ONE SHOT #18

126 2 0
                                    


                           " PAPEL "

" Rica pengeng papel," Napabuntong-hininga  na lamang ako dahil nakita ko ang mga mukha ng mga kaklase kong  tila nagsusumamo sa akin,mabigyan lang ng papel.

" Bili din kasi pag  may time." Asar kong  sabi sa kanila. Gustuhin ko mang  magdamot pero hindi ko magawa kaya naman binigyan ko ang mga classmates ko na nanghihingi sa akin ng papel .

" Hi Rica babes,penge. Thanks!" Napaawang ang bibig ko nang bigla na lamang tumakbo si Wayne sa direksyon ko at mabilis na pumunit ng papel sa akin .

" Aba ang kapal ng mukha mong lalaki ka!Nahiya ka pa gunggong. Ang galing mo talaga . Nauna muna ang hinge bago paalam wow wow w--"

" Ang ingay mo!" Naiiritang sabi sa akin ni Wayne.

" See?!Mabait ka lang pag nakuha mo na gusto mo sa isang ta--"

" Baraceros,anong  problema?" Agad akong napatigil sa pagsasalita nang  biglang pumasok ang aming guro  bitbit ang mga test papers n'yang ipinaxerox.

" W-wala po ma'am,sorry po ." Tumango naman sa akin ang teacher namin  at agad ng pinamigay ang test papers.

Napatingin naman ako kay  Wayne. Lalong kumulo ang dugo ko nang  makita ko ang mapangasar n'yang ngisi. Inirapan ko na lamang s'ya kahit gustong-gusto ko na s'yang sapakin.

Ang kapal talaga n'ya. Mabait lang s'ya pag maghihingi ng papel. Sa susunod talaga pag  hindi  ako nakapagtimpi ,sasapakin ko ang bwiset na Wayne na 'yan.

***

Kasama ko ngayon ang  apat  kong  kaibigan dito sa loob ng classroom. Break time namin  ngayon at kaming apat  lang ang  nandirito ngayon. Mas  gusto kasi namin  na dito na lang sa loob ng classroom kumain kaysa sa labas.

" Alam  mo  Rica,napapansin ko na lagi kang  inaasar ni Wayne."

" Epal 'yun  eh. Ang hilig mambwiset." Saad ko sa kanila.

" Woops!Baka naman kasi nagpapapansin sa 'yo yung  tao. " Napataas ang  kilay ko sa sinabi ni  Mel.

" Don't tell me,sinasabi n'yong may gusto sa akin yung  gagong 'yun? Pag  nagkataon,yak. Very absurd." Nagtawanan naman silang apat  sa naging  reaksyon ko.

" Sup!" Napatingin kaming  lima  sa pintuan nang pumasok si  Wayne kasama ang  iba n'yang mga kaibigan na kaklase rin namin.

" Rica, penge ngang papel!" Lumapit s'ya sa direksyon ko at hinampas ang likod ko.

" Tangina ano ka chixx?" Saad ko sa kanya. Napanguso naman s'ya kaya napangiwi ako. Yak amp.

" Sige na Rica, babes.  "

" Yak! Babes amp tigil-tigilan mo nga ang pagtawag sa 'kin n'yan!"

" Anong gusto mo?Baby?Babe?Love?Asawa ko--"

" What the hell!" May katok ba 'yung lalaking 'to?Well, parang always naman s'yang may saltik.

" Pahingi na kasing papel. " Pagsusumamo n'ya.

" Your not poor naman!Gayahin mo kasi ako for not being a wastrel. "

" Babes naman, penge ng papel. "

" Ano ba kasing gagawin mo sa papel?!"

" Eh ano kasi, may hindi ako naquiz kaya magququiz na ako ngayon. " Kamot-batok n'yang sabi. Para manahimik na s'ya ay inis at padabog na kinuha ko iyong papel sa bag ko at pumunit ng dalawa bago ibinigay sa kan'ya.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now