ONE SHOT #11

219 4 2
                                    

"MY VALENTINE"

February 14,2016

Ngayon ay araw ng mga puso. Tamad na bumangon ako sa aking higaan. Binilisan ko agad ang aking pagkilos dahil late na akong nagising para pumasok sa school.

Nakarating ako sa aming paaralan sakay ng tricycle. Bumungad sa akin ang aming paaralan. Sa harap nun, ay may mga estudyanteng busy sa pagbili ng mga bulaklak.

Walang ganang naglakad ako. Nahagip ng mata ko ang aking kaibigang si Gerissa. Agad itong kumaway nang makita ako. Tumakbo agad ako palapit sa kanya pero agad ring napahinto.

May nakabungguan kasi akong lalaki. Nakita ko ang pagkalat ng mga dala nyang bulaklak sa sahig.

"P-pasensya na, " Mabilis kong saad at agad syang tinulungan sa pagpulot ng mga bulaklak na nahulog. May ibang estudyante na rin ang tumitingin sa amin.

Nakangiting tumingin sa akin ang lalaking nakabungguan ko. Pinagmasdan ko ito. Naka pulang v neck shirt lang ito na tinernohan ng faded jeans.

"Ayos lang miss. Ako na ang bahala dito. Mukhang malelate na kayo ng kaibigan mo. " Napatingin ako kay Gerissa na kakalapit pa lang sa amin.

"Bessy late na tayo! " Agad nya akong hinila patayo at tsaka kami tumakbo.

"Sorry ulit kuya! Happy Valentine's Day! " Mabilis kong sabi bago tuluyang makalayo sa nakabungguan ko.

Napangiti ako ng wala sa oras nang marinig ang sinabi nya.

"Maligayang araw rin ng mga puso, binibini. "

------

February 14,2017

Maaga akong nagising para pumasok sa eskwelahan. Kailangan kasi naming isurprise ang aming mga guro kaya magdedecorate pa kaming magkakaklase sa classroom.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang pamilyar na tao.

A guy holding a bunch of flowers and wearing a plain red v neck shirt and faded jeans.

T-that guy. Siya yung nakabungguan ko last year. Pinagmasdan ko ang porma nito. He's so cool and cute.

Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Akala ko'y iiwas ito ng tingin ngunit hindi nya ginawa. Bagkus ay ngumiti pa ito dahilan upang makita ko ang malalalim na dimples sa kanyang pisnge.

Kumalabog ang dibdib ko nang mapansing papalapit siya sa direksyon ko. S-shit! I-I'm trembling! Omg.

Sa hindi malamang dahilan, napangiti ako dahil ramdam ko ang kilig sa buong sistema ko.

Tila huminto ang paligid ko nang tuluyan na syang huminto sa harapan ko at binigyan ako ng bulaklak na agad ko rin namang tinanggap.

"Happy Valentine's Day, miss. " Nakangiti nyang saad. Mukhang hindi nya ako natatandaan.

"H-Happy Valentine's Day din. T-thank you sa bulaklak. " Medyo kabado kong sabi. Nakakahiya dahil pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko ngayon.

"Bente singko pesos benta ko dyan miss ganda. Kukunin mo ba? " Halos mapanganga ako sa sinabi nya.

Huwaaaat?!!! Binibenta nya yung bulaklak?! Akala ko pa naman binibigay nya ng libre sa 'kin! Letche!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now