ONE SHOT #12

167 4 0
                                    


                    "HEART ATTACK"

First day of school namin ngayon. Kagagaling lang namin sa covert court nang mapagdesisyunan na pumunta na kami sa aming kanya-kanyang room. Section one ako.

Agad ko namang nabasa ang nakasulat na word sa pintong nasa harap ko ngayon na "Einstein". Pumasok na ako kaagad dahil yun ang pangalan ng section na hinahanap ko.

Naroon na ang iba kong magiging mga kaklase. Naghanap ako ng bakanteng upuan. Doon ako naupo sa pangalawang hilera katabi ang isang babae kong kaklase.

"Excuse me, miss?" Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Mukhang kaklase ko rin ang isang 'to.

"Yes?" Taka kong tanong.

" Can you please find another chair?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

" I want that spot kasi, " Dagdag nya pa.

"I'm sorry but I got it first. You better find another chair. " Mabilis kong sagot sa kanya. Duh?Ako kaya ang nauna. Maghanap sya ng sarili nyang upuan.

"I said I want that spot, miss. Move. And. Find. Another. Chair. Now!" Iritadong sabi nya.

"Pardon?" Taas kilay kong saad.

Wala na syang nagawa kundi maghanap na lang ng ibang upuan dahil dumating na bigla ang aming adviser.

First day ng klase high blood agad ako!Sino ba kasi sya para utusan ako?Bwisit na lalaking 'to.

------

"Caangay, anong volume mo na sa Project Loki?" Tanong ko sa classmate kong lalaki.

"Volume 2 na, " Mabilis nyang sagot.

"May idea ka na kung sino si Moriarty?"

"Oo. Para sa'kin si Jamie Santiago. "

"Weh? Ako kasi yung pinaghihinalaan ko eh, yung tatay ni Loki at Luthor. "

"Cleaners!Maglinis na nga!" Natigil kami sa pagkekwentuhan nang magsalita ang class president namin na si Hershey.

"HRG ngayon, oh. Wala si ma'am. Maglinis na kayo cleaners para tuloy-tuloy na yung paglalaro nyo. " Dagdag ni Hershey. Tumayo naman na agad ang ibang cleaners ng klase at nagsimula na ring maglinis.

Ang lalaking kausap ko kanina ay ang classmate ko na si Christian Caangay. Wattpad reader ang isang yun gaya ko. Hindi ko aakalain na mabait rin pala ang lalaking yun. Hindi kasi naging maganda ang unang encounter namin noong unang araw ng klase.

"Hoy tara logic tayo!" Dinig kong sigaw ng classmate naming si Zion. Ang guitarist ng section namin.

"Tama na yung logic. Codes naman. " Suhestiyon naman ni Carll. Kaklase kong lalaki na wattpad reader rin at gitarista sa section namin.

"Geh tara, " Lumapit agad ako sa kanila para sumali sa laro. Pito lang kaming maglalaro. Ako, si Zion, Shin, Alexis, Carll, Christian, at ang classmate naming babae na si Luzyl.

Sanay na kaming maglarong pito about riddles or logics and codes. Si Christian ang naatasang magpapadecode. Kaming anim ay magpapa-unahan lang sa pagdedecode ng code na isusulat ni Christian sa board.

Ang ingay namin sa classroom. Ang iba naming kaklase ay naglalaro ng Uno, Chinese Garter, at ang iba naman ay nagbabasa lang ng wattpad sa isang tabi gaya ng classmate naming si Mel.

"First code is Reverse Cipher. " Saad ni Christian.

"Lah ang dali naman." Saad naman ni Alexis.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now