ONE SHOT #15

145 2 0
                                    

         " IT'S A SUMMER AND I
     THOUGHT WE'LL BE FOREVER"

Napababa ako mula sa hagdan nang tawagin ako ni mommy.

" Hey, Arlia, dali!" Agad akong napalapit kay mommy at inabot ang telepono mula sa kanya. Sobrang lawak ng ngiti nya kaya gets ko na agad ang gusto nyang sabihin.

" Hello?" Saad ko mula sa kabilang linya.

[ " Hi, babe! "] Napangiti ako nang marinig ang boses ni Ethan.

" H-hello! I-I miss you. " Nahihiya kong sabi.

" Naku, Ethan, si Arlia kinikilig. Namumula, oh. "

" Mommy!" Agad napatakbo si mommy sa kusina. Kainis. Namumula ba ako?

Narinig ko naman ang mahinang paghalakhak ng taong kausap ko mula sa kabilang linya.

" W-walang nakakatawa!" Sigaw ko sa kanya.

[ "Asus, babe ko. Ba't hindi mo na lang kasi aminin na kinikilig ka sa isang seaman na nagngangalang Ethan Gio Velasco?" ] Napairap ako sa kawalan dahil sa sinabi nya.

" Asa ka. Ako?Ang magandang teacher na 'to kikiligin sayo?" Pagsusungit ko sa kanya.

[ " Tsk deny pa. Sya nga pala,  babe. Uuwi na ako dyan.  " ] Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

" H-huh?Talaga?Kelan?!" Excited kong tanong sa kanya. Nagulat ako nang bigla na lang mamatay ang tawag.

" Bastos tsk. " Napairap ulit ako sa hangin.

Inilapag ko na ang telepono. Tamad na naglakad ako patungo sa hagdan para sana aakyat ng kwarto nang may narinig akong pamilyar na boses mula sa kusina.

" SURPRISE!" Nakangiti nyang sabi habang hawak ang isang malaking teddy bear at bouquet.

" E-Ethan?" Gulat na gulat akong makita sya. K-kanina pa ba sya sa kusina?Ibig-sabihin habang kausap ko sya, wala sya sa barko. Ibig sabihin--omg! Agad akong napatakbo palapit kay Ethan at naluluhang niyakap sya.

" Ehem labas na muna ako. " Napatawa kami ni Ethan sa sinabi ng mommy ko na kasabwat rin pala sa mga nangyayari.  Lumabas na ng tuluyan si mommy kaya kaming dalawa na lang ni Ethan ang natira.

" Shit, Lia, I miss you so much. "  Bulong nya sa tenga ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha.

" We can spend more time now, Lia. I love you. " Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya.

" Please, babe, don't cry. " Maluha-luha ring sabi nya at pinunasan ang mga luha kong lumalandas mula sa aking mga mata.

" I miss you too, Ethan. I love you so much. Kung pwede lang na ipagdamot ko ang oras mo sa trabaho, gagawin ko. God knows kung gaano ako nahirapan dahil magkalayo tayo. Gusto kitang ipagdamot. After a year, ito ka nasa harapan ko. Okay, you win. Kinikilig ako!" Hindi ko na alam kung ano pa ang lumalabas sa bibig ko. Sobrang saya ko ngayon.

" Cute mo talaga. " Pinisil nya bigla ang ilong ko. Halos matawa naman ako sa reaksyon nya dahil sa ginawa ko. Mahilig kasi nyang pisilin ang ilong ko at gagantihan ko naman sya sa pagpisil ng pisnge nya. Pero ngayon, imbes na kurutin ang pisnge nya ay hinalikan ko ito.

" Para sa akin ba yan?" Nabalik na sya sa kanyang sarili nang muli akong magsalita. Gusto kong humalakhak sa tawa dahil namumula na sya ngayon.

" Y-yes, " Iniabot nya naman sa akin ang bouquet at teddy bear na hawak nya. Agad ko rin namang tinanggap ito mula sa kanya.

" Lia, " Napatitig ako sa kanya nang muli syang magsalita.

" Oh?"

" Pwedeng isa pa?"

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now