"WALA NA FINISH NA""Ayieee! "
"Tanggapin mo na kasi! "
"Kinikilig ako! "
"Bagay kayo! Yieeee! "
Inis akong tumayo sa kinauupuan ko at hinarap ang mga classmates ko.
"Ano ba?! May boyfriend na ako, alam nyo yun! Tigil-tigilan nyo na ako! "-sigaw ko sa kanila.
"At ikaw naman James! Diba sinabi ko sayo na tigilan mo na yang ginagawa mong yan?! Isaksak mo sa baga mo yang tsokolate mo! "-sigaw ko rin sa kaklase kong si James.
Bakit ba kasi ayaw pa nila akong tantanan?! Like duh? May boyfriend na kaya ako! Buti na lang dumating na agad ang prof. namin kaya tumahimik na ang buong klase.
College na ako sa kursong Engineering. At hindi pa'rin talaga nagbabago 'tong mga kaklase ko, tinutukso pa'rin nila ako kay James kahit may boyfriend na ako.
Alam kong matagal ng may gusto sa'kin si James, I think mga 3 years na dahil naging magka- school mate din kami noong SH days.
Alam kong nasaktan ko sya dahil si Bill agad ang sinagot ko. One year na kami kaya ayokong masayang yun.
-----
Mabilis na lumipas ang oras at uwian na namin.
"Fren, may pupuntahan kami nila mommy, eh. Hindi kita maisasabay pauwi, sorry. "-sabi ng kaibigan kong si Ailyn.
"Okay lang. Mag-iingat kayo. "-saad ko pabalik sa kanya. Agad naman syang tumango at umalis na'rin.
Sakto rin namang susunduin ako ngayon ni Bill kaya naghintay pa ako sa waiting shed sa labas ng school.
"Di ka pa uuwi? "-nagulat ako ng tumabi sa'kin si James.
"Sorry kanina. "-paumanhin ko pa. Actually, mabait naman talaga ako sa kanya. Harsh lang ako pag ang sweet nya sa'kin.
"Okay lang. Hindi ka pa nasanay. "-naparoll eye na lang ako sa sinabi nya. Sanay na sanay na ako sayo, sana aware ka.
"Wag mo na syang hintayin. Nakita kong umalis na sya. "-napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Are you pertaining to my BOYFRIEND? "-diniinan ko pa yung word na 'boyfriend'. Baka kasi sakaling maliwanagan na sya na taken na ako at wag ng kulitin pa.
"Yes. Gusto mo hatid na kita? "
"Hihintayin nya ako alam ko. Mauna ka na kung gusto mo. "-iritado kong saad at agad syang inirapan.
"Sungit mo. I'm just trying to be sweet here. At isa pa, masama ang panahon ngayon. Pero kung ayaw mo pa talagang umuwi, mamaya na lang din ako uuwi hanggang sa makaalis ka na. "
He's joking, right? Of course not. He's James Beronilla.
After 10 minutes...
After 15 minutes...
After 30 minutes...
Tiningnan ko ang wrist watch ko at 7 pm na. Na'san na ba si Bill?! Wala na'ring katao-tao sa kinatatayuan ko. Tanging kami na lang dalawa ni James.
"I told you. Hindi ka na nya iinta--"
"Can you just shut up?! "-pagpuputol ko sa sasabihin nya. Inilibas ko ang phone ko at lintik! Battery empty! Mas lalo pa akong nainis ng humangin at umulan ng malakas.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.