"AKALA"
Maaga akong pumasok ng school. Well routine ko na yun para makita si crush. Sakto rin namang cleaner ako ngayon at nagulat ng makapasok sa loob ng room. Waah! Oo nga pala! Isa rin pala ngayon sa mga cleaners si crush!
Actually, di pa ako umaamin sa kanya. Eh kung ngayon na kaya ako umamin?! Tutal kaming dalawa pa lang ngayon yung nasa room. Oo kami pa lang! Afternoon shift pa naman pasok namin kaya pinagpapawisan ako ngayon dahil na'rin sa nerbyos.
"Hoy Kristine! Okay ka lang? "-nagulat ako ng kausapin nya ako. Nahalata nya siguro na nakatulala ako sa kanya at pinagpapawisan.
"H-huh? Okay lang ako cru-- este Justine. Hehe"-sht! Muntik na akong madulas dun!
Napatango na lang sya at nagwalis na ulit ng kalat. Syempre tinulungan ko'rin sya kaya kumuha rin ako ng walis. Ang sipag nya talaga! Matalino na, masipag pa! At higit sa lahat, gwapo!
O-okay? Aamin na ako! Di ko na kaya!
"J-Justine, Hehe"-tawag ko sa kanya. This is it pancit!
"Yes? "-saad nya pabalik.
"M-may a-aminin sana ako sayo. "-Sht! I'm stuttering! Nakita kong sumeryoso yung mukha nya. Sa tingin ko, iniintay nya yung sunod kong sasabihin.
"M-m-may g-gusto ak--"
Natigil ang pagsasalita ko ng mag bell ng malakas at pumasok ang mga maiingay kong kaklase.
"Ano nga ulit yun Kristine?! "-tanong nya pasigaw dahil ang ingay na talaga sa loob.
"Wala! Ang sabi ko manhid ka! Este may gusto akong bilhin baka gusto mong sumabay! "-pasigaw ko ring saad.
"Ah ganun ba?! Mamayang recess pa ako eh. "-napatango na lang ako sa sinabi nya. Etoh na sana eh! Bwisit talaga 'tong mga kaklase ko! Huhu
------
Break time na. So ayun lumabas na si crush para bumili ng pagkain sa Canteen kasama ang mga kaibigan nya.
Habang nasa labas lahat ng mga kaklase kong kumakain ay nanatili ako sa loob ng room. Nasa labas silang lahat kasi bawal kumain dito sa loob at isa pa, magpapractice ako ng pag-amin kay crush. Oha! Oha!
Lumingon-lingon ako sa paligid para masigurong walang tao. Nang masiguro ng walang tao ay pumunta ako sa upuan ni crush at humarap sa bag nya. Iniimagine kong sya yung nasa harap ko ngayon hindi yung bag nya.
"J-Justine, matagal ko na'tong gustong sabihin sayo. "-panimula ko pa.
"Sana wag kang magagalit. Kasi ano. Kasi hehe. Kasi ano! Kasi! Kasi! Annnooooo! "-napasabunot na lang ako sa ulo ko. Ang baduy kasi eh! Diretsuhan na nga lang!
"Justine? Alam mo bang matagal na kitang gusto? Kaso ang manhid mo kaya gago ka! Nagustuhan kita kasi ang gwapo mo, tapos matalino, masipag at mabait. Alam mo bang bagay tayo? Kasi nga 'Justine' at 'Kristine'. Parehong may 'tine' sa pangalan. Destiney kasi tayo. Letter d-e-s capital T-I-N-E letter y. Ah basta di ko alam spelling! Basta ang alam ko lang gusto ki--"
"Bwahahahaha! "
"Yiieeee! Si Kristine crush si Justine! "
"Forever na this! Bwahahaha! "
Agad akong napalingon sa pintuan nang marinig ang boses ng mga kaklase ko. Pakenengshet! Narinig nila waaahhh!
"Shttttt! Wag kayong maingay please! Nagmamakaawa ako! Lilibre ko kayo fries kung gus--"
"Ayiiieee! Wala! Wala! Sasabihin namin kay Justine na ---" agad kong tinakpan ang bibig ng isa kong kaklase dahil biglang pumasok si Justine kasama ang mga kaibigan nya. I'm dead.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.