusto kita. "

" ANO?!" Narinig ko na naman ang kantiyawan sa paligid.

" Sabi ko, kasi gusto ko. Bingi!" Aba!At tinawag pa akong bingi?Pero parang iba talaga 'yung narinig ko kanina. Tsk.

Sisigawan ko pa sana ulit s'ya nang sumigaw ang isa naming kaklase na, "Nandiyan na si ma'am!" Inayos na namin ang mga gamit namin at pumunta na sa gitna ng court at ginawa ang formation. Napansin ko naman na nakatitig sa akin si Kairon. Agad ko s'yang inirapan agad.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now