" MAGKAIBIGAN TO MAGKA-IBIGAN "
Nakabibingi ang sigawan ng mga tao ngayon dito sa loob ng court ng aming school. Finals na kasi ngayon ng Basketball at dito sa aming paaralan ito ginanap.
" GO SHAWN!" Malakas kong sigaw na naging dahilan kaya napatingin sa akin ang ibang estudyante pero wala akong pakealam.
Tutok ako sa team captain ng team ng school namin sa paglalaro which is ang bestfriend ko. Limang minuto na lamang ang natitirang oras. Lamang ang kabilang grupo ng tatlo. Pero kahit ganoon, alam ko na mananalo sila Shawn.
" KAYA N'YO 'YAN SHAWN!" Sigawan ng mga babae sa aking likuran. Hindi na ako nagtaka pa na maraming supporters ang kaibigan ko. Napakagaling ba naman kasing maglaro ng basketball at higit sa lahat, napakalakas ng charisma at masasabi kong ang gwapo talaga nya.
" Last two minutes!" Narinig kong sigaw sa mikropono ng isang lalaki kaya naman mas lalong lumakas ang sigawan. Lamang pa rin ang kabilang grupo pero sa pagkakataong ito, isa na lang ang kanilang lamang.
Hawak ngayon ang bola ng kabilang grupo. Pinanood ko kung paano agawin ni Shawn ang bola sa kalaban. Mabilis n'ya itong pinasa sa kanyang kakampi. Nakita kong tumakbo si Shawn papunta sa gilid ng ring. Saktong inihagis rin sa kanya pabalik ang bola. Nagsigawan kami nang makashoot si Shawn ng 2 points meaning, lamang na sila ng isa.
Nagtuloy pa ang laban hanggang sa nagtawag ng time out ang kalabang grupo. Maya-maya lang rin ay nagsimula ng muli ang laro.
Hawak ng team nila Shawn ang bola. Nakita kong tumakbo ang isa sa mga myembro ng team ng school namin palapit sa ring at sinubukang i-shoot but failed.
Sampung segundo na lamang ang meron at hawak ng kabilang grupo ang bola. Napatayo ako nang makita muli kung paano agawin ni Shawn ang bola sa kalaban. Apat na segundo na lamang ang natitira. Idinribble ni Shawn ang bola at tsaka hinagis sa ere papunta sa ring.
3..
2...
1...
Shoot!
94-92!
Panalo sila Shawn!
Natuwa ako nang buhatin s'ya ng mga kateam mate nya. Bumaba na ako sa bleachers at pumunta palapit sa kanya. Saktong pagkababa sa kan'ya ay nakita n'ya ako. Agad naman s'yang ngumiti sa akin at naglakad palapit bago ako yakapin.
" CONGRATS!" Saad ko at hinampas ang likod nya.
" Salamat. Galing ko bestfriend 'no?"
" Oo na lang. Bitaw na nga amoy pawis ka. " Bumitiw naman sya sa pagkakayakap sa 'kin.
Agad kong inilabas ang panyo ko at pinunasan s'ya pero agad natigil 'yun nang may um-epal--este may lumapit sa kan'yang mga babae para magpapicture.
Napairap na lamang ako nang makita ang paglingkis ng braso ng isang babae sa kan'ya. Lumayo ako ng kaunti sa kanila dahil mukhang nakakaistorbo ako. Nakakahiya naman.
Muli akong napairap dahil ang tagal nila. Sa sobrang inis ko ay tumalikod na ako at maglalakad na sana palayo nang marinig ko na tawagin ako ni Shawn.
" Elisha!" Dahan-dahan akong humarap sa kan'ya at literal na nanlaki ang mata ko nang makita ko kung paano s'ya hilahin ng isang babae at halikan sa labi.
" W-wow. Gusto ata talaga ako makitang masaktan. Tinawag pa ako para lang makita 'yan. " Mahina kong bulong sa aking sarili.
Tumalikod na ako kaagad at tumakbo palayo. Hindi naman na pala ako kailangan ni bestfriend. Pero ano bang pake ko?Magkaibigan lang naman kami, ah. Ang OA ko kadiri.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.