" SECRET ADMIRER "
***
Nagdadaldalan kami ngayon ng mga kaibigan ko nang biglang pumasok ang adviser namin. Halos magsigawan naman kami dahil sa sobrang saya nang malaman na may meeting ang mga teachers at wala kaming klase.
Mabilis na nagpaalam ang aming adviser pero bago 'yun ay pinaalalahanan n'ya muna kami na 'wag masyado mag-ingay.
" Bes, milk tea tayo!" Sigaw ni Shia sabay tayo sa kinauupuan n'ya.
" Gago baka pagalitan tayo. Bawal lumabas ng school." Iiling-iling naman na sabi ni Rhea.Napanguso na lamang si Shia at bumalik sa pagkakaupo.
" Sali na lang tayong Uno sa kanila," Saad ko sabay turo sa ibang classmates namin na naglalaro ng Uno.
" Ayoko, katamad. Tara sa canteen, bili tayo." Sabi ni Rhea at walang ganang tumayo.
" Libre mo?" Nakangiting tanong ni Shia sa kan'ya. Napairap na lamang si Rhea tsaka tumango. Masiglang tumayo naman ako sa kinauupuan ko at tsaka hinawakan ang braso ni Rhea at ni Shia tsaka hinili palabas ng classroom.
Aba! Syempre ayokong tumanggi sa libre! Bawas gastos din 'yun 'no!
Hila-hila ko lang silang dalawa palabas nang classroom nang may mabunggo ako. Nauntog ang ulo ko sa dibdib nang nakabunggo ko. Nabitawan ko ang dalawa dahil doon. Dahan-dahan akong lumayo sa nakabunggo ko at tiningnan s'ya toe to head.
" What the--I'm sorry Kiel!" Gulat na sabi ko.
Jusmiyo! Sa dinami-dami ba naman ng makakabunggo ko, ba't 'yung crush ko pa?! Omg! Shemaaay! Nakakahiya!
" Miss Leona Arches, next time 'wag kang tatanga-tanga. Maliwanag?" Seryoso n'yang sabi sa akin. Napayuko naman ako nang marinig ko ang sinabi n'ya. Marahan akong tumango sa kan'ya. Dahan-dahan s'yang naglakad papasok ng classroom kaya naman napatabi ako. Nabunggo n'ya pa ang gilid ng balikat ko pero parang wala man lang s'yang pakealam na dire-diretsong naglakad.
Agad naman na inakbayan ako ni Rhea at Shia tsaka hinila palabas. Naglalakad na kami ngayon patungo sa canteen nang magsalita sila.
" Napakagago talaga nung Kiel na 'yun. Ang harsh n'ya letche. Kung 'di lang gwapo eh!" Iiling-iling na sabi ni Shia. Nakita kong siniko naman s'ya ni Rhea.
" Takte anong connect kung gwapo 'yun? Ang sabihin mo, crush ni Leona!" Ako naman ang napailing ngayon dahil sa sinabi ni Rhea. Letche talaga 'tong dalawang 'to.
Pero totoo, ang harsh ni Kiel. Ba't ba kasi ang sungit n'ya? Pasalamat s'ya crush ko s'ya eh!
***
" Omg! May secret admirer ka!" Tili ni Shia. Napakunot na lamang ang noo ko habang tinitingnan ang laman ng locker ko. Napakarami nung chocolates at hindi lang 'yun, may calligraphy pen pang kasama na iba't-iba ang kulay.
" Sino kayang naglagay n'yan sa locker mo?" Takang tanong ni Rhea. Muli kong isinara ang locker ko at seryoso silang tiningnan.
" Sa totoo lang guys, hindi ito ang unang beses na may natatanggap ako mula sa locker ko." Literal na nanlaki naman ang mata nilang dalawa.
" Gagi ang creepy. Kailan pa nagstart?" Tanong ni Shia.
" Last month pa." Sagot ko sa kan'ya.
" Sa tingin mo sino?" Saad ni Rhea. Bigla namang sumagot si Shia.
" Baka si Callix! Kasi 'di ba, may gusto s'ya sayo?" Napaisip naman ako sa sinabi ni Shia.
" Hmm, posible nga." Tumatango-tango kong sabi.
YOU ARE READING
One Shot Stories
SonstigesTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.